CHAPTER 30

29.1K 788 49
                                    

RAVEN'S POV

MINULAT ko ang mga mata ko ng may maramdamang kung ano mainit na tumatama na bagay sa mukha ko pero napapikit ulit ako ng sumalubong sa akin sinag ng araw. Nang maiadjust ko na ang paningin ko ay saka ko nilibot ang paningin ko.

Nakita kong nasa classroom pala ako. Nakita ko si ash na nakasubsob sa desk niya at mukhang natutulog. Kahit di ko nakikita ang mukha niya ay alam kong si ash iyon. Walang ibang naririto kundi kami lang.

Biglang tumagilid ang mukha ni ash paharap sa akin dahilan para makita ko ang natutulog niyang mukha.

Yumuko ako sa mesa ko at ginawang unan ang mga braso ko habang nakaharap kay ash.

He's really a God's gift to women. He looks like an angel when his asleep but when his already awake he looks like a devil incarnate. He looks more handsome when the sunlight touches his face.

Napahawak ako sa dibdib ko ng may maramdaman na naman akong kakaibang pakiramdam sa loob ko. May kung anong kirot akong nararamdaman sa di ko malamang dahilan.

Bakit ba kung ano-ano na lang ang nararamdaman ko sa tuwing nasa malapit siya? Sa tuwing nasa malapit siya nakakaramdam ako ng mga emosyon na matagal ng nawala sa akin at hindi ko gusto iyon. Ayaw ko ng maibalik ang mga emosyon ko nasanay na ako sa ganito. Kaya dapat lumayo na ako sa kanya. Pero kahit anong gawin ko sa huli lagi ko na lang nakikita ang sarili ko na kasama siya.

Bigla ko naman naalala ang nangyari kagabi sa party.

Mabilis na bumitaw sa pagkakayakap sa akin si Ash at tumalikod sa akin. Nagpahid siya ng luha saka tumikhim. Humarap siya sa akin. Wala ng bakas ng luha sa mga mata niya.

"You didn't see anything okay?" sabi ni ash

"I saw it. I'm not blind" sabi ko ginulo naman ni ash ang buhok niya at tila naiinis na tumingin sa akin

"Just pretend that you don't see it" inis na sabi ni ash

"Okay fine. Baka mamaya bigla ka na namang umiyak eh. Di ko alam na crying baby ka pala" sabi ko

"Shut up" inis na sabi ni ash

"Umupo na tayo. Nangangawit na ako" sabi ko

"As you wish" sabi ni ash saka hinawakan ang kamay ko at pinag intertwined iyon. Pinilit ko namang bawiin yung kamay ko pero ayaw niya akong bitawan.

"What are you doing Ash? They are already staring at us" sabi ko saka siya tinignan ng masama

"I thought you're not blind? Can't you see? I'm holding your hands" sabi niya

"I know that. What I mean is why are you holding my hands?" tanong ko

"Dahil gusto ko. Saka para wala ng magtangkang lumapit sa iyo. Ayaw mo ba nun? Tinutulungan na kitang palayuin ang mga magtatangkang lumapit sa iyo" sabi niya

"Lame excuses," sabi ko

"Think what you want," sabi niya

Pagkarating namin doon sa table namin ay nakita namin ang mapang-asar na ngiti nila lia.

"What's the meaning of this huh? Are you already in a relationship?" nang-aasar na tanong ni chloe

"What? Of course not!" sabi ko

"Yeah right. You always said that there's nothing 'fishy' happening between you two but you're actions are contradicting your words" inis na sabi ni brent

Magisch Academy: The Heartless PrincessWhere stories live. Discover now