CHAPTER 34

23.7K 692 35
                                    

LIA'S POV

UNTI-UNTI kong dinilat ang mga mata ko. Di ko alam kung nasaang lugar ako dahil tanging dilim lang nakikita ko. Napaatras ako dahil kinikilabutan ako sa lugar na ito. Ito na ba ang impiyerno? Ang huli kong naalala ay nadaplisan ako ng pana na may lason. Pero bakit sa impiyerno naging mabait naman ako ah?

Napasigaw ako ng pag-atras ko ay may maramdaman akong bagay na humawak sa kamay ko

"Waaahhhh!! Multo!! Tulong! Wag niyo po akong dalhin sa impiyerno! Naging mabait po akong bata noong nabubuhay pa po ako! Promise! Peksman! Mamatay man si Brent! Siya na lang po ang kunin niyo! Wala po siyang ibang ginawa kundi saktan at laitin ako!" sigaw ko at napatigil ako sa pagsigaw ng biglang may bumatok sakin

"Aray!!" daing ko at mabilis na tinignan kung sino iyon at nakita ko si brent na masama ang tingin sa iyo. Kung nakakamatay lang ang tingin. Double dead na ako. Patay na nga pinapatay pa ako.

"Ano bang sinasabi mo?!" inis na sabi ni brent

Nakita kong nagpipigil ng tawa si chloe at troy. Si ash naman ay tumaas ang isang bahagi ng labi niya.

"Teka? Nakikita ko na kayo! May liwanag na?" tanong ko at napatampal naman sa noo nila sila brent

"Yes. Kanina pa. Ikaw lang tong O.A. na may papikit-pikit pa sa sobrang takot!" sabi ni chloe

"Bakit kayo nandito? Patay na din ba kayo? Oh my! Bakit kayo agad sumunod sa akin?" naghihimutok na sabi ko nakatikim naman ako ng batok mula kay chloe

"Aray ah! Kotang-kota na kayo sa kakabatok sa akin! Pag iyong utak ko tumalsik bigla sa kakabatok niyo kukunin ko iyang utak niyo at iyon ang ipapalit ko sa utak ko!" sabi ko

"So may utak kapa pala sa lagay na iyan? Hindi kaya nadulas si Queen Irish habang pinagbubuntis ka kaya natagtag ang utak mo?" sabi ni chloe

"Why so mean chloe? Are you really my bestfriend?" tanong ko at nagkunwaring nasaktan

"Why so idiot lia? Are you really my bestfriend?" nang-aasar na sabi ni chloe

Napapout na lang ako sa sinabi ni chloe. Sometimes Chloe is really rude.

"Hindi pa tayo patay Lia" sabi ni Troy at kinuwento nila sakin lahat ng nangyari.

So kaluluwa ko lang ang nandito at ang physical body ko ay nasa natutulog at kritikal parin ang lagay dahil sa lason.

May nakita kaming isang kulay itim na pinto meroon pa itong bahid ng mga dugo. Nakakakilabot hindi lang itsura kundi ang awra na lumalabas dito.

Biglang lumitaw si Raven sa harap namin as usual poker face parin siya.

"Before you enter this door. You need to fight me first. You just need to choose one on your group. You need to defeat me. You can't just go inside my memories without sweats or bloods in your body" sabi ni raven sa malamig na boses

"If we defeat you, will you accept us? Will you let us inside your life?" sabi ni zach

"Maybe" sabi ni raven saka nagkibit balikat

"Then fine. I will fight you" sabi ni zach

"Lets start it" sabi ni raven

Sumugod sila sa isa't-isa ngunit di namin iyon masundan sa sobrang bilis nila gumalaw na dalawa. Malalakas at mabibilis ang ginagawa nilang pag-ataki sa isa't-isa na tila ba malaki ang galit nila sa isa't-isa. Madalas natatamaan ni raven si zach pero ni minsan di nakatama si zach.

Mabilis na sumugod ng suntok si zach pero mabilis na naiwasan iyon ni raven. Gaganti sana ng suntok si raven ngunit nasalo iyon ni zach. Inilagay ni zach ang kamay ni raven sa likod saka ito pinaluhod.

Magisch Academy: The Heartless PrincessWhere stories live. Discover now