CHAPTER 35

26.3K 671 45
                                    

CHLOE'S POV

NAG-IBA ulit ang mga eksena. Nandito kami ngayon sa isang parang malaking astrodome. Nasa gitna noon si Raven habang nakaayos bilang si Queen. Nakita namin kung paano siya katakutan ng lahat dahil sa taglay niyang lakas. Kung paano niya talunin ang mga kalaban niya ng walang kahirap-hirap. Kung paano niya pamunuan at pasunurin ang lahat ng tao. Kung paano niya nakilala si Yvo.

Nakita din namin kung paano niya pinrotektahan si mira. Ayaw niyang matulad sa kanya si mira dahil nakikita niya ang batang siya kay mira. Nasaksihan namin lahat-lahat. Iyong pagpatay niya kay Beatrice dahil sa pagtatraydor nito at iyong ginawa niya kay Isabelle lahat iyon ay  may dahilan.

Nagkaroon kami ng pag-asa na may maliit paring posibilidad na maialis namin si raven mula sa madilim at masalimuot niyang nakaraan. Ang tanong ay kaya ba namin? Tama ba si mira sa sinabi niya na kami ang makakapagligtas kay raven o nagkakamali lang siya?

Maya-maya ay nag-iba na naman ang paligid. Ito iyong lugar kung saan siya tinotorture ni calissa para maturuan si raven kung paano niya makokontrol ang mga emosyon niya.

(Authors Note: Calissa's picture below)

Halos punit-punit na ang damit ng batang si raven habang nakagapos siya

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Halos punit-punit na ang damit ng batang si raven habang nakagapos siya. Maraming bakat ng latigo sa katawan niya may mga bakas din ng sunog ang mga balat niya.

This is really horrible!! Ito ang pinakamalalang torture na ginawa ni calissa kay raven. Ang calissa na iyon! Siya ang dahilan kung bakit naging malupit si raven sa iba!!

Nakita na lang namin na hinagupit ni calissa ng latigo si raven. Napapikit kami dahil doon.

"AAAHH!!" sigaw ni raven kaya naman tinakpan namin ang mga tenga namin. Hindi na namin kaya pang marinig ang mga sigaw ni raven. Ang sigaw niya na puno ng sakit at gali hindi lang sa taong nasa harapan niya kundi sa lahat.

"T-tama na... Hindi ko na kaya" nanghihinang sabi ni raven. Lupaypay na din ang katawan niya sa sobrang panghihina.

"Do you forgot what I told you huh raven? Don't ever gave up! Never surrender to anyone or to anything!! You should be the strongest!! Is it really hard to do it?!" sigaw ni calissa at mas lalo pang hinagupit ng latigo si raven

"I don't wanted to be the strongest in the first place! I didn't wish to be one! All I want is to feel love like others!" umiiyak na sabi ni raven kaya mas lalo kaming napaiyak. Nang-aasar na tumawa naman si calissa sa sinabi ni raven

"Feel love? You will never ever feel love raven! You don't deserve it! No one will love someone like you!! Alam mo kung pano ko nasabi? Iyong sarili mong mga magulang inabandona ka lang! Iyong mga taong nag-ampon sa iyo ay minamaltrato ka at tinangka ka pang patayin! Kahit nga iyong nag-iisang pag-asa mo na may magmamahal at magpapahalaga sa iyo tinalikuran ka din! Ano nga ulit ang pangalan nung batang lalaking iyon? Ahh! Ash hindi ba? Nangako siya sa iyo na di ka niya iiwan at mananatili siya sa tabi mo kahit anong mangyari diba? Nasan na siya ngayon? Kung meroon lang sanang nagmahal o di kaya ay nagpahalaga man lang sa iyo wala ka sana sa impiyernong lugar na ito! Masaya sana ang buhay mo pero hindi! Walang nagmamahal at magmamahal sa iyo raven!! Wala! Alam mo kung bakit dahil hindi ka kamahal-mahal! dahil kakaiba ka sa lahat!" sabi ni calissa

Magisch Academy: The Heartless PrincessWhere stories live. Discover now