⚫25 : In The Middle Of The Snowy Road⚫

1.6K 75 42
                                    

⚫⚫⚫

Oops! Această imagine nu respectă Ghidul de Conținut. Pentru a continua publicarea, te rugăm să înlături imaginea sau să încarci o altă imagine.

⚫⚫⚫

Julienne's POV

Maliliit na patak ng niyebe ang bumungad sa'min galing sa isang portal. Agad kong niyapos ang sarili ko dahil sa di pamilyar na lamig. Kumpleto silang nag aabang sa daan na napuno din ng niyebe.

Ito ang Val Demor?

"Nakuha niyo na ba lahat ng kailangan niyo sa loob ng mansyon?" tanong ni Cloud habang inaadjust ang strap ng backpack ni Cleo sabay kuha noon sa babae at sabit sa kanyang likod.

"Kaya ko na" kontra ni Cleo.

"Ako na" sagot ni Cloud.

Sumagot si Storm na nakasandal ang likod sa isang puno, "Sila lang naman ang may mga kailangan na gamit, hindi tayo"

Bumalik kami sa mansyon na dati naming tinutuluyan para makuha lahat ng naiwan na gamit dahil base kay Stark, matatagalan kami sa lugar na pupuntahan namin at pwedeng doon na rin ang huling lugar na pwede naming mapuntahan.

It may sound scary but that's the real thing here. Hindi namin alam kung anong kapalaran ang naghihintay sa'min. Hindi namin alam kung hanggang kailan matatapos 'to o kung may katapusan pa ba.

"Kailangan natin dumating doon bago lumubog ang araw. Hindi ligtas na manatili tayo sa labas ng alanganing oras" si Cloud ang nagsisilbing lider sa kanilang apat dahil na rin siguro siya ang pinakamatanda sa magkakapatid at ganoon nila pinagkakatiwalaan ang mga salita niya kaya lahat naman sila ay sumusunod.

He will never put his brothers in danger even he have to risk his life.

"Kaya mo bang tumakbo?" nakatingin si Storm sa kung saan, "Mahina ka pa dahil sa biglaang paglabas ng Hyne mo, King. Hindi biro ang ginawa mo kanina and it really drains your energy. You have to rest atleast for a week" Sinundan ko ang direksyon ng mata niya at nakita ko si King na nakaupo sa malaking sanga habang nakayuko.

Hawak hawak niya sa dalawang kamay ang kanyang ulo at bahagyang sabunot ang buhok. Nilapitan siya ni Aynsley at lumuhod sa harap ng lalaki. Marahan niyang hinahaplos ang buhok ni King habang may kung anong binubulong.

"Pwede bang sumunod nalang kami? Hindi niya pa kaya" Tanong ni Ayns nang hindi inaalis ang tingin kay King.

Umiling si Storm, "Delikado. Hindi natin alam kung may mga nakatagong bantay sa bawat sulok ng lugar. They may recognize King but not you at mahihirapan siyang protektahan ka kung basta basta ka nalang nilang atakihin"

Ewan ko ba pero nakaramdam ako ng inggit sa pagiging malapit nila sa isa't isa. Nag iwas ako ng tingin at mas niyakap ko pa ang sarili ko dahil mas dumoble ang lamig na tumatama sa balat ko.

"Who told you not to wear coat.." lilingunin ko na sana ang nagsabi 'nun nang may naramadaman akong mainit na tela sa likuran ko.

"... and who told you to wear shorts?" inis na hinarap ko ang nagmamay ari ng boses.

The Untold Story Of Vladimir's Grandsons (Republished)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum