CHAPTER 61

21K 479 50
                                    

ASH'S POV

Saan kaya nagpunta si akisha. Iyong babaeng iyon bigla-bigla na lang laging nawawala. Tsk. Napabalik ako sa reyalidad ng biglang may umakbay sakin kaya agad ko itong tinignan.

"Hey man! Easy! Baka mabali na yang leeg mo kakalinga! Nandyan lang yan sa tabi-tabi si raven baka nagbanyo lang wag kang masyadong praning. Parang di kapa nasanay kay raven eh bigla-bigla naman talaga iyong nawawala at susulpot na parang kabute. Mamaya di mo mamalayan nasa tabi mo na si raven kaya relax ka lang" sabi ni troy

"Tsk. Hahanapin ko lang si akisha" sabi ko dahilan para mapailing siya

"Patay na patay ka talaga kay raven eh noh? Di mo man lang kayang hindi siya makita kahit ilang segundo lang. Alam mo pareng zach dapat kinakadena mo si raven diyaan sa bewang mo" sabi ni troy

"Gusto ko pang mabuhay ng matagal kasama siya" iyon na lang ang sinabi ko

Totoo naman. Kapag ginawa ko iyon baka gilitan ako ng leeg ni akisha. Di pa ako makaabot sa kasal namin.

"Anderson ka pala pre eh" nang-aasar na sabi ni troy

"Nagsalita ang hindi" sabi ko

"Hindi naman talaga. Ako kaya si Prince Troy Jimenez ng air kingdom walang kahit sinong makakapagpapasunod sakin" sabi niya

"Hoy! Troy! Halika nga dito!" narinig kong sigaw ni chloe mula sa di kalayuan mula sa pwesto namin dahilan para mapaupo ng diretso si troy.

"Yes! Babe! Andiyan na!"

Tsk. Tinignan ko siya at binigyan ng 'are you saying something?' look?

"What? I love her" sabi niya kaya napailing na lang ako

"Troy! Ano ba?!" galit na sigaw ni chloe kaya mabilis na siyang tumayo

"Ito na po boss!" sigaw ni troy saka mabilis na tumakbo papunta sa pwesto ni chloe. Pagkarating niya doon ay agad siyang piningot ni chloe sa tenga.

"A-ahh! Aww babe! Masakit! Ano na naman bang ginawa ko?" daing ni troy

"Ano itong naririnig ko na pinagkakalat mong patay na patay ako sa iyo?!" galit na sabi ni chloe

"Hindi ba totoo?" tanong ni troy ng nakangiti

"What?!" galit na sigaw ni chloe di ko alam kung namumula ba siya dahil sa galit o sa hiya. Mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakapingot sa tenga ni troy dahilan para mas lalo itong dumaing sa sakit

"Babe! Tama na! Masakit! Baka matanggal na ang tenga ko! Pag nangyari yun hindi ko na marinig yung mga I love you mo mababaliw ako" sabi ni troy dahilan para luwagan ni chloe ang pagkakahawak sa tenga niya hanggang sa tuluyan niya ng bitawan iyon.

Kung si troy ay under kay chloe si chloe naman ay mabilis madala sa mga sinasabi ni troy in short marupok. Bigla ko tuloy namiss si akisha ko. Nasan ba siya? Tumayo na ako para sana ay hanapin siya ng biglang may narinig ako. Isang violin piece ngayon ko lang narinig ang tunog na iyon. Napahawak ako sa ulo ko ng kumirot iyon. Napapikit ako sa sakit.

Biglang may nagflash na imahe sa isip ko. Isang babaeng nakahood na nasa gubat at may hawak na violin. Akmang haharap ito sakin kaya mas lalong sumakit ang ulo ko.

"Ahhh!" daing ko habang nakahawak sa ulo ko

"Zach! What's wrong?!" may narinig akong boses na tumatawag sakin kaya mabilis akong dumilat at nakita ko sila lia na nakapalibot sa akin at puno ng pag-aalala ang mukha.

Magisch Academy: The Heartless PrincessWhere stories live. Discover now