Chapter One

5.7K 108 2
                                    

Past...

-Cess-

Ako si Francesca Morales... "Cess" for short. Nakatira ako sa likod ng exclusive subdivision ng Sta. Ana which is Richesville. Sa pangalan pa lang ng subdivision, lahat ng nakatira dito may "riches" or yaman. Most of the politicians and who's who ang nakatira dito.

Ang tatay ko na si Francisco Morales or Mang Kiko, ay ang all around boy ng subdivision kasi siya naglilinis, minsan gardener, mechanic, tubero at kung ano-ano pa. Malakas mangtip ang mga nakatira doon kaya sapat na siya para sa aming pamilya. Matagal ng namayapa ang nanay ko kaya dalawa na lang kami ni tatay. Hindi ko maalala ang nanay ko kasi namatay siya noong baby pa lang ako sa pneumonia.

Well enough about that at baka maiyak na naman ako. Dahil nagtatrabaho si tatay sa Richesville, free access ako to all amenities. Lagi ako nakatambay doon sa playground at doon ko nakilala si Juan Carlos San Miguel at "JC" for short.

6 years old pa lang kami noon nung sinave niya ako sa mga mini mean girls ng subdivision at sila ay sina Stephanie at Michaela. Ewan ko ba kung bakit galit sila sa akin pero parang alam ko why. Hindi naman sa nagmamayabang pero maganda talaga ako at matalino pa. In short, inggit lang sina Steph at Mitch sa aking pagiging Diyosa.

"Eww look at that girl, Steph" bungad ni Mitch habang palapit siya sa playground.

"You don't belong here you poor girl" sabat naman ni Steph.

"Ang lapad kaya ng playground na ito." Sagot ko naman.

"I don't care at ayaw namin andito ka baka madumihan mo mga toys namin" galit na sabi ni Mitch.

"Wag kang mag-alala Mitch as I will throw this urchin out" sabi naman ni Steph at bigla akong tinulak sa swing.

Nadapa ako at parang naiiyak dahil nasugatan yung tuhod ko. Sisipain sana ako ni Mitch nang may sumigaw na batang lalaki na super cute.

"Hey you two! Stop being a bully!"

Hinatak ng mini knight in shining armor ko sina Mitch at Steph palayo sa akin. Lumapit siya at inoffer yung kamay niya sa akin.

"Hi I'm Juan Carlos San Miguel, you can call me JC for short." Tinulungan niya akong makatayo tapos hinarap yung mga mean girls.

"From now on, you will not hurt her or I'll throw all your dolls in the trash!" Akmang aagawin ni JC ung mga manika at biglang tumakbo sila palayo.

"Bleeeh! You will never get away with this! Isusumbong kita kay Kuya Joaquin ko!" Sigaw ni Mitch habang tumatakbo paalis ng playground.

"Ako pala si Francesca Morales, tawagin mo akong Cess. Thank you pala sa pagtanggol sa akin"

"Wala yun! From now on, we will be friends... Best of friends. Halika merienda tayo!" Sabi ni JC sabay hatak sa akin papunta sa Cafe ng Richesville.

From that day on, we became inseparable.

Kiss by kiss (Completed)Where stories live. Discover now