CHAPTER 18

30.9K 922 141
                                    

CHLOE'S POV

PAGLABAS ko ng dorm ko ay wala pang masyadong tao. Kaya napagdesisyunan kong maglakad-lakad muna. Maaga pa naman eh. Pagkalabas ko ng girls dormitory ay naglakad ako papuntang hallway.

"AAAAHHHHHHHHHH!" sigaw ko

Napaupo ako sa bumungad sakin pagkadating ko sa hallway. Di ko alam ang gagawin ko. Kung matatakot ba ko o mandidiri. Halos labas na lahat ng laman-laman ni Miss Salvacion. Nakita ko din na nilalangaw ito at kumalat pa ang masangsang na amoy dahil sa nagkalat na dugo.

"Chloe!" narinig ko agad ang boses ni troy. Mabilis akong tumayo at pumunta sa kanya. Kasama niya sila Raven. Niyakap ko siya ng mahigpit.

"Sshhh. Tahan na Chloe" pag-aalo niya sakin

"S-si Miss S-salvacion" sabi ko habang umiiyak

Naramdaman ko na marami ng tao na nakapalibot samin. Napapasigaw ang iba kapag nakikita nila ang bangkay ni Miss salvacion. Maya-maya ay dumating na ang mga pulis. Yes. May pulis dito. Ang councils naman ang nagdedesisyon kung anong dapat gawin sa mga kriminal na nahuhuli.

Mabilis nilang inasikaso ang bangkay ni Miss Salvacion. Dumating naman si headmistress Rei para matawagan ang mga pamilya ni Miss Salvacion. May bigla namang lumapit samin na isang pulis. Mukhang siya ang pinuno nila dahil kakaiba ang suot niya sa ibang naririto. Napag-alaman din naming siya si Chief inspector Perez. Tinanong niya ako tungkol sa nakita ko.

Biglang may lumapit kay Mr. Perez na kapwa niya pulis at may binulong. Siya yung kanina pa lumalapit sa ibang estudyante at nagtatanong. Pagkatapos maibulong ng pulis kay Mr. Perez ang kanyang sasabihin ay tumingin ito kay Raven.

"Miss Scott sumama ka samin" sabi ni Mr. Perez kumunot naman ang noo ni raven dahil doon

"Ho? Bakit?" takang tanong ni raven

"Isa ka sa mga suspect sa pagpatay kay Miss Salvacion. May mga nakapagsabi na nagkaroon ng alitan sa pagitan niyo ng biktima. Sumama na lang po kayo ng tahimik Miss Scott para wala ng gulo. May mga itatanong lang kami sayo" sabi ni Mr. Perez na kinalaki ng mata namin. Napatingin ako kay raven. Nakita ko ang takot sa mata niya.

"Pero bakit po ako? Wala po akong kasalanan" naiiyak na tanong ni raven. Niyakap naman siya ni lia para pakalmahin.

"Hindi niyo po pwedeng gawin ito! Inosente po ang kaibigan namin. Wala siyang kasalanan sa pagkamatay ni Miss salvacion" inis na sabi ko

"Impossible po na ang kaibigan namin ang pumatay kay Miss Salvacion. Ang pumatay kay Miss Salvacion ay walang puso, walang awa at isang demonyo pero ang kaibigan namin ay mabait, matulungin at mapagmahal kaya napaka impossible ng binibintang niyo!" inis na sabi ni brent

"Kahit tanungin niyo pa sa iba kung anong klaseng tao ang kaibigan namin at masasabi niyo rin na napaka impossible na ang isang tulad ni raven ang gagawa ng ganyang karumal dumal na krimen" sabi ni troy

"Hindi niyo siya pwedeng isama ng basta-basta ng dahil lang sa nalaman niyo na nagkaroon ng gulo sa pagitan nilang dalawa ni Miss Salvacion. Sa totoo nga niyan si Miss Salvacion pa ang may kasalanan kay Akisha. Pinagsasalitaan niya ito ng mga kung ano-ano na wala namang katotohanan" sabi ni zach and as usual nakapoker face parin siya

"Also she was with us yesterday" dugtong ni zach na kinagulat namin pero di namin pinahalata

Nagulat kami di dahil sa sinabing kasinungalingan ni zach kundi dahil sa pinagtatakpan ni Zach si Raven na ni minsan di niya ginawa. Ang totoong zach na kilala namin walang pakialam sa mga nakapaligid sa kanya. He really changed. Well we all changed and thats all thanks to Raven. She changed us in a good way.

Magisch Academy: The Heartless PrincessWhere stories live. Discover now