CHAPTER 51

22.2K 704 215
                                    

CHLOE'S POV

"Mayroong magaganap na pagpupulong bukas para sa kaso ni ash. Hindi ba? Subukan niyong kumbinsihin sila ulit at kung sakaling hindi niyo sila makumbinsi. Ipaubaya niyo na ang lahat sa akin" sabi ni raven

Di ko alam pero parang may hindi ako magandang kutob sa plano ni raven.

"Please raven wag kang gagawa ng mga bagay na ikapapahamak mo okay?" sabi ko

"Just trust me. Everything will be fine. Para ito sa ikabubuti nating lahat" sabi ni raven

"Naiintindihan namin. May tiwala kami sa iyo" sabi namin saka ngumiti sa kanya

"Dito na kayo mananghalian lahat. Nagpahanda na ako ng makakain nating lahat" sabi ng mahal na reyna

"Maraming salamat po mahal na reyna" sabay na sabi namin

Pumunta kami sa hapag kainan saka umupo sa mahabang mesa. Isa-isang hinanda ang mga pagkain kaya naman nagsimula na kaming kumain.

Napatingin ako kay raven na siyang katabi ko ngayon dahil ang lakas niyang kumain ngayon. Hindi naman kasi siya malakas kumain noon. Ang totoo niyan medyo nagiging wierd si raven nitong mga nakaraang araw. Naisip namin na baka dahil sa stress sa pagkakakulong ni zach. Pero parang may kakaiba talaga kay raven. Parang may nag-iba di ko lang matukoy kung ano iyon.

Hindi kaya- No. Impossible talaga. Napaka impossible. Nababaliw na ako. Kung ano-ano na lang ang naiisip ko.

"What?" tanong ni raven ng mapansin na nakatitig ako sa kanya

"A-ahh wala" sabi ko

***

Pagkarating namin sa lugar kung saan magaganap ang pulong ay nakita namin na marami ng tao mula sa iba't-ibang kaharian na na agrabyado ni dark king. Nagsimula na akong panghinaan ng loob ng makita ko ang galit at mga matitigas na ekspresyon nilang lahat.

"Mga mamayan ng avalor Nandito po kami ngayon sa inyong harapan para magmakaawa na iurong niyo na ang kaso laban kay Prinsipe Zach" sabi ni Lia

"Para mo na ding sinabing kalimutan na namin lahat ng mga pagpatay niya sa mga pamilya namin! Kaibigan lang ang mawawala sa inyo pero sa amin pamilya namin ang nawala! Kulang pa nga ang buhay niya para mapagbayaran niya lahat ng kasalanang ginawa niya sa amin!" galit na sigaw ng isang mamamayan na puno ng hinanakit

Hindi naman sila masisisi kung bakit ganyan na lang ang kalaki ang galit nila. Katulad nga ng sabi niya. Pamilya at mga mahal sa buhay ang nawala sa kanila. Pero.

"Pero hindi lang isang kaibigan si zach para sa amin. Higit pa siya sa isang kaibigan. Para sa amin isa siyang pamilya o baka nga higit pa" sabi ni lia habang nakayuko at tumutulo ang luha

"Handa kaming pagbayaran ang kasalanan niya. Gagawin namin lahat ng gusto niyo. Wag niyo lang siyang ipapatay. Parang awa niyo na" pakiusap ko habang nakakuyom ang kamao

"Isa kayong royalties hindi kayo dapat nagmamakaawa sa harap namin para lang sa buhay ng isang hamak na mamamatay tao!" sabi ng isang matandang lalaki

"Pero hindi lang siya isang hamak na mamamatay tao. Pamilya din namin siya. Prinsipe niyo din siya. Sinusubukan niya namang bumawi sa inyo sa pamamagitan ng pagtulong sa inyong makabangon. Lagi siyang nandyan para sa inyo kapag kailangan niyo siya. Wag niyo naman siyang husgahan sa mga kasalanang hindi niya naman ginusto. Hindi niya kasalanan na maging anak siya ng prinsipe ng kadiliman" sabi ko saka unti-unting tumulo ang mga luha ko. Mabilis lumapit si troy para aluin ako.

Magisch Academy: The Heartless PrincessWhere stories live. Discover now