⚫13 : It Has Started⚫

1.6K 74 6
                                    

King's POV


"What are you doing here? Pinagtitinginan ka ng mga classmates at ibang students!" mahinang saway ni Aynsley. Nakasunod lang siya sa'kin maglakad sa hallway.

She was in a run nang makita niya akong papasok ng main entrance. Nasa kotse palang ako ay parang gustong gusto na niya akong hilahin.

"I'm bored and I thought about studying again so I came here to enroll" itinaas ko ang envelope na hawak ko nang hindi siya tinitingnan.

I hissed. Naiirita ako, naiingayan ako sa mga bulungan na naririnig ko sa buong lugar.

"King.." tawag niya sa nagbabantang tono.

Huminto ako at hinarap siya dahil alam ko namang hindi siya titigil hanggang makuha niya ang sagot na gusto niya.

"I'm serious. Gusto ko ulit mag aral at dito ko gusto whether you like it or not. You're still free kahit nandito 'ko. Hindi kita pagbabawalan sa mga gusto mong gawin unless kung ikakapahamak mo. Now stop asking like a five year old kid, you little human" akmang tatapikin ko ang buhok niya pero marahas niyang tinabig ang kamay ko na ikinataka ko.

"What?" kunot noong tanong ko.

"I'm not little anymore" she look so pissed.

"What's the big deal? 'Yon naman talaga ang tawag ko sa'yo, even the three guys. We stopped calling you little when you turn eighteen and that's just 1 year ago"

We always make fun of her noong medyo bata bata pa siya. We were playmates, bestfriends and family for years. Sanay na kami sa mga biro at asar ng isa't isa. I feel like I am raising my own child noong dumating si Aynsley sa buhay namin pero hindi na ngayon dahil malaki na siya. Hindi na namin hawak ang bawat desisyon niya sa buhay.

She wasn't really mine at the first place. Noong una ay ayaw pa ni Stark at Cloud na ampunin namin siya dahil naiiba siya sa'min, hindi namin siya kauri at baka mas lalo lang malagay sa panganib ang buhay ni Ansley kung kasama niya kaming lalaki pero habang tumatagal mas sila pa 'yung napapalapit sa kanya. I am always out to look for someone na hindi ko mahanap hanap kaya hindi ko na siya matutukan. Unti unti ko nalang narealize na hindi na siya 'yung maliit at iyakin na batang iniligtas ko noon. She is lady now and it sadden me a little knowing na lumilipas ang taon, tumatanda siya. Dadating 'yung araw na mawawala siya habang ako, kami walang nagbago, ga'nun pa rin, hindi namamatay pero kahit ganoon hindi namin siya pinabayaan. We gave all the support she needed up until now. We will never get tired of her because she never get tired of us. Just come to think of it, we're vampires, she's a human. We're four and she's only one. The thought of how she managed to handle us on our worst condition. Maraming beses nang nalagay sa panganib ang buhay niya dahil sa'min.

"For once King, try to call me by my name" she's way too pissed for a small matter.

"Alright, Rinker. Wag masyadong mainit ang ulo. Pumapangit ka" napangisi ako nang umirap siya.

Hinablot niya ang envelope na hawak ko, "Follow me" utos niya.

Nagkibit balikat nalang ako at sumunod. Habang naglalakad kami ay hindi ko maiwasan na hindi obserbahan ang lugar. Maayos at malaki ang University na napili niya.

"By the way, nice school. Hindi sayang ang pera ko kung ganito naman pala ang pinapasukan mo" komento ko. She stopped and glanced at me like she's so ready to kill me.

"Shut up and just walk vampire" mahina pero sapat para marinig ko.

Hindi na ako nagsalita until we enter a room that surely is the admission's office.

Binigay niya ang papel ko doon sa babae sa loob. I stayed silent at hinayaan na siya ang makipag usap. I am really not here for plain studying. I'm here to know what is really going on between her and Leandro. I know it's hard to believe but I need to dahil si Storm na mismo ang nakita. I feel betrayed, of course, we're talking about Aynsley and Leandro here. Halos tibagin ko ang pader ng kwarto ko kakasuntok noong isang araw. I was mad and still mad.

The Untold Story Of Vladimir's Grandsons (Republished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon