CHAPTER 6

43.9K 1.2K 260
                                    

RAVEN'S POV

BAGO ako lumabas ng library ay ginamit ko ang kapangyarihan ko. May mga sumusunod sakin kanina pa. Di sila pumapasok sa loob ng library mukhang inaabangan lang nila akong makalabas bago atakihin.

Kaya ko silang gamitan ng kapangyarihan ko kahit di ako nakatingin sa kanila. Di tulad ng iba na kailangan pang matingnan ang mata nila para mapasa ilalim ng ilusyon ng di nila alam.

Nang makita kong napasa ilalim na sila ng ilusyon na ginawa ko ay mabilis akong nagtago. Gumawa ako ng ilusyon na nakita nila akong naglalakad papunta sa dorm ko. Siyempre baka maghinala sila na ako ang babae pumapatay sa mga kasamahan nila. Mabuti ng nag-iingat saka nararamdaman kong may isa pang aura. Mukhang sinusundan din ako ng isang yun. Malakas ang aura nya kaysa sa mga tenebris.

Who's that? His aura looks familiar

Kung sino man yung taong nagpapapatay sakin mukhang wala talaga syang balak na tigilan ako. Diba sya nagsasawa na magpadala ng mga alagad nya pero wala namang makakakabalik sa kanya? Di ata sya nauubusan ng mga alagad. Kaya nagsimula akong mag-imbistiga. Nalaman kong mga tenebris sila.

Base sa mga nalaman ko tanging ang dark king lang ang may kakayahang magbigay ng utos sa mga tenebris. Ang dark king ang namumuno sa lahat ng mga tenebris kasama na ang mga demons.

Ang pinagtataka ko wala naman akong natatandaang may nagawa akong mali sa kanya. Baka isa sya sa mga nakasagupa ko habang nasa mortal world ako? I don't know.

Simula noong napalaban ako noon ng una akong pumunta sa library. Naging sunod-sunod na ang pagsugod nila. Sa tuwing mag-isa ako kaya nga naging handa na ako. Lagi kong dinadala yung hood ko. Hindi pwedeng may makakita sa itsura ko. Kapag nga nakikipaglaban ako kalahati lang ng aura ko ang nilalabas ko dahil sigurado akong kapag nilabas ko ang lahat mararamdaman yun ng ibang mga estudyante.

Mabilis akong nagtago sa isang malaking puno saka mabilis na nagpalit.

Mabilis akong pumunta sa harap nila. Nakita ko pang napaatras sila ng makita ako. Kalahati pa lang yan ng aura ko pero takot na takot na sila pano kaya kapag nilabas ko ang lahat baka mapaluhod na lang sila sa takot. Gustuhin ko mang makita iyon pero hindi pwede.

"I-ikaw! Ikaw siguro yung dahilan kung bakit di nakakakabalik lahat
mga tenebris na pinapadala ng dark king para patayin ang babaeng nerd na iyon!" sigaw ng isang tenebris na halata namang pilit na pinagtatakpan ang takot na nararamdaman nya

"And so what?" I coldly said

"You bitch! Why are you protecting that girl?"

Lagi na lang ba nilang itatanong yan? Pakialam ba nila? Di ko sila sinagot. Humikab na lang ako hindi dahil sa inaantok na ko. Gusto ko lang talaga silang asarin.

"Let's just end this. I don't have time to have a chitchat with you. I wanted to rest"

Mabilis kong hinugot ang katana ko sa likod ko. Saka sila sinugod. Wala akong oras makipaglaro marami pa kong kailangang gawin. Nilibot ko ang paningin ko para hanapin kung kanino nanggagaling yung malakas na aura na yun. Nang makita ko ang mukha niya ay di na ko nagulat.

Ash

He's really damn curious huh? So he's my stalker now? Di ko na lang sya pinansin at tinuloy ang paghiwa sa mga katawan ng mga tenebris sanhi para maging abo sila.

"AAAHHHHH!!"

sigaw ng huling tenebris na pinatay ko. Napakasarap talagang pakinggan ng mga sigaw nila. Sigaw na puno ng sakit at paghihinagpis. Para itong musika sa aking tenga.

Magisch Academy: The Heartless PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon