CHAPTER 40

29.1K 777 84
                                    

WARNING!! 📢🚫 SPG ALERT!! Itong chapter na ito ay para lang sa mga open minded sama niyo na din yung mga green minded 😂 Bawal ito sa mga bata at may mga innocent mind! Baka mabahiran ng kaberdehan hahaha 😂 Please read at your own risk!!

RAVEN'S POV

Pagkalabas ko ng dorm ko para sana magjogging ng nakita ko si ash na lumabas mula sa katabing dorm ko. Di ako tanga para di malaman kung anong ginawa niya doon sa loob ng katabi kong dorm. Nasa girls dormitory siya ng madaling araw at lalabas siya ng magulo at gusot ang damit.

Nakita kong napatingin siya sa akin pero di niya ako pinansin at nilagpasan lang katulad ng ginagawa niya nitong mga nakaraang buwan.

Haysss.. Di ko na talaga siya maintindihan.

Pagkatapos kong magjogging ay pumunta sa cafeteria. Wala kasi kaming pasok ngayon dahil may biglaang meeting ang mga prof namin.

Pagdating ko sa cafeteria ay napansin kong kunti pa lang ang tao dahil masyado pang maaga. Nakita ko doon si ash pero di ko na lang siya tinignan saka naglakad para sana pumila pero biglang may bumunggo sakin at nakita kong tumapon sa dibdib ko ang juice na hawak ng lalaking nakabangga sakin.

"Naku!! Sorry po Miss!" sabi ng lalaki saka mabilis na kinuha ang panyo niya at pinunas sa dibdib ko

"No. It's okay. You don't need to do this" pigil ko sa kanya pero sigi padin siya sa pagpunas. Magsasalita pa sana ako ng biglang may humawak sa kamay ng lalaki. Pagtingin ko si Yvo pala.

"If I were you I'll stop what you're doing right now if you don't want me to cut your filthy hands" Yvo said in a menacing voice kaya agad na tumakbo ang lalaki na kinailing ko na lang.

"Minamanyak kana pero hinayaan mo lang?" inis na tanong ni Yvo

"Who says I did? No one messes with me and gets away with it easily. I put a poison on him secretly. He will die in a weeks because of sickness due to the effects of that poison. I made sure that he will have a slow and painful death" sabi ko na kinangisi niya saka naglakad para umorder

"Di kapa din nagbago. Ikaw padin ang pinaka tuso na nakilala ko" sabi niya habang nakasunod sakin

"Bakit naman ako magbabago?" tanong ko

"Dahil kila lia" sabi niya

"Ikaw nga matagal mo na silang nakasama kaysa sakin nagbago kaba? Hindi naman diba?" sabi ko

"Well you have a point" sabi niya saka nagkibit balikat

Dala-dala ko ang inorder kong pagkain at ganun din si Yvo na nakasunod sakin. Napadaan kami sa table ni ash at nakita ko ang masama at malamig titig niya sa akin. Kung masama ang titig niya noong si brent ang kasama ko ngayon triple na noong si Yvo na ang kasama ko. Ano bang problema nitong lalaking ito? Bakit ba siya nagagalit sa tuwing may kasama akong lalaki? Bakit pag siya ba may kasamang ibang babae di ko naman siya pinapakialaman ah? Tsk. Bahala nga siya sa buhay niya. Wala akong pakialam sa kanya.

Umupo kami ni Yvo sa medyo malayo kay ash pero sapat parin para makita ko padin siya. Nagsimula na kaming kumain ni Yvo ng maya-maya pa ay nakita kong may lumapit kay ash na babae. Sinalubong niya ito at saka sila naghalikan sa pisngi saka niya inilalayan papunta sa table ang babae. Pinaghila niya pa ito ng upuan na siyang kinangiti ng malaki ng babae.

Tsk. Malanding lalaki. Kung makabintang na kung sino-sino ang lalaking nilalandi ko eh siya nga itong iba-ibang babae ang laging kasa-kasama.

"Raven are you done?" tanong ni Yvo

Magisch Academy: The Heartless PrincessOnde as histórias ganham vida. Descobre agora