Chapter Forty Eight

1.9K 34 0
                                    

-Cess-

Joaquin is everywhere! Well of course he is kasi iisang ospital lang ang pinagtatrabuhan namin. Nasa medical-surgical ward ako naka-assign and unfortunately, andun din siya. Every morning my roses akong narereceive. One time may note pa siyang iniwan.

To Cess

White roses also mean remembrance. I hope your heart will remember our love when your brain refuses to do so.

Another day he sent purple roses sa station namin at pinagkaguluhan na naman ng staff namin ang note niya.

You make me tachycardic. My heart beats so fast when you're near.

Super kilig sila at aaminin ko, nakakataba ng puso ang ginagawa niya. Nakarating kay JC ang tungkol sa panliligaw ni Joaquin at lagi siyang nagagalit. He'a been acting so possesive and irritable lately.

Naglalakad ako papunta sa isang pasyente para magbigay ng gamot nang makita ko si Joaquin kinakausap ang pasyente ko.

"Ay iho ayan na pala ang magandang nurse ko. Alam mo bagay kayo."

"We are? I'm glad that you have seen that unlike someone I know." Pabiro niyang sagot.

"Iha, wag ka nang magpakipot at sagutin mo na si doc!" Sabi ng matandang pasyente. Ngumiti na lang ako ang nag-administer ng IV medications niya. Medyo nabilisan ko ng kaunti ang push kaya napasigaw ng aray si Lolo.

"Ay sorry po. Masakit po ba?" I asked sweetly and tumaas ang kilay ni Joaquin.

"Oo pero okay na." Sagot ni Lolo.

"Ah mabuti naman. Sige po magpahinga na po kayo." Sabi ko at lumabas na.

"You did that on purpose didn't you?"

"Well that teaches him the lesson. Ako pakipot? Excuse me! Engaged na ako."

"Didn't know you were such a mean girl, babe."

"Don't call me babe. I am not the weakling and naive girl you knew."

"Weakling maybe not but naive, yes. You obviously believed the lie that I left you."

"It wasn't a lie! JC said you left me! Iniwan mo ako, Joaquin."

"I didn't leave you when we're supposed to elope that day."

"Hindi totoo yan! Ayokong maniwala sa iyo!" Mangiyak-ngiyak na ako.

"You can deny all you want but I would never leave the woman I ever loved." He said and walked away.

Kailangan kong makausap si JC. Ilang araw na din kami hindi nag-uusap ng mabuti. Naguguluhan na ako.

-JC-

Since kasal na si Leo, hindi ko na siya mayaya para uminom sa bar. Napagpasyahan kong tawagan na lang si Nick at buti dumanting siya kahit late as usual.

"Pre, balita ko bumalik si Joaquin para kunin si Cess." Bungad sa akin ni Nick.

"Oo at kaya andito ako ngayon kasi badtrip ako." Sagot ko habang umiinom ng beer. Medyo may tama na ako ng dumating si Nick.

"Masama ba ang maging selfish sa pag-ibig? Alam mo naman gaano ko katagal inantay na maging sa akin si Cess di ba?"

"Oo. Kasalanan mo lang ay nagmahal ka ng todo."

"Yeah and why do I feel that I am not happy? Akin na si Cess eh. Kahit bukas pwede ko siyang pakasalan pero bakit hindi ko magawa?"

"Baka the feeling is gone pre. Or you just wanted her for yourself."

"Sh*t. Love guru ka na ba Nick?" Natatawa talaga ako kay Nick.

"Hindi naman sa ganun. Na-observe ko lang. Baka you need to re-evaluate your feelings for Cess. Yes you do love her pero anong klaseng love ba iyon?"

Napailing na lang ako sa sinasabi ni Nick nang biglang may nagsalita.

"We need to talk, JC." Si Cess pala.

"Uhm... Pare labas lang ako ha?" Bago ko mapigilan si Nick ay umalis na siya.

"Princess, nakalimutan kitang sunduin. Sorry. Halika na." Medyo nahihilo na ako.

"Lasing ka na pala. Hindi ka man lang nagtext or sumagot man lang sa mga tawag ko!" Ngayon ko lang nakita na galit na galit siya.

"What's wrong? Nakalimutan lang kita sunduin tapos galit ka na agad?"

"Hindi dahil don..."

"Ah si Joaquin na naman noh? Sabihin mo nga sa akin? May gusto ka pa sa kanya noh? That's why you're encouraging him to court you knowing that you're mine!" I lashed out on her at bigla niya akong sinampal.

"How dare you say that! Alam mo na engaged na tayo!"

"Oo engaged na tayo pero kahit nabura na ang alaala niya sa iyo pero alam ko sa puso mo ay siya pa rin!"

"Alam mo na mahal kita di ba?"

"Oh sige mahal mo ko then let's get married tomorrow."

"JC...alam mo..."

"See? You can't even say yes!"

"Huwag mo namang..."

"No need to explain... Umalis ka na."

"JC... Sorry... Hindi naman sa ganoon..." Akmang hahawakan niya ako pero tinapik ko ang kamay niya.

"Stop explaining! Umalis ka na! Go!" Sigaw ko sa kanya. Nakita kong tumulo na ang luha niya at umalis. Mabuti maingay ang bar at hindi halos marinig ang away namin. I wanted to numb this pain that I feel. Tama nga ako. Mahal niya pa rin si Joaquin pero kasalanan ko na ipinagkait ko sa kanya ang pagkakataon niyang lumigaya. Nakonsensiya ako kaya kinuha ko ang cellphone ko at hinanap pangalan niya. I'm so drunk that I didn't know who I called.

"Please get me here at Tipsy's. So drunk." Inihiga ko ang ulo ko sa table at nawalan na ng malay.

Ang sakit ng ulo ko. Hangover. Just great. Nagulat ako nang may gumalaw sa tabi ko.

"Morning handsome. Had a great night?"

Am I just dreaming? Is it really her?

"Priscilla?"

"Damn right. Last night was a blast!" She smiled wickedly and she was only wearing a night gown. I pushed the covers and saw I that I was only wearing my boxers.

"Did? Uhm... Did you and I?" I never felt more nervous and embarassed in my whole life.

"Whatya think?" She smiled and bit her lips.

Kiss by kiss (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon