⚫ 14 : Nightmares And Mysterious letter⚫

1.6K 77 32
                                    

A/N: Nakadraft sakin. Pub ko lang siya ulit, thanks!

Julienne's POV

I was running and already out of breath. I pass through the woods habang hila hila ang bestidang pantulog na suot ko. Madilim at bilog ang buwan sa kalangitan at tanging ang kakarampot na liwanag lang noon ang nagsisilbing ilaw ko sa nakakatakot na lugar na 'to. Halo halong boses at kakaibang tunog ang umaalingawngaw sa paligid pero kahit saan ako lumingon ay wala akong makita kundi ang nagtataasang puno.

"Run Julienne, run for you life" muli na namang bulong nang di pamilyar na boses na um-echo sa buong paligid.

Tumakbo ako ng tumakbo kung saan ako dalhin ng mga paa ko. Tawa ng babaeng nakakatakot ang boses ang sunod kong narinig. Hindi ko magawang umiyak o sumigaw man lang dahil pakiramdam ko ay nawalan ako ng boses dahil sa takot na nararamdaman ko. Hindi ko ininda ang mga sugat sa aking paa at tuloy pa rin sa pagtakbo hanggang sa makarating ako sa pinakadulo ng bangin, sa tuktok. Marahas akong napatigil at muntikan nang bumulusok pababa kung hindi ko pa nakita ang hangganan nito.

"Jump Julienne. Jump now"

I was shaking. Marahas akong umiling ng paulit ulit. Paatras ako ng paatras dahil papalapit ng papalapit sa'kin ang boses na kanina ko pa naririnig.

"Sino ka? Show me yourself, you coward!" Sigaw ko.

Pero kabaligtaran noon ang nararamdaman ko dahil takot na takot ako ngayon.

"Jump. Kill yourself. Jump now"

Habang tumatagal ay papalakas ng papalakas ang boses. Napatakip ako sa aking tenga at di ko namamamalayan na sa kakaatras ko ay mangyayari ang gusto niyang mangyari.

The Untold Story Of Vladimir's Grandsons (Republished)Where stories live. Discover now