Epilogue

963 26 23
                                    


Aynsley's POV

Power, hatred and love.

Mga bagay na nagdala sa'min sa mga pangyayari sa buhay ng bawat isa sa'min na hindi namin ginusto.

May mga bagay na nagawa namin na mali pero kailangan. Mga bagay na alam naming hindi magtatagal. May mga taong kailangan mawala sa buhay natin kahit pilitin natin silang manatili sa tabi natin. May mga bagay na kailangan natin pakawalan dahil hindi pwedeng hawakan ng matagal.

Sa mga nangyari noon ay natuto na ako, kami na ingatan ang bawat oras na mayroon kaming magkakasama. Mga oras na na hiram ng aming buhay na akala namin ay magwawakas ngunit sa isang misteryong nabunyag, lahat ay nagbago. Ang buhay na may katapusan ay biglang naging isang tanong kung matatapos nga ba. Ang oras na dati ay halos habulin ng aming bawat paghinga ay ngayon oras na sa amin ay huminto na. Mga bagay na noon ay halos mangarag ang aming kalamnan para lamang maisakatuparan na ngayon ay kahit kailan na lamang namin pwedeng mabigyan ng buhay.

In short, ang lahat ng akala namin na may katapusan ay hindi na magwawakas.

Ito kami, ito na kami at wala nang magbabago sa kung ano kami. Hindi na namin maibabalik pa ang panahon na inakala namin na kami ay isang nilalang na normal pang naglilibot sa mundo.

Kami ay kakaiba.

Kakaiba na kailangan naming tanggapin at yakapin para masagot ang mga katanungan na gumugulo sa isipan ng lahat.

Mga bagay na noon ay walang kasagutan dahil ang tulad namin ay di nabibilang sa mundong inaapakan namin ngayon ngunit naging posible ang imposible noong kami ay matanggap ng mga tao.

Mga taong akala namin ay ituturing kaming halimaw na walang magandang gagawin sa sanlibutan.

Mga taong akala namin ay makitid ang utak para maintindihan na hindi lamang sila ay nilalang na karapat dapat sa mundong ibabaw.

Mga taong minsan nang sumira sa pagkatao namin, lalong lalo na sa akin.

Mahirap pagkatiwalaan ang isang katulad nila lalo na't may mapait kang nakaraan na hindi mo kailan man malilimutan.

Ilang taon na ang nakakalipas simula nang maging maayos ang lahat.

Pagtanggap ang naging sagot para sa kapayapaan ng dalawang mundong hindi sinasadyang pagtagpuin ng tadhana.

Normal ang naging buhay naming lahat. Hinayaan namin ang mga batang mamuhay ng hindi nila iniisip na naiiba sila sa mga nakakasalamuha nila. Pero hindi pa rin maiwasan na lumabas ang mga abilidad nilang hindi normal. Sinisiguro namin na hindi kami nagkukulang sa pagpapaalala at pagbabantay sa mga paslit na wala pang kamuang muang sa mundo.

Hindi tulad ng ibang bata na normal ang paglaki. Nahihirapan pa rin kami sa tuwing lalaki na lamang sila bigla.

We all decided to take them all in the same Academy na hindi masyadong exposed sa labas. Hindi maingay sa issue at walaasyadong ganap even though tanggap na kami sa lipunan. We still make sure na nasa mabuting lagay ang mga anak namin.

Cleo and Cloud decided to give up the throne for Cloud and Claudia. The second was a surprised for all of us. Cloud really meant to have a twin sister. Noong napunta kami sa future ay hindi namin siya nakita dahil ang sabi ni Storm na may kakayahan makita ang future ay naglalakbay daw itong mag isa noong panahon na nandoon kami. Hindi na lamang niya sinabi kay Cloud dahil gusto niya itong masorpresa and the subject didn't disappoint him. For the first time in history ay nakita namin kung papaano mataranta ang isang Cloud Amaranth nang malaman na kambal ang anak niya. Bantay sarado nga lang si Claudia dahil hindi ko siya masisisi. Sa murang edad nito ay hindi malabong pilahan ito ng mga lalake na itinataboy ng kakambal na si Cloud sa tuwing may nagtatangkang lumapit dito. Hindi naman iyon issue kay Claudia dahil nga daw "She hate boys." Oh, well.

The Untold Story Of Vladimir's Grandsons (Republished)Where stories live. Discover now