CHAPTER 60

23.3K 515 47
                                    

AKISHA'S POV

NANDITO kaming lahat ngayon sa dorm ni ash. Well tinutulungan nila kaming magplano para sa nalalapit naming kasal ni ash. Next next week na ang kasal namin. Alam kong iniisip ng iba na masyadong mabilis. Pero kasi meron talaga akong masamang nararamdaman. Pakiramdam ko may hindi magandang mangyayari. Kaya gusto ko maikasal na kami ni ash sa lalong madaling panahon.

Naalala ko naman bigla ang pagsulpot ng royal councils. Hindi talaga maganda ang kutob ko sa kanila eh. Umalis din agad sila noong oras na iyon. Ang sabi nila ay dumaan lang daw sila para makita at batiin kami. Pero unang kita ko pa lang sa kanila ay nakaramdam agad ako ng matinding pagkamuhi at sakit sa hindi ko malamang dahilan. Pakiramdam ko meron silang kinuhang mahalagang bagay sakin hindi ko lang matukoy kung ano. Malakas din ang kutob ko na may hindi sila magandang pinaplano laban sa amin at hindi ako nagkakamali sa mga kutob ko.

"Hey love iniisip mo parin ba sila?" napabalik sa reyalidad ng biglang magsalita si ash at agad akong napatingin sa kanila at nakita kong nakatuon abg atensiyon nilang lahat sakin

"Hindi lang talaga mawala sa isip ko yung kutob ko sa kanila eh" sabi ko agad namang hinawakan ni ash ang kamay ko

"Love hayaan mo na akong umasikaso sa bagay na iyan. Wag ka ng masyadong mag-isip masama yan para sa baby natin" sabi ni ash na bakas ang pag-aalala

"Fine but promise me first that you'll be safe" sabi ko

"I promise" sabi niya habang nakangiti at hinalikan ako sa noo

"Ang sweet naman masyado. Baka naman nakaka istorbo na kami sa inyo at gusto niyong gawing kambal yang inaanak namin?" nang-aasar na sabi ni chloe

"Ano bang posisyon ang ginawa niyo ash ng magamit ko din sa babes ko. Idol na kita ash. Biruin mo isang beses niyo lang ginawa pero nakabuo na kayo agad! Sharp shooter ka talaga dude. Kaya bagay talaga tayong maging magkaibigan eh" sabi ni troy habang may malaking ngiti na agad din naman ng mabilis naman siyang siniko ni chloe sa tiyan. Napansin siguro ni chloe ang masamang tingin ko kay troy kaya gumawa na siya ng paraan para matigil ito sa pagsasalita. Dapat lang dahil kung hindi niya patatahimikin yang boyfriend niya ako ang gagawa ng paraan para tuluyan na itong manahimik ng pang habang buhay.

Well nalaman nila na isang beses pa lang namin yun ginagawa dahil hindi nila kami tinigilan sa kakatanong hanggat di namin sinasagot ang mga tanong nila. Pero siyempre pili lang ang mga sinabi namin. May mga bagay na mas makakabuting saming dalawa na lang.

"Aaww! Babe! Ang brutal mo talaga! Pano na lang kapag nabuntis kana? Edi battered husband na talaga ako?" sabi ni troy habang sapo ang tiyan na siniko ni chloe agad naman akong nginuso ni chloe kaya napatingin sakin si troy at bigla siyang namutla ng makita na nakatingin ako sa kanya ng masama.

"Dapat kasi sayo troy matuto kang ipreno yang bibig mo. Think before you talk" nang-aasar na sabi ni brent

"Galing pa talaga sayo yan brent ha? Sino ba satin yung nakasakit ng damdamin ng iba? Okay ng walang preno ang bibig kaysa naman maging gago katulad mo noh. Nasa iyo na pinakawalan mo pa" nang-aasar na sabi ni troy dahilan para mapatahimik si brent saka palihim na tinignan si lia na tila ba walang naririnig dahil patuloy lang siya sa pagbubuklat ng mga magazine na may mga litrato ng mga cakes.

Ilang linggo na silang ganyan. Hindi sila nagpapansinan tila ba hindi nila nakikita ang isa't-isa. Si brent lagi siyang nagnanakaw ng tingin kay lia habang si lia naman ay nakatingin sa ibang bagay. Kailangan ng maayos itong gulo nila sa lalong madaling panahon. Agad namang may pumasok na ideya sa utak ko. Sisiguraduhin kong sa gagawin kong ito. Matatauhan na si brent. Napatigil ang pag-iisip ko sa gagawin kong plano ng biglang magsalita si ash.

Magisch Academy: The Heartless PrincessWhere stories live. Discover now