CHAPTER 11

37.2K 1K 90
                                    

ASH'S POV

ILANG araw na ang lumipas simula noong maalala ko na ang nakaraang namin ni Akisha. Ang pinagtataka ko lang talaga ay kung paano naging ganun ang itsura niya. She used to be beautiful. I don't know what happened to her when I was gone. Hindi na din kami nag-aaway ni Akisha dahil di naman kami nagpapansinan. Nararamdaman ko din ang awkwardness sa paligid kapag kami na lang dalawa.

Gusto ko siyang kausapin. Gusto kong tanungin kung ano ba talagang nangyari sa kanya noong panahon na wala ako at nagkaganyan siya. Pero wala akong lakas ng loob na kausapin ni tignan siya dahil sa ginawa ko. Naging mahina ako. Kung sana naging malakas lang sana ako noong mga panahong iyon edi sana di siya di nagkaganito. Di ko alam kung anong pinag-usapan nila nung pekeng ako dati. Ang nabutan ko na lang kasi ay yung umiiyak si akisha habang nakatingin sa pekeng ako.

"May problema ba? Zach? Raven? Hindi ata kayo nagbabangayan ngayon? Anong nakain niyo? Noong nakaraang araw pa kayo ganyan. Meron bang nangyari na di namin alam?" tanong ni Chloe pero di ko siya sinagot nandito kami kasi nakatambay sa dorm ni Lia wala kasing klase ngayon.

"It's nothing chloe" sabi ni Akisha at ngumiti

Nothing? That's just not nothing! For petes sake! Halos mabaliw na nga ako sa kakaisip kung pano ko siya pakikitunguhan eh tas siya parang wala lang! How can she smile like that after what happened the other day? Kahit noong kinabukasan pagkatapos nung naganap sa abandonadong building umakto siya na para bang walang nangyari. Ako nga lang ata ang apektado saming dalawa. Mukha ngang wala siyang pakialam at di siya apektado ng malaman niyang ako ang kababata niya at ang king of darkness eh. Saka isa sa mga pinagtataka ko bakit hanggang ngayon di niya parin ako sinusuplong sa mga nakatataas o di naman kaya kila lia. Di ko alam kung ano ba talagang tumatakbo sa isip ni Akisha. Napakahirap niyang basahin. Kung sana nababasa ko lang siya katulad ng ginagawa niya sakin edi sana di na ko nahihirapang manghula kung ano ba talaga tumatakbo sa utak niya.

"Nothing? Seriously Raven? Nararamdaman naming may nangyaring kakaiba sa inyo ni Zach kaya ganyan na lang ang kilos niyo. Kung wala talagang nangyari edi sana nag-aaway na kayo ngayon. Edi sana inuutusan o di naman kaya pagsasalitaan ka ni Zach ng di maganda! Pero hindi! Ni hindi nga kayo makatingin sa isa't-isa eh! Kaya sabihin niyo na ano ba talagang nangyari? Kaibigan niyo din naman kami eh. Baka malay niyo matulungan namin kayo sa problema niyo" pangungulit na sabi ni Chloe

Napakakulit talaga!

"Enough chloe! Sinabi na ni Raven diba? It's nothing. And kung may nangyari nga wala ka ng pakialam dun. Mind your own business. You have nothing to do with our problem. So stop meddling. It's just between me and akisha. Stop trying to pry" malamig na sabi ko

Nakita kong nasaktan si chloe sa sinabi ko but I don't care. I was just saying the truth. Kung ayaw niya palang masabihan ng masakit na salita edi sana di na siya naging pakialamera pa.

"Zach! Watch your mouth! Don't be so rude! She's not meddling nor trying to pry! Chloe's just concern for the two of you! We're just worried because we're all friends here!" sabi ni lia habang niyayakap si chloe na kasalukuyan ng umiiyak

"I don't need any of your concerns" malamig na sabi ko saka naglakad paalis

Nakita ko na lang na nandun ako garden kung saan unang beses kong hinalikan si akisha. Hanggang ngayon nga sariwang-sariwa sa utak ko ang pakiramdam ng malambot na labi ni akisha. It feels so right. Piling ko nga kaya kong halikan siya ng buong araw. It's just that her lips was addicting and it's making me insane.

That ugly nerd! Meron sigurong gayuma ang labi niya!

Nakatayo lang ako at pinagmamasdan ang araw. Naramdaman kong may tumabi sakin. Pagtingin ko si Akisha pala.

Magisch Academy: The Heartless PrincessWhere stories live. Discover now