⚫27 : The Moment I Lose You⚫

1.5K 70 50
                                    

Play the song on the multimedia while reading.

Play the song on the multimedia while reading

¡Ay! Esta imagen no sigue nuestras pautas de contenido. Para continuar la publicación, intente quitarla o subir otra.

⚫⚫⚫


Aynsley's POV

Paulit ulit kong binalikan ang simula nang binabasa ko pero wala pa rin pumapasok sa utak kahit isa man lang sa laman ng librong nasa harap ko ngayon. Napabuntong hininga nalang ako, inipit ko sa pagitan ng ilong at bibig ang ballpen na hawak ko. Nakapangalumbaba at bahagya akong nakanguso.

Sinabunutan ko ang sarili ko dahil sa frustration.

"It's been 2 hours since I left you here pero 'yang libro na 'yan pa rin ang binabasa mo"

Nalipat ang tingin ko sa pintuan ng aking kwarto at doon prenteng nakatayo si King habang ang isang kamay ay nasa loob ng bulsa ng pantalon niya.

Napairap ako at padabog na sinara ang librong kanina ko pa binabasa, "Mas mahirap pa ang mga pinapagawa mo sa'kin kaysa sa mga activities na binibigay ng professor ko", reklamo ko.

Hinayaan ko siyang lumapit hanggang sa makaupo siya sa tabi ko.

"But still, you have to study para hindi ka mahuli sa lessons mo pagbalik natin. Hindi ako papayag na hindi ka makagraduate"

Pinagmasdan ko lang ang bawat kilos na sunod niyang ginawa. Kinuha niya ang libro sa'kin at binuklat iyon. Kinuha niya ang salamin na nakasabit sa leeg ng tshirt niya. Hindi ko maiwasan na hindi tingnan ang perpektong tangos ng ilong niya habang sinusuot niya iyon. Wala sa sariling napahawak ko sa ilong ko.

He look so calm, sophisticated, gentleman. He is too good for everyone, for me.

Hindi man ganoon ka-vocal sa nararamdaman niya, ayos lang dahil kilos lang niya bawing bawi na siya sa pagpaparamdam na hindi ako isang ordinaryong babae sa buhay niya kundi isang espesyal na kaibigan.

Kaibigan? Really Ayns? Payag ka 'non?

"Stop staring like you haven't known me for years already" he said and close the book he was holding.

He look at me as if he i s waiting to something for me to say.

Nag iwas ako ng tingin. Kinuha ko nalang ang iba pang libro at hinarang 'yon sa mukha ko para hindi niya ako matingnan.

"What's wrong?" Tanong niya sa marahan na boses na ikinatayo ng balahibo ko.

Hindi ko alam kung anong epekto 'yun pero hindi ko ipagkakaila na naramdaman ko 'yun.

"Nagbabasa ako. Wag kang magulo" pagsusungit ko.

Mas lalo akong nainis nang kuhanin niya bigla ang libro at sumalubong sa'kin ang nakangisi niyang mukha.

"You're reading it wrong", ibinaliktad niya iyon at tsaka binalik sa'kin. "See? Baliktad"

I really wanted to wipe off the smirk on his face. I hate him when he acts like he knew what's on my mind.

Inis akong tumayo nang upuan at tumalikod na para maglakad pero nakalimutan kong bampira ang kasama ko kaya hindi na ako nagtaka kung nakatayo na siya ngayon sa harapan ko.

"Tell me what's wrong" wala na ang mapaglarong tingin sa mga mata niya. "I don't want to fully enter your mind because of your privacy so don't forcw me to do it right now, Rinker", napalitan iyon ng malamig at seryosong tingin.

Ito 'yun d'ba? Ito 'yung gusto kong mangyari noon pa, 'yung malaman niya lahat kung anong nasa isip ko at nararamdaman ko. Natatakot lang akl na baka hanggang dito lang ang maging ending naming dalawa, na layuan niya 'ko, na magbago ang pakikitungo niya sa'kin, na baka maging hindi na siya 'yung King na kinalakihan ko.

Na baka iwan niya 'ko kapag nalaman niyang hindi na ako kagaya 'nung batang nakita niya noon.

Taas noo kong sinalubomg ang tingin niya, "Then do it"

Nagtagis ang panga niya na para bang nag iisip kung gagawin niya ba o hindi ang simabi ko.

In the end, siya na ang kusang nag iwas ng tingin, "I won't do that to you. Kung ayaw mong sabihin then I'll leave unbothered"

Tumalikod na siya at nagsimulang maglakad palabas ng pinto.

Naikuyom ko ang mga palad ko dahil sa inakto niya. Nahagilap ng mata ko ang mga libro at flower vase sa lamesa. Napapikit ako nang mariin sa naisip ko.

Tinabig ko ang lahat ng nasa lamesa pati ang mga babasagin doon. Gulat na napatingin sa'kin si King.

"Ano bang nangyayari sa'yo?"

Napapikit ako nang may humablot sa'kin. Napangiwi nalang ako sa sakit nang maramdaman ko nalang sarili ko na nakasandal sa pader. Hawak hawak ni King ang magkabilang braso ko.

Matalim ang bawat tingin na ibinibigay niya sa'kin nang tingnan ko siya.

"Gusto ko lang makuha ang atensyon mo kaya ko ginawa 'yun" di ko na naitago ang pagpiyok ng boses ko.

Napapikit siya, sa bawat paglipas ng segundo ay lalong humihigpit ang hawak niya sa balikat ko. Hindi na 'ko magtataka kung magpasa 'yon mamaya.

He hissed, "What a child"

Binitawan niya na ako. Nakapameywang siya ngayon sa harapan ko at nakatingin ang mga mata sa sahig na para bang nag iisip ng sasabihin.

"Ganyan naman lagi hindi ba? Lagi nalang childish sa'yo lahat ng gagawin ko. King hindi na 'ko bata! Malaki na 'ko! Kailan mo ba maiisip na hindi na ako 'yung batang pinalaki mo?! Hindi na ako limang taong gulang para tratuhin mo ng ganito! Alam ko kung anong ginagawa ko so stop telling me what to do. Buhay ko 'to! Kaya ko na! Kaya ko!" hindi ko na napigilan ang sarili kong sumigaw at ilabas ang sama ng loob ko sa kanya.

He snap, "Fine! From now on hindi na kita papakielaman. Labas na ako sa buhay mo."

He was about to turn when I grab his hand and put it on top of my head. Nagulat siya sa biglang ginawa ko pero huli na ang lahat nang umilaw ang mga mata niya at kasunod noon ang pakiramdam na para akong lumulutang sa ere.

Hindi ko inaalis ang tingin ko sa kanya. Halo halong emosyon ang naramdaman ko nang mga sandaling 'yon. Saya, lungkot, sakit, pangungulila at takot. Pakiramdam ko punong puno ang isip ko ng maraming bagay.

Minuto ang nakalipas, unti unting nawala ang pagliwanag ng mga mata niya and the next thing happen, a teardrop escape his eyes, nasundan ng pa ng isa pa hanggang sa tuluyan ng may umagos na luha sa pisngi niya.

This is my first time to see him shed a tear.

He just let his guard down and silently cry without breaking our contact. He then slowly remove his hand on me. He closed the distance between us and gather me to his embrace.

"I'm sorry..." he said in a mere whisper.

Unti unti siyang humiwalay sa'kin.

Ang huli niyang sinabi ang nagpalambot sa tuhod ko at nagpawala ng pag asang meron ako.

"...we can't."

Akala ko nagsorry siya dahil hindi niya agad nalaman, akala ko nagsorry siya dahil may pakielam siya sa mararamdaman ko. Akala ko nagsorry siya dahil sasabihin niyang nahuli siya bago niya malaman pero hindi.

Nagsorry pala siya dahil iiwan niya lang ako.

Gaya ng pang iiwan na ginawa sa'kin ng parents ko.

And now I'm alone again.

I never knew that the pain I felt 14 years ago will hit me twice.

I feel so miserable.

What did I do to suffer like this?

Anong ginawa ko para talikuran ako ng mga taong mahal ko?

And that was when King became my first heartbreak.

__

Litsi yung MV ng IDOL shet bangtan how der u?!?!!?!!!

The Untold Story Of Vladimir's Grandsons (Republished)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora