⚫12 : Mysterious. Dangerous⚫

1.8K 81 24
                                    


Shanayah's POV

Habang tumatagal ang pananatili ko sa lugar na 'to ay unti unti ko nang natatanggap ang kapalaran ko. Siguro ito na 'yung sinasabi ng mga magulang ko sa'kin na iba ako sa lahat, na espesyal ako. Noon ay tuwa ang nararamdaman ko kapag sinasabi nila 'yon sa'kin pero ngayon ay hindi ko na alam kung dapat pa akong matuwa.

Habang lumalaki kasi ako ay may kakaiba akong nararamdaman sa sa sarili ko mismo. Napansin ko rin noon na madaking maghilom abg mga sugat ko sa tuwing nadadapa ako. Minsan pakiramdam ko parang ang lakas ko, minsan parang ang hina ko.

Siguro kung hindi ko nalaman ang tunay na pagkatao ni Storm malamang ay hindi magkakaroon ng ibang kahulugan lahat ng napapansin ko sa sarili ko.

Sa kabilang banda, kahit malayo ako sa malapit sa buhay ko ay nag eenjoy naman ako dito dahil mas nakikilala ko siya, 'yun nga lang ay mailap talaga ang lalakeng 'yon kapag personal na buhay niya na ang pinag uusapan namin.

"If looks could melt. Storm might be gone by now"

Napaiwas agad ako nang tingin at napayuko. Kita ko ang pares ng sapatos na tumabi sa'kin. Sa tono palang ng boses ay alam mo nang si Stark dahil wala man lang ka-amor amor.

"Anong ginagawa mo dito sa garden?" tanong niya nang hindi ako umimik.

"Na-nagpapahangin lang" lihim kong pinagalitan ang sarili ko sa pagka-utal.

"You're tensed" puna niya.

Tensed talaga ako!

Sa kanila yatang apat ay siya ang pinaka-ayokong makausap hangga't maaari dahil nakikita at naririnig ko kung paano niya kausapin si Julienne. Nagtataka ako kung paano siya natatagalan ng babaeng 'yun. Oo lahat sila may nakakatakot na side ng ugali pero ito kasing si Stark ay parang lagi nalang sa kanya bawal ang tumawa o makipagbiruan. Si Cloud kasi ay masungit at laging akala mo badtrip pero atleast sumasagot ang isang 'yon unlike him. Si King naman kasi ay tahimik lang pero hindi suplado, oh sige minsan lang, kakausapin ka niya ng maayos kapag magkausap kayo pero sabi kasi sa'kin ni Aynsley ay nakakatakot ang isang 'yon kapag nagagalit. Ga'nun naman lagi d'ba? Kung sinomg tahimik, siya 'yung mas nakakatakot kapag galit. Si Storm naman din ay tahimik na misteryoso ang dating kaya ang hirap niyang basahin.

"Anong ginagawa mo dito?"

Napataas ang kilay ko sa tanong niya. Nilingon ko siya. Napabuntong hininga nalang ako nang makita ang side profile niya.

Bakit ang unfair? Lahat sila gwapo talaga!

"Paulit ulit? Sabi ko, nagpapahangin lang ako"

Marahan siyang tumango, "Nagpapahangin pero sa arawan ka nakatapat"

Doon ko lang narealize na natatamaan nga ako ng sinag ng araw. Mahina kong tinampal ang ulo ko dahil doon.

"Kamusta na pala si ano uhm, yung reyna hehe" pag iiba ko ng topic.

Medyo ang awkward sabihin nung 'reyna' dahil sa panahon ngayon malabo talagang magkaroon pa ng klaseng mga tao. Baka nga isipin pa ng ibang makarinig sa'kin ay may saltik ako.

"She's fine"

Okay.

Hirap talaga minsan kausap nitong si Stark. 'Yung sinusubukan mo palang magsimula ng topic pero sa mga sagot niya end of convo na.

"He already know why you're here so stop hiding your thoughts"

Napatingin ako sa kanya. May kung ano siyang tinitingnan sa taas kaya sinundan ko ang direksyon 'nun. Di ko maiwqsang mapaawang ang labi nang makita ko si Storm sa balcony ng kanyang kwarto na bahagyang natatakpan ang kalahating bahagi ng mukha dahil sa canvas. Abala siya sa pagpipinta ng kung ano kaya naman napakaseryoso ng mukha niya.

The Untold Story Of Vladimir's Grandsons (Republished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon