⚫01 : First Encounter ⚫

6.6K 160 26
                                    

Julienne's POV

Marami sa mga kaibigan ko ang nagsasabing nasisiraan na ako ng bait dahil sa mga kinukuwento ko sa kanila na totoong nangyari mismo sa'kin kaya mas pinili ko nalang manahimik at sarilihin nalang lahat ng kakaibang nararanasan at nakikita ko sa aking paligid.

I gasped as I saw a familiar figure across the empty street. Sinubukan kong maging normal ang kilos at pakiramdam ko. Umatras ako at tumalikod na para bang walang nakita at naglakad na ulit pabalik sa pinanggalingan ko kanina.

Maingat pero mabilis ang bawat paghakbang ng aking mga paa. Saglit akong lumingon para tingnan kung sumusunod pa rin sila at hindi nga ako nagkamali dahil ilang dipa lang ang layo nila sa'kin.

Pinagsisisihan ko ng masyado akong nagpagabing umuwi ngayon. Tanging mga ilaw sa poste at ilang establishment nalang ang nagsisilbing liwanag sa daan.

Lalong humigpit ang pagkakahawak ko sa strap ng aking bag. Halos lumabas na ang puso ko sa sobrang lakas ng kabog dahil sa kabang nararamdaman ko. Hindi ito ang unang beses na mangyari sa'kin ang ganitong bagay. Ilang buwan na akong lagi nalang hinahabol ng mga lalakeng nakaitim na salakot, minsan ay moderno pa ang mga suot nito pero kahit kailan ay hindi ko naaninag ang mga mukha nila. Hindi lang sa kalsada dahil maging pati sa unibersidad na pinapasukan ko ay sumusunod sila. Hindi ko naman masabi sa mga magulang ko na bihira lang umuwi sa bahay dahil sa pag aasikaso ng mga negosyo ng pamilya namin.

Malayo layo na ang nalalakad ko pero nanatili pa rin silang nakasunod. Nanginginig ang kamay kong kinuha ang phone sa loob ng aking bulsa at natatarantang dinial ang isa sa mga kaibigan ko, bago ko pa man maitapat ang phone sa tenga ko ay may parang kung anong malakas na hangin ang dumaan sa gilid ko. Napaikot pa ako at nabitawan ang hawak ko sa sobrang lakas ng pwersa noon.

Rinig ko ang pagbagsak sa lapag ng hawak kong telepono pero hindi ko iyon binigyan ng pansin dahil tumama sa matigas na bagay ang noo ko dahilan para umatras ako ng kaunti. Nang maaninag ko ang nasa harap ko ay nagulat at nagtaka dahil bigla nalang may sumulpot na ibang tao ngayong kanina pa ako naglalakad at wala kong makitang kahit na isang naglalakad kasabay ko.

He's hiding me behind at dahil doon ay di nakatakas sa'kin ang matapang pero kaaya-ayang amoy nanggagaling mismo sa kanya.

A very manly scent, gosh!

Lalo akong nagulat nang marinig ko ang boses niya.

"I told you to stop following her. You have nothing to do with her." damn that voice and his accent! May lahi ba siya?

I know, I'm in the middle of danger and I can't help but to admire his broad shoulder from here. Alam kong broad iyon dahil sa suot palang niyang maong na jacket ay kitang kita na.

"Move, Salvathoure. She's none of your business and you're not supposed to be here."

I saw the guy nang sumilip ako mula sa balikat niya. Nakakapanlamig ang boses niya at nakadagdag lang 'yon sa takot na nararamdaman ko. Sobrang mestizo ng isang 'yon at parang lahat sila ay pare parehas lang ng kulay ng balat. Sobrang puti at mapupula ang labi. Nakaka-insecure para sa babaeng tulad ko.

"Let the woman go and we'll spare you", sabi pa 'nung isa niyang kasama.

Wala sa sariling napakapit ako sa sleeve ng jacket niya dahil sa sinabi ng isa sa mga kasama ng mga sumusunod sa'kin pero agad din akong napabitaw at napaatras.

Why the f*ck is he this cold? He's cold, very cold!

Bahagyang bumaling ang mukha niya dito dahil sa paggalaw ko at ako itong si gaga na literal na napanganga ng makita ko ang side profile niya.

That sharp jawline can kill!

Nabaling agad ang atensyon niya sa mg kaharap.

"Back off, Frederico. Let the woman live", kalmado at hindi mabahiran ng emotion ang boses niya. "Stop threatening me. I'm not buying it. You know I can kill you all without getting hurt."

Kill?

Ano bang sinasabi ng mga 'to? Napagtripan lang ba nila ako?

Pero ng sarap lang pakinggan ng boses niya ang emotionless sa pandinig. Kung sa kanta lang, siya 'yung wala sa tono pero pakikinggan at pakikinggan mo pa rin.

"We'll let her go for now but not after this encounter."

Kulang nalang ay lumuwa ang mata ko dahil sa sobrang pagkagulat ng bigla nalang silang maglaho mismo sa harap ko.

What the heck just happened?!

Sino ba ang mga 'yon?

Uso pa ba ang powers sa panahon ngayon?

Nananaginip ba 'ko?

Ano 'yun? Magic?!

I was a fan of magic noong bata ako pero hindi ko alam na upgraded na pala ang mga magicians ngayon, kaya na nilang maglaho wow!

Napahawak ako sa ulo ko at mariin na ipinikit ang mga mata ko dahil pakiramdam ko nababaliw na ako dahil sa nakita ko kanina.

"Are they some kind of--", hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil bigla siyang nagsalita.

"Go home, Julienne."

Napapikit ako ng banggitin niya ang pangalan ko.

His voice is full of authority.

"Who are you? Who are they? Why do they keep following me?", hindi ko papakawalan ang chance na 'to lalo na't alam kong may makakasagot ng mga tanong ko.

"How did you know my name? And face me so we could talk."

Hindi siya sumagot. Akala ko ay aalis na siya pero nagkamali ako.

Pinagsisihan ko ang huli kong sinabi because the moment he turn to face me I know...

I know I said the wrong words.

He has perfect features! Nahiya ang kutis ko sa puti niya. Is he even real?!

"The answer itself will get to you when the right time comes

¡Ay! Esta imagen no sigue nuestras pautas de contenido. Para continuar la publicación, intente quitarla o subir otra.


"The answer itself will get to you when the right time comes...", he paused.

"And I know you since birth, Julienne. I know everything about you", the side of his lips form into a curve. Medyo nakaramdam ako ng inis dahil doon.

Pero tulala pa rin ako sa harap niya. Bahagya pa akong nakatingala dahil sa height difference naming dalawa. Nakakahiya pero kulang ang word na 'naglalaway' para idescribe ang itsura ko nvayon.

He's freaking hot!

Tumalikod na siya pero nakatayo pa rin ako at sinusundan siya ng tingin.

Ilang hakbang palang ang nagagawa niya nang tumigil siya sa paglalakad. Nakabaling ng kaunti ang ulo niya dito. Natatamaan ng ilaw ang mukha niya kaya kita ko ang pagbuka ng bibig niya.

"By the way, it's midnight already so, happy 19th birthday"

He sound sincere kaya wala sa sariling napangiti ako.

Naalala ko birthday ko nga pala ngayon pero nag iisa ako.

Kung sino ka man, thank you for saving my life.

Hoping to meet you again.

The Untold Story Of Vladimir's Grandsons (Republished)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora