⚫02 : Stark Salvathoure⚫

3.4K 111 27
                                    


Julienne's POV

"What happened to you? Gosh! You look like a zombie." Bungad ng kaibigan kong si Reign.

Hindi ko nalang pinansin ang ilan na nakatingin sa'kin. Sumalampak ako sa upuan ko at tumungo.

Hindi ako pinatulog nung nangyari noong nakaraan and the guy.

That guy, argh!

Para naman akong nabuhusan ng malamig na tubig nang maalala ko ang sinabi niya. Nagulat pa si Reign na ngayon ay nasa harap ko na.

"I know you since birth, Julienne. I know everything about you"

"I know you since birth, Julienne. I know everything about you"

"I know you since birth, Julienne. I know everything about you"

Paulit-ulit na sinasabi ng utak 'yan. Bigla akong na-concious sa itsura ko kaya nag ayos ako ng buhok pero ang mukha kong mukhang pinagsakluban pa ng kahapon ay di ko na magagawa pang ayusin.

Napuyat talaga 'ko!

Hindi ko na lamang pinansin ang ilan kong mga kaklase na pilit akong dinadaldal habang sikreto akong tumitingin sa bintana at pinto dahil baka binabantayan niya ako o kaya may sumusunod na naman sa'kin.

Buong klase akong bangag at wala sa sarili. Laking pasalamat ko nalang nang three subjects lang ang meron kami ngayong araw.

"Sigurado ka bang ayaw mong sumama sa'min mag-party?", nakataas ang kilay na tanong ng isa pa naming kaibigan.

Nandito kami ngayon sa gate at nakaharang ang dalawang sasakyan na pagmamay ari ng mga kaibigan mo. Tulad dati, kapag maaga ang uwian nagpaplano kami ng pupuntahan pero wala ako sa mood ngayon.

Natatakot na rin naman kasi talaga akong umuwi ng gabi.

"Pass ako guys. Kaya niyo na 'yan ng wala ako. Alam niyo namang hindi ako iinom kahit yayain niyo pa 'ko", ngumiwi ako ng sumimangot sila.

Totoo naman, sumasama lang ako sa kanila magsaya pero kapag may kasama ng inuman ay hindi talaga ako nakikisali. Para sa'kin kasi, ang pangit pa rin tingnan kapag babae umiinom.

Nagpaalam na ako sa kanilang uuwi. Pahakbang na ako nang mapatigil ako dahil sa nakita kong pamilyar na pigura ng lalake di kalayuan sa pwesto ko pero bigla nalang siyang naglaho na parang bula pagkurap ng mga mata ko.

Ipinilig ko ang ulo ko at nagtuloy-tuloy nalang sa paglalakad.

Nababaliw na ba 'ko?

Kung ano-ano na namang nakikita ko. Hindi na talaga yata ako normal. Kailangan ko na bang pumunta ng psychiatrist?

Oh sh*t! Babawasan ko na ang panunuod supernatural movies.

Hindi na ako nagpasundo sa driver ko dahil sanay naman akong mag-isang maglakad. Kahit kailan siguro ay hindi ako naihatid ng parents ko sa school kahit noong bata pa 'ko. Lagi nalang driver at yaya ko ang kasama ko. Purgang purga na ako sa pag-aalaga ng iba at gusto ko namang maramdaman yung galing sa kanila.

Konti lang ang naglalakad sa sa sidewalk at medyo padilim na rin.

Kapag napapadaan ako, kapag wala akong magawa binibilang ko nalang kung nakakailang hakbang na ba ako.

"So, ilan?"

Halos mapatalon ako sa gulat nang biglang may nagsalita sa tabi ko.

Literal akong napanganga ng lingunin ko kung sino.

Damn that face!

"Ha? A-anong ilan?" calm down, Julienne.

"Nakakailang steps kana ngayong araw na 'to?", he asked na para bang bored na bored sa buhay niya.

The Untold Story Of Vladimir's Grandsons (Republished)Where stories live. Discover now