CHAPTER 39

23.2K 628 23
                                    

RAVEN'S POV

"Save him! He needs you now!"

Napadilat ako ng biglang may narinig akong kung ano na boses. Nilibot ko ang paningin ko sa kwarto ko pero wala namang ibang tao bukod sakin. Bumangon ako at tumingin sa bintana. Gabi pa pala at napansin kong may kakaiba sa buwan. Full moon? Masyado namang umaga? Dapat next week pa iyan ah.

Pagtingin ko sa orasan 12 pa lang pala. May nararamdaman akong kakaibang enerhiya kaya mabilis akong nagbihis saka lumabas ng dorm at sinundan ang enerhiya na iyon at napadpad ako sa gubat.

"AHHHHH!!"

Teka. Boses iyon ni ash ah. Tinahak ko ang pinang gagalingan ng sigaw at ng makarating ako sa pinagmumulan ng sigaw ay tama nga ang hinala ko.

Si ash nga. Nakaluhod siya at nakahawak sa ulo niya. Tila ba may iniindang sakit at kung pagmamasdan mukhang kanina pa niya ito iniinda.

"Ash? What's wrong?" tanong ko pero di siya sumagot at panay ang daing niy kaya napagpasyahan kong lumapit pero bigla siyang nagsalita

"Aahh!! Stop! Don't go near me! Stay away from me!! You should go back now!! Ahhhh!!" nahihirapang sabi niya habang dumadaing

Tama. Demon nga pala si ash. Naaalala ko sa impormasyong nabasa ko sa isang libro na kapag full moon ay mas lalong lumalakas ang blood lust ng mga demons. Medyo kakaiba ang blood lust ng mga demons sa bampira sa oras na hindi sila makainom ng dugo sa full moon maaari silang manghina na maaari nilang ikamatay. Kaya sa tuwing full moon laging may mga nakahandang mga dugo ang mga demons. Ang pureblood na katulad ni ash ay tao ang kailangan niya hindi tulad sa iba na pwede na ang dugo ng hayop. Pag full moon lang naman kinakailangan ni ash ng dugo ng tao.

I need to do something. Imbis na sundin siya ay mas lumapit pa ako at mas lalong lumakas ang sigaw niya. Nakita kong nanghihina na siya. Kailangan niyang uminom ng dugo. Pumantay ako sa kanya.

"Here" sabi ko saka inilihis ang damit ko at tinagilid ang ulo ko sapat na para makita niya ang leeg ko.

"No! I won't bite you! I won't drink your blood! Ahhhh!!!" sigaw niya

"You need to or else you'll die" sabi ko ngunit nagmatigas parin siya. Mabilis kong kinuha ang dagger ko at sinugatan ang pulsuhan ko at tinapat iyon bibig niya at sapilitang nilalapit ang kamay ko na may sugat sa bibig niya. Hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko. Inamoy niya iyon at nakita kong mas lalong naging pula ang mga mata niya.

Mabilis niyang sinipsip ang dugo ko na lumalabas sa pulsuhan ko. Ilang sandali pa ay hahawakan ko na sana ang balikat niya para patigilin na siya dahil baka maubos na ang dugo ko pero bigla niyang hinawakan ang kamay ko gamit ng isa niya pang kamay at hinawakan ito ng mahigpit saka mabilis na hiniga sa sahig kaya ngayon ay kapwa nasa magkabilang gilid ko ang mga kamay ko habang nakakulong sa mga palad niya at sinisipsip ang dugo ko mula sa pulsuhan ko.

Hindi pa ata siya nakuntento sa dugo na kinuha niya galing sa pulso ko kaya mabilis niyang kinagatan ang balikat ko at sinipsip ang dugo ko.

"Aaahhh.." ungol ko

Maya-maya pagkaraan ng ilang minuto doon lang siya tumigil sa pag-inom ng dugo ko. Akala ko balak niya ng ubusin ang dugo ko. Buti naisip niya pang magtira. Nakakahiya naman sa kanya.

Lumayo siya ng kaunti kaya agad kong iniangat ang mukha ko at nakita kong iba na ang kulay ng mata niya. Pula na ito. Damn! He's not ash anymore! Its Dark King!

"Long time no see akisha" sabi niya habang nakangisi

"We didn't see each other for a long time but you're still the same. You really smell so nice my Queen. You're blood is really delicious and addicting. If ever I didn't able to stop myself you might be dead right now but I don't want to kill my beloved Queen" he huskily said in my ears and lick the part of my shoulder that he bitten awhile ago that sends goosebumps on me.

Magisch Academy: The Heartless PrincessTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang