CHAPTER 54

24.2K 654 35
                                    

ASH'S POV

UNTI-UNTI kong dinilat ang mga mata ko at bumungad agad sa akin ang mukha ni akisha. Ang sarap sa pakiramdam na magising at mukha niya ang una kong makikita. Sana laging ganito.

Nilibot ko ang paningin ko at nakita kong nasa sofa parin kami. Nakahiga ang ulo ko sa hita niya at hawak ko parin ang kamay niya. Napatingin ulit ako kay akisha na nakasandal ang ulo sa sofa.

Nakita kong may mga buhok niya na napunta na sa mukha niya. Dahan-dahan kong nilapit ang kamay ko sa mukha niya at inipit ang buhok niya sa likod ng tenga niya.

Bumangon ako at binuhat siya papunta sa kama saka ko siya dahan-dahan nilapag doon. Humiga ako sa tabi niya at pinaunan siya sa braso ko. Siniksik niya naman ang sarili niya sa akin at niyakap ako. Hinalikan ko ang ulo niya at hinaplos ang buhok niya. Di ko namalayan nakatulog pala ulit ako.

Naramdaman kong may mainit na tumatama sa mukha ko kaya dinilat ko ang mga mata ko. Tanghali na pala. Tinignan ko si akisha sa tabi ko pero nagulat ako ng wala siya sa tabi ko.

Pakiramdam ko biglang tumigil ang pintig ng puso ko at unti-unti itong pinagpipiraso. Napuno ng tanong at takot ang puso at utak ko.

N-no. Hindi kaya isang panaginip lang ang pagkabuhay ni akisha? Hindi ito maaari. Mabilis akong tumakbo papunta sa pinto para hanapin si akisha.

Pero napatigil ako ng may magsalita.

"Hey Ash! Where are you going?" mabilis ko siyang nilingon at pakiramdam ko bigla akong nagising sa isang napakasamang bangungot. Lahat ng takot ko ay biglang nawala at napuno na kasiyahan.

Mabilis akong tumakbo papunta sa kanya at niyakap siya ng mahigpit.

"Hey! Ano ba? Hindi ako makahinga. Ano bang nangyayari sayo ha?" tanong niya saka ako pilit na tinutulak palayo pero hindi ako bumitaw at nanatili lang akong nakayakap sa kanya. Niluwagan ko lang ang pagkakayakap ko sa kanya.

"Natakot ako ng magising ako ng wala ka sa tabi ko. Akala ko isang malaking panaginip lang ang lahat. Sa susunod wag ka ng aalis sa tabi ko ng hindi nagpapaalam okay? Kung ayaw mong mabalitaan na nakalutang ang katawan ko sa dagat o di kaya nakakulong ako sa mental hospital" sabi ko

"Pansin ko lang nagiging masyado ka ng matatakutin ngayon ah" sabi niya

"It is all because of you. Before I was the most fearless person but when it comes to you I became the most coward person that ever live. Before I was the strongest person but when it comes to you I became the weakest person. Before I am still sane but when you came into my life I became the craziest person in this world. You're the only one who can make me crazy. See? You changed me big time. You have me wrapped with your little fingers" sabi ko

"Ganyan ka pala pag umaga ash? Nagiging corny" nang-aasar na sinabi niya

"Tsk. So iiwan mo na ako kasi corny ako? Sa iyo lang naman ako ganito eh" sabi ko saka humiwalay sa kanya. Hinawakan niya naman ang dalawang pisngi ko.

"Oh. Nagtatampo ka naman agad. Don't worry kahit ikaw pa ang pinaka korning tao sa mundo mamahalin parin kita" sabi niya saka ako hinalikan ako. Smack lang.

"Good morning"

Nakakainis na sa mga salita niya lang nawawala na agad lahat ng mga iniisip ko. Ang unfair. Hindi ko kayang magalit o hindi man lang siya pansinin ng matagal. Why I can't resist her?

Lalayo sana siya sa akin ng hawakan ko ang maliit niyang bewang papunta sa akin.

"That's not enough babe. It should be like this" sabi ko saka hinalikan siya.

Magisch Academy: The Heartless PrincessWhere stories live. Discover now