CHAPTER 8

38.7K 1.1K 115
                                    

RAVEN'S POV

AKO ang unang lalaban samin at ang makakalaban ko? Si Isabel Trinidad ang bestfriend ni Beatrice Salcedo. Isn't amazing?

Pagkapunta ko sa stage ay nakita ko siyang nakangiti ng wagas na para bang sinasabi niya na sigurado na siyang mananalo.

Just watch bitch I'm gonna defeat you without even sweating and not moving on my place.

Pagkatapak na pagkatapak ko sa stage ay mabilis kong isinagawa ang ilusyon ko. Hindi nila malalaman kung ano ba talagang nangyayari. Makikita lang nila kung ano ang gusto kong ipakita.

"You know what nerd may pagkakataon ka pang umatras. Ayaw ko na kasing mag-aksya ng panahon gayong alam naman natin kung sino talaga ang mananalo. Wag na nating pahirapan ang isa't-isa" sabi niya at hinawi pa ang buhok

Hindi ko na pinansin ang sinabi niya.

"Why are you not talking? Cat got you're tongue eh? You're really that scared of me that you can't even say a single word? What a pathetic weak ugly nerd" pangkukutya niya

Wait what? Did I hear her say I'm a weak? Bitch! Sisiguraduhin kong pagsisihan mo yang sinabi mo.

Tinignan ko lang siya sa mata kaya napatingin din siya sa mga mata ko. Pinakita ko sa kanya kung pano ko pinatay ang pinakamamahal niyang kaibigan.

Isa lang itong ilusyon na ginawa ko sa isip niya. Nakita kong nanlaki ang mga mata niya.

"Y-you!! Ikaw ang pumatay kay beatrice!! H-how could you!!" natatakot na sigaw niya sakin habang tinuturo ako

Ayos lang naman na ipagsigawan niya yan dahil soundproof dito sa loob. Walang ibang makakarinig at makakaalam ng pinag-uusapan namin. Saka pagkatapak ko sa stage ay gumawa agad ako ng ilusyon na nakatayo lang kaming dalawa ni Isabel at nagtitigan. Iba ang oras dito sa loob ng ilusyon ko sa oras sa labas. Kaya kahit abutin kami ng isang buong araw dito isang minuto lang yun sa loob.

"She deserves that. She's a traitor and I beleieve that a traitor like her have no rights to live" sabi ko sa malamig na tono

Nakita kong nanlaki ang mata niya dahil sa sobrang lamig ng boses ko.

"Y-you!! Y-you're a demon! Wala kang awa!!" sabi niya habang umiiyak napatawa naman ako ng sarkastiko dahil sa sinabi niya

"Oh dear I already know how demon and merciless I am. Halos paulit-ulit ko na lang yang naririnig. Nakakasawa na alam mo ba yun?" sabi ko

Yumuko ako at tinanggal ko ang salamin at contact lense ko. Saka ko inangat ulit ang ulo ko. Nakita kong napatingin siya sa mata ko dahil dun.

"Aaahhhhhh!!!"

Sigaw niya habang nakahawak sa ulo niya. Well ginamitan ko lang naman siya ng infernum eyes. Wala naman talaga akong balak na gamitin sa kanya ang infernum eyes pero biglang nagbago ang isip ko eh. Pasensyahan na lang kami. Masyado kasing matabil ang dila niya.

Ang kakayahan ng eyes of infernum ay ipakita kung ano ang pinakatatakutan mong bagay. Sa isip nangyayari ang ilusyon na iyon pero kahit ganun tunay ang mararamdaman mong sakit ang pinagkaiba lang wala kang sugat na matatamo puro sakit lang. At paulit-ulit mo itong makikita at paulit-ulit mo rin itong mararanasan.

Ang pinakatatakutan na bagay ng isang Isabel Trinidad ay kamatayan. Kaya ang nakikita nyang ilusyon sa isip niya ay paulit-ulit siyang namamatay.

Kamatayan? Walang dapat ikatakot sa kamatayan. Mabuhay para lang mamatay at makaramdam ng sakit yun ang tadhana ng lahat.

Magisch Academy: The Heartless PrincessWhere stories live. Discover now