CHAPTER 46

27K 721 148
                                    

LIA'S POV

LUMAPAG agad kami ng makarating kami sa tapat ng gate ng academy. Bumaba kami sa mga pegasus na sinasakyan namin.

Napatawa kami nila troy at chloe ng makita namin sina brent at ash na parehong di maganda ang mood. Napabuntong hininga naman si raven saka napailing.

Pagkapasok namin sa loob ng academy ay nakita namin ang kambal. Mabilis na tumakbo si klein papunta kay raven

"BABE! I miss you!" sigaw ni klein at niyakap si raven ng makalapit na siya dito.

"Get off of her" sabay na sabi ng tatlo. Hays. Dagdag sakit sa ulo ito. Napating naman si klein sa likod namin at nakita niya ang tatlo. Brent, Zach at Grave. Tama kasama namin si grave. Nagpumilit sumama ang tamang sabihin. Iyan ang dahilan kung bakit nakasimangot si brent at zach. Napataas ang kilay ni klein ng makita si grave.

"At sino naman ang lesbian na kasama niyo?" tanong ni klein pero alam naming inaasar niya lang talaga si grave. Mapang-asar talaga ang lalaking ito parang si brent. Akala talaga namin noong una seryosong tao pero hindi pala. Si grave mukha lang maloko pero madalas seryoso. Looks can really be deceiving.

"Sinong lesbian?" panggagatong ni brent sa asar ni klein

"Iyang bago niyong kasama. Edi ba lesbian ang tawag sa babaeng nakasuot ng damit at kung kumilos parang lalaki?" tanong ni klein

"Hindi siya lesbian dahil bakla siya hahaha" sabi ni brent saka tumawa kaya napatawa na din si klein at nakita naming namumula sa inis si grave dahil nga maputi siya kaya halatang-halata ang pagkapula ng mukha niya

"Look SHE'S blushing hahahaha" sabi ni klein at pinagdiinan pa ang she's

"Tumigil na nga kayo" saway ni chloe pero di siya pinakinggan ng dalawa kaya mukha na siyang sasabog sa galit kasabay ni grave.

"That's enough" sabi ni raven sa mapanganib na boses at sa isang iglap nanahimik ang dalawa. Tignan mo itong dalawang ito may favoritism. Noong si chloe ang sumuway di nila pinakinggan pero noong si raven na nanahimik agad sila. Tsk.

"Ahem. Ako na ang humihingi ng tawag sa kabastusang ginawa ng kakambal ko. I'm Zyrene Alcantara and that brat is my twin, Klein Alcantara" sabi ni zyrene at nakipagshake hands kay grave na tinanggap naman nito

"Are you really his twin? You seem kind and beautiful but your twin is a brat, rude and ugly. Hindi halatang kambal kayo. By the way, I'm Grave Buenafente" sabi ni grave

"Well marami nga ang nagsasabi niyan hahaha" natatawang sabi ni zyrene

Napakalas ang pagkakahawak kamay si grave at zyrene ng mabilis na pinaghiwalay ni klein ang kamay ng dalawa. Masama siyang tumitig kay grave.

"Don't ever touch my twin or else I'll kill you" seryosong sabi ni klein

"Don't worry. I already have someone on my heart" sabi ni grave saka tumingin kay raven kaya nakatanggap siya ng death glare sa tatlo

"Jerk"

"Asshole"

"Rascal"

Sabay-sabay na sabi ng tatlo. Ang haba talaga ng buhok ni raven eh noh. Sana ako na lang siya para mahal na ako ng taong mahal ko ng sa ganun hindi ako nasasaktan ng ganito. Gusto ko ng sumuko dahil sa tingin ko malabong mahalin niya ako. Pero sa tuwing nakikita at nakakasama ko siya nawawala iyon lahat sa isip ko. Totoo nga ang sabi nila na pagdating sa pag-ibig kahit ang pinaka matalinong tao sa mundo nagiging  t*ng*.

Magisch Academy: The Heartless PrincessWhere stories live. Discover now