⚫07 : King Blackbourne⚫

2K 97 24
                                    

⚫⚫⚫

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

⚫⚫⚫

Aynsley's POV

It's past 11 in the evening when I got a call from Storm telling me to go meet them at the said location. I have this feeling na meron na namang hindi magandang nangyari sa isa sa kanila o sa kanilang lahat. Madali para sa kanila ang ipaalam ang lahat sa'kin dahil ako lang ang kaisa isa nilang kaibigan na nakakaalam sa totoo nilang katauhan.

A human friend to be exact.

Nakakuyom ang mga palad ko sa loob ng hoodie na suot ko habang salitan sa paglakad at takbong tinatahak ang madilim at walang katao-taong kalsada kasabay ng kabang nararamdaman ko.

Hindi ko maiwasan dahil hindi ito ang unang beses na makaramdam ako ng ganitong kaba

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Hindi ko maiwasan dahil hindi ito ang unang beses na makaramdam ako ng ganitong kaba.

Napatigil ako sa pagtakbo at napatili dahil sa ingay na narinig ko. Kinakabahan akong umatras para tingnan ang nalamapasan kong madilim na iskinita.

"Tarantado ka, King!" Sigaw ni Cloud.

Kitang kita ko kung paano niya binuhat sa leeg si King na parang isang napakagaan na bagay. Diniin niya ang katawan nito sa pader dahilan para magbitak bitak iyon dahil sa lakas ng pwersa.

Nanlumo ako nang makita ko si Stark at Storm na buhat buhat ang tatlong malamig na bangkay ng mg inosenteng tao. Nanginig ang buong katawan ko dahil doon. Ito ang unang beses na makikita kong may pinatay si King. Ano pa kayang magiging reaksyon ko kung nakita ko mismo kung paano niya inubos lahat ng dugo sa katawan nila?

He isn't King at this moment.

"Be careful." tango lang ang naisagot ko nang tapikin ako ni Stark sa balikat bago ako naglakad palapit kung nasaan si Cloud at King.

"Nasa likod mo lang kami. We won't let him hurt you no matter what." rinig kong banggit ni Storm sa likuran.

Hindi ko sila pinansin dahil mas nakatuon ang atensyon ko sa dilim kung saan alam kong eksakto kung nasaan si King. Hindi ko na mabilang kung ilang beses akong lumunok habang papalapit ako ng papalapit sa kanya. Kasabay ng paglapit ko ang unti unting pagliwanag ng itsura niya sa harap ng dalawa kong mata.

The Untold Story Of Vladimir's Grandsons (Republished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon