CHAPTER 17

32.2K 916 153
                                    

ASH'S POV

DAMN! F*cking sh*t! Hindi dapat nandito ang mga dragon na ito. Dapat nandun ang mga ito sa Dragon Land. Saka bakit naman pupunta dito ang mga dragon at magwawala ng walang dahilan?!

Mabilis na naghanda ang lahat para labanan ang mga dragon at yung iba naman na di kayang lumaban ay pinatakas na at dinala sa isang ligtas na lugar ng mga professors.

Nanlaki ang mga mata ko ng bigla na lang magbuga ng apoy ang ibang mga dragon at sinunog ang mga building. Shit! Pagnagpatuloy to siguradong magiging abo ang buong academy! Mabilis kong binuka ang palad ko at lumabas ang apoy ko.

"Wala na akong pakialam kung bakit kayo nandito pero hindi ko hahayaan na wasakin niyo ang buong academy. Pasensyahan na lang tayo" sabi ko saka pinalabas ang fire sword ko.

Mabilis kong sinugod ang dragon na malapit sakin. Tumalon ako sa likod nito at sinaksak ang likod nito. Mas lalong nagwala ang dragon at sinunog ang paligid. Mas lalo kong binaon ang espada ko dahilan para bumagsak ito.

Naramdaman kong may paparating kaya mabilis akong yumuko. Pagtingin ko isa pala yung fire ball galing sa isang dragon. Mabilis akong tumakbo pumunta sa kanya. Humiga ako habang papunta sa kanya at ng nasa ilalim niya na ako ay mabilis kong hiniwa ang tiyan niya sa ilalim. Kasabay ng pagtayo ko ay ang pagbagsak ng dragon.

Napatalsik ako sa pader ng biglang may humampas sakin ng malakas pagtingin ko hinampas pala ako ng isang dragon gamit ang buntot niya.

Sh*t! Ang sakit nung likod ko. Piling ko nabali na lahat ng buto ko sa likod. Kahit di ko tignan alam kong nagdudugo na ang likod sa lakas ng hampas ng buntot nung dragon.

Mabilis akong gumilid ng bigla niya akong bugahan ng apoy. Mabilis kong binuka ang dalawang palad ko at lumabas ang dalawa kong fire sword.

Tumakbo ako papunta sa kanya ng bigla niya akong bugahan ulit ng apoy. Mabilis akong dumapa at gumulong sa sahig. Tumayo agad ako at nagtago sa isang puno. Pero agad din akong umalis ng bigla niyang sunugin ang puno na pinagtataguan ko. Mabilis akong nagtago sa isang malapit na malaking bato.

Kailangan ko ng makaisip ng plano kung pano papatayin tong dragon na ito. Alam ko na! Tama! Napabalik ako sa reyalidad ng biglang sunugin niya ulit ang pinagtataguan kong bato.

Mabilis kong pinalabas ang fire wings ko at lumipad pataas. Gumawa ako ng maraming fire arrow at pinatama yun sa kanya ng sabay-sabay. Sanisang iglap bumagsak agad ang dragon.

Bumaba agad ako at tinignan ang paligid. Nakita kong halos puro sugat na din ang iba. Yung iba naman ay halos di na makatayo sa sobrang daming sugat na natamo. Kahit sila lia ay sugatan na din at nanghihina na. Pero ang pinagtataka ko bakit wala si Akisha dito? Kanina nandito lang yun ah! Damn! Baka kung ano ng nangyari sa kanya! Lampa pa naman yung panget na yun! Tumakbo ako papunta kila lia baka nakita nila si akisha.

"Lia! Did you see Akisha?!" tanong ko

"Hindi pa nga eh! Sh*t! Parang walang nangyari! Parang di naman sila nababawasan! Ang dami padin nila! Hindi na kakayanin ng ubang estudyanteng lumaban! Nanghihina na din kami! Ano ng gagawin natin ngayon?!" nagpapanik na sabi ni Lia saka tinira ng malaking earth ball ang isang dragon na papalapit.

Aalis na sana ako para hanapin si akisha ng biglang may narinig akong musika. Napatingin ako sa taas sa may rooftop. Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko ang babaeng kanina ko pa hinahanap at kanina pa ko pinag-aalala! Nandoon lang pala siya at tumutugtug ng violin habang kumakanta. May gana pa talaga siyang kumanta sa kalagayan namin ngayon?! That girl is really unpredictable!

(A/N: Click the video to hear the song that Akisha sings, and the lyrics below are the english subtitle of the song. The title of the song is Nemuri no kuni by Yanagi Nagi / Aion)

Magisch Academy: The Heartless PrincessWhere stories live. Discover now