CHAPTER 36

25.9K 714 27
                                    

LIA'S POV

"Calissa" malamig na bigkas ni zach sa pangalan ng babaeng nasa harap namin. Maganda siya at sexy. Ni hindi man lang tumanda ang itsura niya. Ang itsura niya kasi simula ng kinuha niya si raven magpasa hanggang ngayon ay hindi parin nagbabago.

Nagbago din ang mga awra namin. Hinanda na namin ang sarili namin sa mga maaaring mangyari. Lalo na at awra niya ay tila naghahanap ng gulo.

"What do you need from us? Raven's not here if she's the one you're looking for" malamig na sabi ni brent

"Chill kids. I'm not here for Raven. Actually, I'm here to talk to all of you" nakangising sabi ni calissa na nagpakunot ng noo namin maliban kay zach

"What do you want?" tanong ni chloe

"Well I just wanted to tell you to stay away from Raven that's all nothing more nothing less" sabi ni calissa saka umupo sa couch na parang isang reyna

"And why the hell we will do that?!" sigaw ko

"Dahil magiging sagabal lang kayo sa mga bagay na nakatakdang gawin ni raven! Magiging sagabal lang kayo kay Raven!" sabi ni calissa at tumingin samin ng matalim. She's scary.

"I'm a demon creature I can kill you right here right now, it will be much easier for me to get all of you out of Raven's way but I won't, you know why? Because I want to see Raven suffer" sabi ni calissa na nagpalaki ng mata namin sa gulat. Kaya naman pala wala siyang awa at malupit siya kay raven. Isa pala siyang demon. Ibig sabihin kaaway siya.

"Bakit? Bakit kailangan namin siyang iwasan? Hindi paba sapat na kinuha mo na ang mga emosyon ni raven?! Ano pabang impiyerno ang dapat maranasan ni raven para makuntento kana sa pagpapahirap sa kanya?! Kahit hindi man mabuting tao si Raven, kahit siya pa ang pinakamasamang nilalang sa mundong ito wala kaming pakialam kaibigan padin namin siya at hindi iyon magbabago. Tanggap namin kahit ano pang uri siyang nilalang at kahit gaano pa kadilim at kasama ang pagkatao niya ganoon din ang nakaraan niya. Wala kaming pakialam kahit siya pa ang pinaka masamang tao sa buong mundo. She will always be our dear raven" sigaw ko at ramdam kong unti-unti ng tumutulo ang mga luha ko at kumuyom ang kamao.

Nagagalit ako. Nagagalit ako sa babaeng nasa harap ko. Kasi anong karapatan niya para pahirapan si raven! Ano karapatan niyang gawing impiyerno ang buhay ni raven?! Sino ba siya sa tingin niya para nakawin ang mga emosyon ni raven?!

Mas lalo akong nainis ng marinig kong tumawa siya. Iyong tawa na nang-aasar kaya kumukulo lalo ang dugo ko.

"Me? Stole raven's emotions? Hahahahaha you must be kidding me kiddo. Did you really believe that I stole her emotions?" tanong niya habang nakangisi

"But we see it with our own eyes! Nakita namin kung paano mo kinuha kay raven ang mga emosyon niya noon ng walang siyang kalaban-laban" sabi ni chloe

"Oh! Maybe you see her past. Oo inaamin ko na sinabi ko na kukuhanin ko ang mga emosyon niya. Pero hindi ko iyon ginawa. Ang totoo niyan kinuha ko ang lakas niya noon kaya hinimatay siya. Iyon ang totoong ginawa ko. Hindi ko kailanman kinuha ang emosyon niya. Ang emosyon niya ay kusang nawala. Sa tingin niyo ba talaga sa lahat ng nangyari sa kanya, sa lahat ng hirap at sakit na dinanas niya makakaramdam pa siya? Hindi niyo man lang ba naisip na baka kaya siya hindi nakakaramdam ng ay hindi dahil sa wala siyang emosyon kundi dahil wala talaga siyang naramdamang emosyon? Also, how can I stole a thing that never existed in the first place. She was born with no emotions. All the smiles, laughs, sadness and tears that you see in her on her past was all fake. Ang mga emosyon na pinakita niya noon ay isang ilusyon niya lamang. Pinapakita niya ang mga emosyon na gusto niyang maramdaman. She was cursed. Hindi siya kailanman makakaramdam ng kahit anong emosyon. Iyon ang nakatakda. Ang mga ginawa at sinabi ko sa kanya ay nagsilbi lamang na wake up call niya na walang mangyayari sa pagpapanggap niya na nakakaramdam siya ng emosyon" sabi ni calissa na nagpagulat samin

Magisch Academy: The Heartless PrincessWhere stories live. Discover now