CHAPTER 48

24.1K 668 117
                                    

LIA'S POV

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni raven. Alam kong galit siya sa mga totoo niyang magulang pero hindi ko inaasahang dadating sa punto na magagawa niya itong patayin.

"B-but why? They're still you're parents no matter what happens" nautal na sabi ko tumingin siya sa labas ng bintana. Walang ibang makikita doon kundi mga puno.

"Lia hindi ko sila man naging o magiging magulang. Masasabi mo lang na magulang ang isang tao kapag nagawa na nila ang responsibilidad ng isang totoong magulang. Kasi pwedeng tawagin ng kahit sino ang sarili nila na magulang. Ang totoong magulang inaalagaan ang anak nila, minamahal at pinoprotektahan. Sila lang ang gumawa at nag-ire sakin pero hindi ibig sabihin nun magulang ko na sila. Mas kikilalanin ko pang magulang ang mga umampon sakin kaysa sa kanila. Kasi kahit hindi nila ako totoong anak pinalaki nila ako, binuhay nila ako. Kaya nga pinilit kong maging mabuting anak noon sa kanila kasi may utang na loob ako sa kanila. Pero may hangganan ang lahat ng bagay. Katulad na lang ng may hangganan ang pagkilala ko sa kanila bilang magulang at pagtanaw ko ng utang na loob" sabi ni raven

"Alam kong alam niyo na kung nasaan ang mga totoo kong magulang. Akala niyo ba hindi ko malalaman ang ginagawa ninyo nitong mga nakaraang linggo? Hinahanap niyo sila at ngayon nga ay nahanap niyo na sila ay balak niyo kaming pagtagpuin hindi ba? Kung ayaw niyong mamatay sila sa mga kamay ko wag niyo ng ituloy yang binabalak niyo dahil hindi ko masisiguro sa inyo kung mapipigilan ko ang sarili ko na gumawa ng bagay na hindi niyo nanaisin makita at magugustuhan. Matuto kayong alamin kung hanggang saan lang kayo lulugar" sabi ni raven na hindi padin nakatingin sa amin

Nabigla kami sa sinabi niya kaya walang nakapag reak kahit isa sa amin. Wala nga talaga kaming maitatago sa kanya.

"Raven gusto lang naman naming tulungan kang maayos ang buhay mo" sabi ko dahilan para tumingin sa amin si raven. Ang mga mata niya mababakasan ng galit at pagkamuhi.

"Bakit lia? Hiningi ko ba ang tulong niyo? Pinayagan ko na kayong makapasok sa buhay ko pero di ibig sabihin nun may karapatan na kayong panghimasukan ang personal kong buhay. Kilala niyo ako. Alam niyo na ang mga pinagdaanan ko kaya dapat alam niyo na sila ang pinaka huling taong gusto kong makita. Nang dahil sa kanila kaya naging impiyerno ang buhay ko. Kung hindi sana nila ako inabandona. Edi sana, hindi ako mapapadpad sa bahay ng mga umampon sa akin. Edi sana, hindi ko naranasan ituring na parang hayop. Edi sana, hindi ko na kailangan pang pumatay ng ibang tao para lang mabuhay. Edi sana hindi ako ganito kawalang puso at katigas" sabi ni raven

"Pero gusto ka nilang makita at makasama raven bigyan mo sila ng pagkakataon" sabi ni chloe

"Kasinungalingan. Kung totoong gusto nila akong makita at makasama sana noon pa. Noong umaasa pa ako na dadating sila. It's already late. Way too late" sabi ni raven saka tumayo at naglakad paalis

Napatingin ako kay zach ng tumayo siya at sinundan si raven. Nagpasya na lang kami na wag na lang silang sundan at hayaan na si zach ang kumausap kay raven.

Hindi namin alam kung anong dapat naming sabihin sa kanya. Natatakot kaming kapag may hindi kami nasabing maganda baka lumayo ulit siya sa amin. Kung ano mang dapat naming gawin ay hindi na namin alam. Basta pagdating kay raven lahat ng talino at lakas namin nawawala.

"All we can do for now is trust zach that he will be able to convince raven to meet up with her parents" sabi ni chloe

Sana nga.. Sana nga ng sa ganoon maranasan ni raven na magkaroon ng masaya at kompletong pamilya. Ito lang kasi ang magagawa namin bilang kaibigan niya. Hindi naman kasi namin kayang alisin lahat ng sakit at pait ng nakaraan niya.

Magisch Academy: The Heartless PrincessWhere stories live. Discover now