CHAPTER 25

29.2K 799 62
                                    

AKISHA'S POV

NOONG makita ko ang buong isla may naramdaman akong kakaiba na di ko matukoy. Hindi ko alam pero merong kakaiba sa lugar na ito at aalamin ko iyon.

Ilang araw na din simula ng makarating dito. Napagpasyahan namin na ang itatanghal namin ay tungkol sa isang diyosa na umibig sa isang tao. Naghanap pa sila lia ng mga kwento na may kinalaman sa mga bawal na pag-ibig para magkaroon sila ng ideya sa gagawin namin. Sarili kasi naming gawa ang istorya.

Ako pa nga ang ginawa nilang bida. Nakakasuka nga eh. Ang bait kasi ng karakter ko dun. Not so me. I'm the exact opposite of my character there. Hindi naman ako nahirapan pagdating sa pagpapakita ng emosyon. I'm a great actress right? I'm good at pretending. I even perfected it.

The only worst part of it is ash is the human there. He's my leading man. Great isn't it? Minsan nga pakiramdam ko nanadya na talaga sila eh.

Mabuti na lang at natapos agad namin. Ilang araw na din naming pinapraktis ang mga eksena at mga lines sa istorya.

3 araw na lang at aalis na kami sa lugar na ito. Pero di ko parin nalalaman ang sekreto ng lugar na ito. Paano ba naman kasi laging nakabuntot sa akin si klein? Daig niya pa linta. Kung makatitig pa wagas.

Lumabas na ako ng kwarto ko pagkatapos kong mag-ayos at gawin ang mga morning rituals ko. Nakasalubong ko pa si ash pagkabukas ko ng pinto dahil saktong lalabas din siya.

Di ko siya pinansin. Ilang buwan ko na din siyang iniiwasan. Simula noong maganap yung eksena sa kwarto ko. Since I heard him say those 3 f*cking words. Yes. I'm still awake that time.

Noong sinabi niya na mahal niya ako ay laging hindi mapakali ang puso ko sa tuwing nakikita ko siya. Meroon akong nararamdamang kakaiba sa loob ko. Para bang may nagwawalang di ko malaman kung ano.

Nauna akong naglakad sa kanya at siya naman ay nasa likod ko. Alam ko kahit di ko siya lingunin ay nakatingin siya sa akin.

Pagkadating namin sa baba ay naabutan namin sila lia na nag-aalmusal.

"Oh! Mabuti naman at gising na kayo. Halina kayo at kumain. Aalis pa tayo patungong Angel Falls" sabi ni lia

Oo nga pala ngayon ang huling praktis namin para sa gagawin naming pagtatanghal. Pero this time may costume na kaming suot. Dapat malinis na namin ang gawa namin ngayon.

Mabilis naming tinapos ang pagkain saka nagbihis ng costume namin. Pagkatapos kong mag-ayos ng sarili at maisuot lahat ng kailangan para sa character ko ay lumabas na ako ng kwarto at bumaba na ako. Pagkababa ko ay di pa sila nakatingin sa akin at busy sa pag-aayos ng mga gagamitin namin.

Pero napatigil ang lahat ng mabagsak ni zyrene ang kapeng iniinom niya ng makita ang itsura ko

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Pero napatigil ang lahat ng mabagsak ni zyrene ang kapeng iniinom niya ng makita ang itsura ko. Kaya naman napatingin sa akin ang lahat. Halos malaglag ang panga nila pagkakita sa akin. Tsk.

Nakita kong titig na titig sa akin si ash. Ano na naman bang problema ng abo na ito?

"Wow! You really look a goddess or maybe even more! Nakakainggit! Baka kahit pagsuotin ka namin ng basahan at basura magiging maganda ka parin eh" sabi ni lia napakadaldal talaga ng babaeng ito

Magisch Academy: The Heartless PrincessWhere stories live. Discover now