⚫22 : Like A Death Wish⚫

1.4K 70 14
                                    

⚫⚫⚫

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

⚫⚫⚫

Storm's POV

Palapit palang ako sa dulo ng malawak na hallway nang makaramadam ako ng sakit sa likuran ko na para bang nadudurog ang bawat buto na meron ako. I feel like I was hit by something hard na hindi ko nakikita and the next thing kamay ko naman ang sumakit. 'Yung sakit na para akong nabalian.

Then I heard Shanayah's scream kaya walang pagdadalawang isip na tinakbo ko ang direksyon kung saan ko narinig ang boses niya.

Nanggagalaiti ako sa eksenang naabutan ko.

"Samontina!" I hollered.

Hindi ako pwedeng magkamali sa pagkakakilala sa babaeng nakatalikod. The smell of her lingers around the place. Ang bagsak at natural na kulay berde niyang buhok na minsan kong hinangaan dahil sa kakaibang kulay nito.

Unti unti siyang lumingon nang nakangisi at sa pagharap niyang 'yon ay unti unti ko rin nakita ang babaeng hinahanap ko. Hindi ko siya pinansin dahil ang mga mata ko ay nakatuon sa harapan.

Nakapulupot sa buong katawan niya ang itim na usok na nagsisilbing lubid na nakadikit sa pader. May sugat ang gilid ng labi niya na bahagyang nagdudugo. May pasa rin ang pisngi niya pati na rin ang mga braso niya na parang nilatigo ng ilang beses.

Lalong tumindi ang galit na nararamdaman ko nang makita ko ang kabuuan niya. Hindi ko lubos maisip kung gaano kasakit ang ginawa sa kanya. She look so helpless.

"You have such a wonderful friend over here, Draegan. I never thought you'd replace me for someone like her" she's grinning.

"You are my friend. Tigilan mo 'to dahil ayaw kitang saktan" kinalma ko ang sarili ko kung 'yun ang kailangan para wala ng masaktan pa sa kanilang dalawa but what she did to her is way too much.

Nagbago ang ekspresyon ng mukha niya. Naging seryoso ang kaninang mapaglaro niyang titig.

"Friend? I gave you half of my life, lahat ng meron ako binahagi ko sa'yo pagkatapos ay tatawagin mo lang akong kaibigan?" Kitang kita ang pinaghalong galit at puot sa kanyang malakulay dahon sa berde na mga mata.

The emerald eyes that I used to adore.

"That is from the past now. Sa sobrang tagal ay hindi ko na maalala. You chose a different path and so I did" my jaw hardened as the memories flashes back.

"Storm!"

My lips automatically formed into a smile when I heard a familiar voice of a girl behind. Eksaktong pagharap ko ay ang pagsalubong niya ng mahigpit na yakap na ginawa ko din.

"Why is my girl look so happy?" I asked still smiling.

Nilayo niya ang kanyang mukha upang makaharap sa'kin ng tuluyan nang hindi inaalis ang pagkakayakap sa'kin.

The Untold Story Of Vladimir's Grandsons (Republished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon