SPECIAL CHAPTER (Part 1)

21.1K 441 16
                                    

AKISHA'S POV

TATLONG buwan na ang lumipas simula ng matapos ang digmaan at medyo malaki na din ang tiyan ko. Ilang buwan na lang manganganak na ako. Gusto ko nga sana pagkatapos ko na lang manganak kami magpakasal pero ang gusto ni ash ay maikasal na kami sa lalong madaling panahon dahil kahit buntis na daw ako ay marami pa rin daw umaaligid saking mga 'langaw'. Napailing na lang ako sa pagkapossesive niya noong sinabi niya iyon sa akin. Mukhang wala ng gamot sa pagka over possesive ni ash eh.

Pagkatapos ng digmaan ay pinakilala na agad ako nila mama sa lahat bilang prinsesa ng elemental kingdom. Noong una siyempre maraming nagulat meroong mga natuwa pero siyempre di meron parin ang di natuwa katulad na lang ng mga Gods and Goddesses. Kinabukasan nga ng pagpapakilala sakin bilang prinsesa ng elemental kingdom ay pumunta agad sa kaharian namin ang mga Gods and Goddesses. Mas lalo pa silang di natuwa ng malaman nila na ako si Astrid at si Ash si Aizen. Pero siyempre di ako papayag na paghiwalayin nila kami ni ash. Masyaso na kaming maraming pinagdaanan at hindi ako papayag na humadlang na naman sa pagmamahalan namin.

"Stop us and you'll die."

Iyan yung mga katagang sinabi ko sa kanila noong panahon na iyon. Ginamit ko pa ang pinaka nakakatakot at malamig na boses para hindi sila makahindi sa akin. Sa huli pumayag din sila. Ang sabi nila

"Kung kamatayan nga walang nagawa para pigilan kayo kami pa kaya? Also you're the strongest Goddess right now we can't afford to loose our lives just to break the two of you. We can't face the wrath of a heartless princess like you. We came here to offer you to be the Queen of the Olympus that's the only way for us to approve your relationship. Also you can use it to protect your family. The both of you, mostly astrid have the strongest and unique power and you're also both immortal. You can both attract more enemies and they will surely use your family and friends to get you and your powers. If you become the Queen of Olympus it's not only the people of avalor who will protect you and your family but also the Gods and Goddesses of Olympus. The more the people who will protect your family and friends the more they will be safe from any danger."

Pumayag ako na maging reyna ng olympus para maprotektahan ko ang pamilya ko. Alam kong hindi magiging madali ang pagiging reyna pero kakayanin ko kung ang kapalit naman nun ay ang kaligtasan at kapayapaan na makukuha ng pamilya ko. Ako ang pinaka unang reyna ng olympus na isang pure royalty, puro goddess and pure demon. Oh diba 3 in 1! Parang kape lang! Okay ang korny ko magjoke di ko bagay.

So ayun magaganap ang coronation day ko pagkatapos kong isilang ang anak ko. Well our baby is a boy. Nagtalo pa kami ni ash nun kung babae o lalaki ba ang magiging anak namin. Gusto niya kasi babae tas kamukha ko habang ako naman gusto ko ng lalaki at siyempre kamukha niya dapat. So nagpustahan kami kapag babae si ash ang magpapangalan pero pag lalaki ako ang magpapangalan. At siyempre nanalo ako. Ang pangalan ng anak namin ay Azrael Daemon Lockwood. Oh diba ang cool? Siyempre ako nag-isip eh.

Sila chloe at troy naman hayun wala paring pinagbago. Para paring aso't-pusa palagi. Sila na pumalit sa pwesto namin nila ash, brent at lia. Kawawa nga lagi si troy. Battered boyfriend. Ito din kasing si chloe mapanakit. Pero di ko naman siya masisisi eh pilyo kasi si troy. Hindi kasi kayang ipreno ni troy ang bibig niya sasabihin niya kung anong gusto niya wala siyang pakialam kahit maraming tao pa ang makarinig kaya sa tuwing pinangangalandakan niya ang pagmamahal at pagnanasa niya kay chloe sa harap ng madaming tao lagi siyang nakakatikim ng bugbog kay chloe dahil sa kilig at hiya na nararamdaman niya.

Si Lia at brent naman hayun tuloy parin sa iwasan at hanapan moment nila. Siyempre si Lia ang umiiwas habang ito namang si brent panay sunod at hanap kay Lia. Tas madalas sumisingit pa si Chavez sa tuwing magtatangka si brent na kausapin si Lia. Minsan gusto ko na silang pag-umpugin dalawa eh. Marahan kong hinawakan ang mga puntod nila saka ko nilagay ang pumpon ng bulaklak sa ibabaw puntod nila.

Magisch Academy: The Heartless PrincessWhere stories live. Discover now