CHAPTER 50

24K 642 98
                                    

AKISHA'S POV

DAMN! Iniinis talaga ako ng lalaking iyon! Kunti na lang ako na mismo ang tatapos sa buhay niya!! Total iyon naman ang balak niya!

Sino ba namang hindi maiinis? Sa tuwing tinatangka kong dalawin si ash sa kulungan lagi niya akong pinagtatabuyan at ang mas malala minsan hindi niya pa ako hinaharap! Kapag kasama ko naman sila lia dumalaw hindi niya din kami hinaharap pero pag sila lia lang ang dumalaw at hindi ako kasama hinaharap niya naman. Maski pag dumadating ang ama at kapatid niya hinaharap niya. Tanging ako lang talaga ang hindi. Malapit na akong mainis sa ginagawa niya. Gusto ko siyang tulungan pero siya mismo ang ayaw magpatulong! Hindi ko na alam ang gagawin ko sa abong iyon! Patayin ko na lang kaya siya para di na ako namomroblema?

"Hey raven!" napabalik ako sa reyalidad ng may marinig akong sumigaw sa akin

Pagtingin ko si lia pala. Napansin konv nakatingin na silang lahat sa akin. Nandito kasi kami ngayon sa cafeteria at kasalukuyang kumakain.

"What?" tanong ko napabuntong hininga naman

"Alam mo kung may problema kayo ni zach huwag mong idamay yung kawawang kutsara" sabi niya kaya napatingin ako sa hawak kong kutsara at napansin ko na nayupi na pala ito sa higpit ng pagkakahawak ko

"Ano ba kasing pinag-awayan niyo ni zach? Mukhang ayos naman kayo ng huli kayong magkita ah? Nagkakantahan pa nga kayo eh" sabi ni chloe

"Huwag ako ang tanungin niyo dahil kung meroon mang may problema saming dalawa siya iyon hindi ako. Iyong kaibigan niyo na lang ang tanungin niyo. Napaka immature talaga ng kaibigan niyong iyon. Paki sabi na lang pag nagkita kayo na pinasasabi ko na 'F*ck him. We can die whenever he wants I don't care. I hope he will rot in hell forever and ever and don't he dare to comeback because I'll kill him. Mas mabuti na nga sigurong mawala na siya ng sa ganoon walang magbabawal saking maghanap ng lalaki at masusuot ko na ang kahit anong mga damit na naisin ko' Damn him. Siguraduhin niyong sasabihin niyo iyon sa kanya kung hindi kayo ang mananagot sa akin" inis kong sabi saka tumayo at umalis sa loob ng cafeteria

TROY'S POV

PINAGMASDAN lang namin ang papalayong pigura ni raven saka napatingin sa isa't-isa.

"Ano ng gagawin natin ngayon? Sasabihin ba natin kay zach? Baka pag sinabi natin iyon sa kanya ay magwala siya" sabi ni chloe

"Pero tayo naman ang malalagot kay raven pag hindi natin siya sinunod" sabi ni lia

"Mas nakakatakot si raven pag nagalit alam niyo iyan. Gusto ko pang mabuhay noh papakasal pa kami ng babes ko" sabi ko saka inakbayan si chloe mabilis niyang kinuha ang kamay ko na nakaakbay sa kanya saka pinilipit ang braso ko

"Awww! Babe! Masakit!" daing ko

"Hindi ito ang tamang oras at lugar para sa mga kakornihan mo okay? Kaya shut up!" inis na sabi niya habang namumula ang mga pisngi.

"Walang magiging problema kay zach kasi hindi niya tayo sasaktan dahil sinabi lang naman natin ang pinapasabi ni raven. He will spare us" sabi ni brent

"No! Masyado ng maraming iniisip si zach wag na nating dagdagan pa! Pwede naman nating sabihin kay raven na sinabi natin kay zach kahit hindi naman talaga!" sabi ni chloe

"But that's unfair! We will lie to raven? Walang karapatang magalit si zach! Siya ang nagtutulak palayo kay raven! Ni hindi man lang niya ito magawang harapin tapos magagalit siya pag naagaw si raven sa kanya? That's pathetic" tutol na sabi ni brent

"We will just tell her white lies. Sasabihin din naman talaga natin kay zach pero hindi lang sa kalagayan ngayon ni zach. And you're just being bias because you love raven. We don't know the reason why zach is doing that to raven we shouldn't judge him. Before you love raven you become friends with zach first. Don't let your own emotions rule over you" sabi ni chloe

Magisch Academy: The Heartless PrincessWhere stories live. Discover now