⚫06 : Brothers ⚫

2K 73 5
                                    


Storm's POV

Nakailang katok muna ako bago niya buksan ang pinto. Bagsak ang balikat at basa ang pisngi niya nang bumungad sa'kin. Wala akong choice kundi ang ipaliwanag sa kanya ang lahat. Buhay niya ang nakasalalay dito at karapatan niyang malaman kung bakit siya nandito at ano siya.

"I could hear you crying all night long. Shanayah, I'm sorry for what happened before. This is the best way to keep you girls safe."

Nakayuko siyang umupo sa gilid nang kama. Hindi ako sumubok na tawirin ang distansya naming dalawa dahil hindi naman siya ga'nun ka-komportable sa presenya ko.

"Please Storm, tell me the real deal here. Para ng sasabog ang utak kakaisip sa kung anong meron 'nung nakaraan. Hindi ko kayo kilala, lahat ng nandito hindi pati ikaw. Kaya please tell me." garalgal ang boses na sabi niya.

I froze when our eyes met. Wala sa sariling napahawak ako sa dibdib ko na para bang nararamdaman ko 'yung takot at pangamba sa nagtutubig niyang mga mata.

How can I feel something so impossible?

"Please?", she plead in a mere whisper nang hindi ako umimik.

Napabuntong hininga nalang ako at walang pagdadalawang isip na lumapit sa kanya. Lumuhod ako sa harapan niya at hinawakan ang nanginginig niyang mga kamay. Nakita ko ang pagkagulat sa mukha niyang sa ginawa ko.

" You know me, of course. Base on what you heard about me inside the campus. This simple gesture maybe a bit surprising but I am not that bad to just let a girl cry. I saved you. We saved you and Julienne not because of that damn prophecy. We're doing this because we want to. Hindi na namin gusto pang maulit ulit ang nakaraan. We want all of you to live like what we are trying for years. Gusto naming bumalik sa normal. We want to make sure na wala nang matitira pang kagaya namin ang maninirahan sa mundo niyo kapag nawala na kami."

That's it.

Nasabi ko na kung anong dapat kong sabihin. This is not just about them, it's all about us. Para mangyari ang gusto namin kailangan namin silang unahin na protektahan bago ang lahat.

King, Cloud, Stark and I planned to leave this world peacefully. 'Yung lahat maayos, walang gulo at walang masasamang kagaya namin ang sasamantala sa kahinaan ng mga tao.

"I... I really don't know what you're talking about."

Akmang babawiin niya ang kamay niya pero mabilis kong kinuha ulit 'yun.

Tipid akong ngumiti, "We are vampires, Shanayah. Believe it or not we are real. So real."

Sa gulat ay naitulak niya 'ko. Nawalan ako nang balanse kaya tuluyan akong napaupo sa carpeted floor. Gulat at takot ang nakikita ko sa mga mata niya.

Hindi naman na bago sa'kin ang ganoong reaksyon dahil talagang nakakagulat. Walang mag iisip na kahit na sino sa panahon ngayon na mayroong mga katulad namin.

Dahil sa kagustuhan naming mamuhay nang normal wala kaming pinagsabihan. We lived for more than a hundred years. We witnessed different wars. We experienced the bitter taste of life to gain this kind of normal one.

Tumayo ako at akmang lalapit sana sa kanya.

"No! Don't! Wag kang... just don't." Naguguluhan na sabi niya.

Sinunod ko kung anong gusto niya. Umatras ako hanggang sa maramdaman ko ang pinto. Doon ako sumandal para mas malayo sa kanya.

"Bakit? Anong--- Wala akong maintindihan..."

Umayos ako sa pagkakatayo bago muling magsalita.

"Promise, I will to tell you everything kapag nahanap na namin ang dalawa pa sa inyo. All you have to do is trust me."

Hawak hawak niya ang kanyang ulo habang patuloy pa rin sa pag iyak.

"Alam kong naguguluhan ka pa sa ngayon pero may sagot sa lahat ng mga tanong niyo. And last, you won't be able to continue your study until the end of chase. Hindi mo gugustuhing mamatay ng maaga kaya kung ako sa'yo makinig ka nalang lahat sa sasabihin ko. Julienne is just one door away. You can spend time with her dahil mas nauna siyang tumira dito kaysa sayo. Don't worry she's a human. She's just like you. Stark brought her here for the same reason. "

Hindi ko na hinintay pang sumagot siya. Lumabas na ako nang kwarto niya agad. Gustuhin ko man na ibalik siya sa dati niyang buhay ay hindi na pwede. Hindi pwede dahil hindi ko alam kung anong pwedeng mangyari sa kanya once she took a step out of this house at hindi ko rin alam kung anong pwedeng mangyari sa'kin dahil hindi ko pa naman alam kung ano talagang connection ko sa kanya. Hindi pa ako sigurado kung dahil lang ba 'to sa misyon na para sa'kin o may ibang kahulugan pa.

Naabutan kong naglalakad pababa ng staircase si Julienne na unti unti nang nakakarecover sa mga nangyayari.

"Where are you going Miss?" tanong ko.

Tipid siyang ngumiti, "I just want to take a walk."

Natawa ako sa sinagot niya, "Where? Inside the house? Stark is still on the guard mode kaya imposible 'yang 'take a walk' na sinasabi mo"

Umikot ang mga mata niya na halatang naiinis, "I know and it's annoying. Dito lang ako sa loob ng malapalasyo niyong bahay maglalakad."

Lalo akong natawa, "Oh well, feel at home princess."

Napailing nalang siya sa sinabi ko at nilagpasan na 'ko.

Hindi ko masisi si Stark sa paghihigpit niya ngayon kay Julienne dahil sa nangyari na muntik nang ikamatay ng babae. Siya ang bunso sa aming apat pero siya pa pinakastrict at may pagkaseryoso sa mga bagay unlike Cloud na panganay.

Natigilan ako sa pag iisip nang makaramdam ako nang presensya. Agad na dumako ang paningin ko sa dalawang naglalakihang pinto at doon ko nakita ang papalabas na si Cloud na nagmamadali base sa paglalakad niya.

"Something's wrong?" tanong ko nang nasa tabi na niya agad ako at sinasabayan siyang maglakad.

"Kanina pa cannot be reached ang phone ni King. Hindi niya ugali ang umalis nang hindi sinasabi kung saan pupunta kahit pa tungkol sa paghahanap niya." sagot niya nang hindi ako nililingon.

"And you're worried dahil alam mong sa kondisyon niya ngayon pwede siyang makasakit ng inosenteng tao."

Hindi na siya sumagot.

King has the softest personality among us but not when he is mad as hell. Siya 'yung tipong sasaktan kung sinong mahagip ng mata niya para lang mailabas ang galit sa loob niya. Hindi niya kaya kontrolin ang sarili niya sa mga pagkakataon na nangyayari 'yun dahil na rin sa paraan ng pagpapalaki sa kanya ng Mama niya. Noong namatay nalang ito naging mas malala siya. Noon kasi ay ang Mama niya lang ang nakakapagpakalma sa kanila kapag nag aaway kaming apat.

Alam na alam namin kung anong kaya niyang gawin.

In short, he is dangerously dangerous vampire when he is in rage.

"Why do I feel like I am being left out again? We are brothers but why do I also feel like I am some kind of adopted son." Stark butts in from nowhere.

Naglalakad na rin siya kasabay namin.

"Hindi ko pa malalaman na may gulo na namang pinasok si King kung hindi ko pa narinig si Storm."

Cloud hissed, "Cut the drama. How about the girls inside?"

"They're safe as long as na makakabalik tayo agad. Hindi sila basta basta makakapasok. I'll kill them before they do that." Stark said in gritted teeth.

Maya maya pa ay biglang bumagal ang lakad naming tatlo. Nagkatitigan kami na pare parehas din nakakunot ang mga noo.

"F*ck it, King!" halos magpapadyak si Cloud sa inis.

"Let's go bago pa mas lumala." I silently lead to where we are going. Hindi na rin nagsalita si Stark at Cloud dahil iisa lang naman ang narinig at nakita namin sa mga isip namin.

A stranger screaming in pain begging for life but King still did it.

The Untold Story Of Vladimir's Grandsons (Republished)Where stories live. Discover now