CHAPTER 27

27.1K 761 79
                                    

RAVEN'S POV

"RAVEN sige na naman oh! Pumayag kana! Matatanggihan mo ba ang isang gwapong tulad ko?" nagmamakaawang sabi ni klein

More. More patience.

"Anong gwapo? Hoy mas gwapo pa nga ako sayo noh! Eh lolo kana nga eh! Tignan mo yang buhok mo ang haba tas kulay puti pa!" sabi ni Yvo

Nagtataka ba kayo kung anong nangyayari? Ganito kasi yun. Nalaman ni Klein at Yvo na may kissing scene na magaganap sa gagawin naming play bukas. Yes. Bukas na namin gagawin ang play. Siyempre dahil nag-apila ang dalawa pati si brent ay gusto ding maging leading man ko. Gusto nilang palitan tatlo si Ash sa pwesto ng pagiging leading man. Ofcourse hindi papayag si ash na mapalitan siya bilang leading man ko sa stage play. Kaya ayun! Nagkagulo-gulo na ang lahat.

"Sa ating lahat ako ang pinaka gwapo kaya wag na kayo magtalo pwede ba?" sabi ni brent na tinutulan ng tatlo

"You wish. I'm the hottest and handsome here and no one can beat me" sabi ni ash na siyang tinutulan ng tatlo. Hindi lang pala siya manyakis, mayabang din pala siya. Tsk.

Kunti na lang. Kunting-kunti na lang talaga.

"Raven! You chose! Sinong mas gusto mong leading man? If you chose me I'm sure you'll be in heaven once you taste my oh so yummy lips" sabi ni Klein

"Don't ask me. You should ask Ash if he's willing to give way his role" sabi ko

"Hoy! Zach! Ibigay mo na lang sakin ang role mo! Ako ang mas karapat-dapat na makakuha ng first kiss ni Raven." sabi ni klein na kinangisi na lang ni ash

"Huh! As if! Never in your wildest dream, I will let you or anyone kiss raven. And what are you saying again? Did you want to be Raven's first kiss? Oh sorry, man! I already had her first kiss a long time ago! Just so you know we already did it a lot of times. We even do more than that." nakangising sabi ni ash na kinatanga ng lahat

Napatampal na lang ako sa noo ko sa sinabi ni ash. Damn it! Kailangan niya pa ba talagang ipangalandakan iyon?! At sa harap pa talaga nila chloe ah! I want to strangle his neck until he's not breathing anymore!

"What?! Raven! Did you really let this asshole had your first kiss?! Why?! Am I not enough?! Panget ba ako?! Kapalit-palit ba ako?! Then why?!" nagdadramang sabi ni klein

"Damn why him?!" inis na sabi ni brent

"Sh*t! Why did you gave him your first kiss?! Why not on me?!" inis na sabi ni Yvo

I had enough! Ughh!! Padabog akong tumayo at hinampas ang mesa saka sila tinignan apat ng nakakamatay na tingin.

"If you didn't shut up your f*cking mouth I will never hesitate to kill all of you!" malamig kong sabi pero sinigurado kong mababakasan ng galit ang boses ko

"Oh come on Raven! You can't do that." sabi ni Klein na sinang-ayunan nila brent

At sa isang iglap nakatutok na sa kanilang apat ang talim ng katana ko. I gave them a dangerous smirk.

"Try me." nanghahamon na sabi ko at mas lalong nilapit sa kanila ang katana ko to the point na halos madikit na yung talim ng katana ko sa mga leeg nila.

Nakita kong mas lalo silang namutla halos mukha na silang bangkay. Ilang beses din silang napalunok at nakita kong tumulo pa ang mga pawis nila.

And finally! Tumahimik din sila! Sa wakas matatahimik na din ang buhay ko.

"Good. Ganyan nga. Kung sino mang magtatangkang mag-ingay o magsalita pagpipira-pirasuhin ko. Understood?" nagbabantang sabi ko mabilis naman silang napatango.

Magisch Academy: The Heartless PrincessTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang