⚫️ 42 : Never Again ⚫️

1.1K 60 144
                                    

Play the song.

⚫️⚫️⚫️

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

⚫️⚫️⚫️

Third Person's POV

Hinayaan nang magkapatid na mag isang harapin ni Stark si Catalina.

Hindi na kaya pa ng konsensya ni Cloud kung may mawawala pa sa kanilang lahat.

They leave Stark and search for King instead. Hindi pa rin sila naniniwalang patay na ito nang ga'nun ga'nun lang. There must be something happening behind Catalina's words.

Kasama nilang naghalubog sa buong lugar ang mga babae. Kahit na nahihirapan at nanlalambot ang mga tuhod ni Ayns ay hindi pwedeng manahimik na lamang siya sa isang tabi habang hinihintay na sabihin sa kanyang wala na talaga ang lalaking halos buong buhay niyang nakasama.

Stark made sure na nakalabas na ang mga kapatid niya before letting his guards down para tumutok sa babaeng kaharap niya ngayon.

"Kahit ano pang gawin niyo, kahit sama sama pa kayo hinding hindi niyo na makikita si King! I told you already he's dead!"

Nagsimulang maglakad sa kanya palaipt si Stark kasabay nang paglabas nang mga itim na ugat sa pader at sahig ng silid. Matalim ang titig ng mga mata nitong kulay lila. Nagkakaraoon ng bitak sa bawat parte na hakbangan nito. Nagsilabasan din ang mga itim na ugat nito sa paligid ng kanyang mata at ang maamo nitong mukha ay napalitan nang matapang at nakakatakot na itsura.

"Sabihin mo sa'kin kung nasaan ang kapatid ko and I'll spare your life", mas lumalim ang natural nitong boses na parang galing pa sa ikalaliman ng lupa.

Ni hindi natinag si Catalina sa kanyang kinatatayuan. Lumabas sa kamay nito ang itim na usok na mismong nakuha kay Samontina na siya ring pinatay niya pagkatapos pumalpak sa planong ipinagawa niya sa dalaga.

Kaya niyang isalin sa kanya ang kapangyarihan na kahit na sino kapag namatay na ito.

Marahas na umiling si Catalina, binuka niya ang mga braso kasabay noon ang paggalaw ng itim na usok sa kanyang mga kamay paikot sa kinatatayuan ni Stark.

"Your brother is a fool. Ni hindi man lang ako nahirapang patayin siya gamit ang katauhan ng yumao niyang ina" tumawa ito nang mapait, "Naaawa ako kay Leandro dahil siya ang napagbalingan ng galit ni King sa pagkamatay ng kanyang ina kung ang totoo naman ay ako talaga ang gumawa ng bangungot na iyon sa kanya"

Hindi kumibo si Stark pero ang galit niya ay nadadagdagan ng nadadagdagan sa bawat salita at kasalanan na inamin nang babaeng minsan niyang pinahalagahan bilang matalik na kaibigan.

"Yes, Stark. You heard it right. I was the one who killed his mom. Ginaya ko ang katauhan ni Leandro para pagtakman ang krimen na ginawa ko sa angkan ni Vladimir. Sadyang inutil ang mga taga bantay noon dahil hindi nila ako nagawang hulihin o parusahan man lang sa nagawa ko", kitang kita niya ang saya sa itsura nito dahil sa paghihiganting ginawa.

The Untold Story Of Vladimir's Grandsons (Republished)Where stories live. Discover now