CHAPTER 21

30.4K 803 114
                                    

ASH'S POV

ILANG oras pa ang lumipas saka ko lang naisipan na umalis. Pagkalabas ko ay agad bumungad sakin si Yvo na nakacross arms at nakasandal sa pader. Ilang araw din siya di nagparamdam samin. Sa aming magkakabarkada si Yvo ang pinaka misteryoso. Di kasi siya mahilig magkwento. Di naman na kami nakaiilam kasi baka ayaw niyang pag-usapan ang tungkol doon kaya ni minsan di niya inopen-up samin ang tungkol sa pamilya niya. Ang alam lang namin ay anak siya ng isa sa mga councilor. Pero ni minsan di pa namin nakita ang pamilya niya.

"Zach can we talk?"

LIA'S POV

Ilang buwan na ang lumipas simula noong malaman namin ang totoong ugali ni raven. Pero di parin kami nawawalan ng pag-asa sa kanya. Gagawin namin ang lahat para magbago siya. Noon tinulungan niya kaming magbago para maging maayos ang buhay namin kaya ganoon din ang gagawin namin sa kanya. Siguro nga parte lang yun ng pagpapanggap niya pero di parin mababago na tinulungan niya kami para mabuti.

Araw-araw lagi kaming nakadikit sa kanya. Ni hindi na nga namin siya nilulubayan eh kahit alam naman naming ayaw niya kaming kasama kahit na wala laging reaksiyon ang mukha niya. Sa totoo nga niyan mas cold at expressionless pa siya kaysa kay zach. Akala namin wala ng mas hihigit pa sa pagiging cold at expressionless ni zach meron pa pala. Si zach pa nga lang nahihirapan na kaming iaaproach pano pa kaya si raven na mas cold pa sa kanya?

Nagbabakasakali lang naman kami na kapag narealize niyang nandito lang kami lagi sa tabi niya baka sakaling magbago ang isip niya tungkol sa pagkakaibigan namin at sa pagliligtas niya sa mundo.

Hanggang ngayon di parin ako makapaniwala na si raven ang sinasabi sa propesiya.

Naalala ko ang mga nakasulat sa propesiya.

Galit at Kadiliman sa kanyang puso'y dapat maibsan
Upang maging ligtas ang lahat sa kadiliman
Upang mundo'y magkaroon ng kapayapaan at katahimikan
Kung hindi ito magagawa ang magiging kahihinatnan ng mundo ay pagkasira at kadiliman

Siya'y naiiba sa lahat
Dahilan para siya'y kainggitan ng lahat

Siya na salat at di marunong magmahal
Makakahanap ng tunay na pag-ibig ngunit pinagbabawal

Sa kanilang pagkikita mga sikreto sa nakaraan ay matutuklasan
Kanilang wagas at tunay na pagmamahalan
Ni tadhana o kamatayan di sila mapipigilan

Hinaharap ng buong mundo'y sa kanila'y nakasalalay
Dadanak ang mga dugo at bangkay

Pero sino yung sinasabing sila? Si raven din ba iyon? Basta alam ko si raven yung tinutukoy sa una at pangalawang paragraph. Pero sino yung tinutukoy na makakahanap ng pag-ibig na pinagbabawal? Argghh! Ang sakit sa ulo!

Nagulat talaga din kami sa itsura niya at sa totoong ugali niya. She have this lifeless and scary doll look like. Her attitude was so cold, blunt and scary. The raven we know was kind and sweet but the raven we have now was ruthless and heartless. And the way she dress also shook us. She always wears fashionable, sexy and showy dress. Unlike the Raven we knew who is an old fashion girl. She was really the exact opposite of the Raven she introduced on us before.

Napatigil ako sa pag-iisip ng biglang pumasok sa room si sir Rios. He have this wicked smile all over his face. Prente siyang umupo at pinagkrus ang kamay sa dibdib.

"Okay class. I have a good news for all you. You will have your special examination tomorrow. So good luck to all of you. You all know what will happened to those who will fail" sabi niya

Magisch Academy: The Heartless PrincessWhere stories live. Discover now