CHAPTER 13

37.6K 1K 146
                                    

CHLOE'S POV

ANDITO kami ngayon sa dorm ni Raven. Nagulat nga siya ng makita niya kami sa labas ng pinto ng dorm niya. Nararamdaman ko din ang awkwardness ng paligid dahil sa katahimikan na namamayani sa loob ng kwarto. Alam kong iniisip din nila lia ang nangyari kagabi. This time kasama na namin si Yvo.

"Hey, guys! Why do you looks so occupied? Is there something bothering you?" nakangiting tanong ni Raven kaya napatingin kami sa kanya.

How? How can she smile like that even though she doesn't have any family.

"It's nothing Raven. Don't mind us" sabi ni Lia at ngumiti ng pilit na sinang-ayunan naman namin

"So bakit nga pala kayo napadpad dito? Hindi ba ngayon na ang simula ng isang buwang bakasyon natin? Dapat nasa kanya-kanya niyo na kayong mga pamilya ngayon hindi ba?" tanong ni raven

"Ahm gusto ka sana naming ayain na pumunta ngayon sa Avalors Amusement Park. Masaya dun promise!" sabi ni brent saka tinaas pa ang kaliwang kamay niya

"Okay" sabi ni Raven.

Pumayag siya ng ganun-ganun lang? Akala pa naman namin mahihirapan kaming kumbinsihin siya pagkatapos ng nangyari kahapon. She's really unpredictable.

"Let's go?" sabi ni raven at nakita naming nandun na siya sa may pinto. Mukhang excited na excited na talaga siya ah.

Well, I'm excited too. This is the first time that we will have a bonding with Raven.

RAVEN'S POV

Andito kami ngayon sa labas ng Magisch Academy. Ang sabi ni Lia naghihintay kami ng masasakyan. Hanggang sa may makita akong bagay na lumilipad papunta samin.

Maya-maya nanlaki ang mata ko ng makita ko kung ano yung bagay na lumilipad papunta samin.

Don't tell me yan ang sasakyan namin papunta sa Avalors Amusement Park?

Really? A pegasus? How can I forget that I'm in a magical world now. Everything is possible.

Isa-isa kaming sumakay sa mga pegasus. Nagulat pa nga sila na marunong akong sumakay ng pegasus. Ang sabi ko naman naghohorse back riding kasi ako noon sa mortal world. Well totoo naman talaga yun. Minsan kasi kapag may kailangan akong iassasinate sa probinsya ay kabayo ang sinasakyan ko. You read it right bukod sa pagiging underworld Queen I'm also an assasin. I'm also a ninja, a reaper lahat na ata ng uri ng tao sa Underworld ay nasubukan ko na. And that's all just because I'm f*cking bored. Great right?

Nang makasakay na ang lahat ay agad naming pinalipad ang mga pegasus na sinasakyan namin. Habang lumilipad kami papuntang Avalor Amusement Park ay may nakita akong isang bagay na papunta sa direksyon namin. Di yun basta-basta nakikita o nararamdaman ng kung sino lang kahit pa sila lia di yun kayang maramdaman. Isa iyong karayom pero di mo dapat minamaliit ang karayom na yon dahil pwede ka nun patayin sa loob lang ng isang minuto. Mabilis yung tumama sa pegasus na sakay ko dahilan para magwala ito.

Shit! Shit!

"Raven!!"

"Akisha!"

Di ko na sila pinansin dahil busy ako sa pagpapaamo ng pegasus na nagwawala. Humawak ako ng mahigpit sa tali ng pegasus ng bigla nitong tinaas ang dalawang paa nito sa harap. Umaangat at bumababa ito piling ko anytime tatalsik na ko paalis sa pegasus. Sh*t! Kaya kong gamitin ang iba kong powers para makaalis dito yun nga lang makikita yun nila lia mabuko pa ko. Masayang pa lahat ng pinaghirapan ko.

"Akisha abutin mo ang kamay ko! Dalian mo!" sigaw ni Ash at mabilis na pumwesto sa tabi ko at inabot ang kamay niya. Pero sa halip na abutin ang kamay niya ay tinitigan ko lang ito.

Magisch Academy: The Heartless PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon