Chapter Eleven

3K 66 0
                                    

-JC-

Mabilis akong nagbihis at bumaba. Nakita kong nag-uusap sina Mama at Cess tungkol sa foundation day next month. I'm sure tungkol na naman ito sa mga damit at sapatos. Mama loves Cess like her own daughter at laging ipinagshoshopping siya nito. Ayaw sana ni Cess pero hindi siya makatanggi kay Mama. I mean who can? Not even my dad can stop her from what she wants. We're close but I'm no Mama's boy. Alam niya na gusto ko si Cess matagal na.

"Hi beautiful ladies." Bati ko sa kanila at kumuha na ng pagkain.

"We were just talking about Cess's gown para sa song number niya sa foundation day."

"Tita, nag-abala pa po kayo." Nahihiyang sagot ni Cess.

"Okay lang iyon iha. You're like a daughter to me na. Manonood ako for sure!" Excited niyang sagot.

"Stage mother lang Ma?" Nakakatuwa talaga siya kapag excited.

"But of course! Tumawag pala si coach mo kanina lang at sinabi niya na for punishment of being late ay magpeperform daw kayo sa foundation day."

Nabulunan akong bigla. "Anong magpeperform?"

Nagkibit balikat lang si Mama pero halatang excited.

"Dalian mo na kasi may praktis ka pa." Mamaya magshohopping at bibili ng camcorder para mavideo ang show.

Binilisan kong magsipilyo in 1 minute.

"Let's go, princess. Bye Ma!" Hinatak ko si Cess palabas at dahil may hangover pa ako, si Cess ang nagdrive sa akin.

Kinuha ko sa bag ang cellphone ko at nagtext kay coach na on the way na ako.
--------------
To: Coach Bawar

Coach sori I'm l8. On d way na. Ano b un punishmnt na sbi Mama?

--------------
From: Coach Bawar

Ur l8 again Mr. San Miguel! Yes u wil perform sa Foundation Day! Boyband ang theme. Get in hir 4 practice!

"Oh sh*t! Are you serious?! No way Jose!" Napamura ako sa inis. Of all punishments ganun pa? Boyband? Backstreet boys, Nsync and etc?!

"Anong nangyari?" Tanong ni Cess habang nagmamaneho.

"Di ba sabi ni Mama na may punishment kami dahil sa lates sa practice?" Tumango lang siya at nagcoconcentrate sa pagdrive.

"Well, its true! Boyband pa ang theme! Kill. Me. Now."

"Arte mo naman Juan Carlos San Miguel! As if I know you like to perform. Naalala mo yung elementary tayo at sumayaw ka ng Macarena?"

"Oh don't even go there! Dahil sa performance level ko nasira ang shorts ko!"

"Sino ba naman may sabi na magsplit ka di ba?"

"Correction! Nadulas ako kaya ganun!"

Tawa kami ng tawa. Most embarassing
Moment ko iyon and I want to forget it!

Nakarating na kami sa gym ng Ace Academy at hinayaan kong dalhin ni Cess ang sasakyan.

"Grabe tol. Ganda ng driver natin ah. Si Francesca pa." Bati sa akin ng ka-team ko.

"Pre, palakad naman kay Cess." Sabat pa ng isa.

"Shut up!" I retorted. Cess is mine.

"Hanggang kelan ka magiging torpe tol." Biro naman ng isa.

"Don't start with me. May hangover pa ako at sabi ni coach may punishment na tayo."

"Good morning team! Come on and let's brainstorm sa performance ninyo."
Narinig kong bati ni Coach Bawar.

"Alam mo kasi JC, nililigawan ni Coach si Ma'am Jill Santos ng Glee club which is the one organizing the show." Bulong sa akin ng kasamahan ko.

"Just great!" Napailing na lang ako kasi buti pa si Coach may game plan na sa nililigawan at ako wala pa din.

-Cess-

Naihatid ko na si JC at babalikan ko siya mamayang 3pm. Pumunta ako sa library at nasalubong ko si Ma'am Kat, ang nagsusupervise ng part time tutors.

"Ay Cess! Wala ka pa lang cellphone kaya hindi kita nasabihan na wala pala yung magpapatutor mo. Nilagnat siya pero paid ka pa din."

Ngumiti na lang kahit parang nainsulto na ako lang ata sa buong mundo ang walang celpon.

"Ay sige okay lang po. Mauna na po ako. Lumabas ako ng library at tumungo sa parking lot. Binuksan ko ang bag ko at nakita ang jacket ni Joaquin. Magkikita daw kami mamayang gabi sa "secret place" namin. 7pm is way too long right? Naisipan kong isauli yung jacket niya sa bahay nila para makita ko siya.

Bumalik ako sa Richesville at tumungo sa mansion ng mga Da Silva. Hanggang ngayon napapamangha talaga ako sa karangyaan ng pamilya niya. Si Mitch kasi super spoiled at sana hindi ko siya makita.

Bumaba ako sa sasakyan at nagdoorbell. Medyo nag- open ang gate at nakita ko si Joaquin naka-swimming shorts. Napanga-nga talaga ako sa mala-Adonis na katawan ni Joaquin.

"Ah... Ma'am ano po sana kailangan ninyo? No solicitors po dito." Sabi ng guard sa akin.

Mukha na ba akong busabos?! Naka-tshirt at shorts lang kasi ako.

"Ay hind po. Isasauli ko lang po ang jacket ni Joaquin. Pakisabi na andito po ako... Si Francesca." Sabi ko sabay abot ng jacket ni Joaquin. Tinawag ng guard ang isang maid at kinausap sabay abot ng jacket. Parang duda pa din si Kuya Guard at hindi man lang ako pinapasok.

Nakita ko yung maid na pinuntahan si Joaquin sa may swimming pool area at tinawag. Umahon si Joaquin at tila parang sa movies na slowmo. Bawat tulo ng tubig sa katawan niya at noong hinagod niya ang buhok niya... Look at those muslces flex in a very tantalizing way. Lord... Patawarin nyo po ako! I just can't help but admire his body! Ang bata ko pa maharot na ang aking isipan!

Nakita ko na tumingin sa direction ko si Joaquin at napakunot ng noo. Nagsmile ako at nagwave pero hindi niya ako pinansin tapos pumasok siya ng bahay. Ouch medyo nahurt ako! Suplado! Uhmpf! Aalis na sana ako ng tinawag ako ng maid.

"Ma'am pinabibigay ni Ser pla." Inabot sa akin ang isang sobre.

"Salamat po." Tipid kong sagot at umalis na.

Nang nasa sasakyan na ako may nakita akong letter sa loob.

"7pm."

JDS

"Wow tipid naman sa ink ng ballpen!" Inis kong sabi. Ginusot ko ang papel nang may maramdaman ko na may laman pa. Tiningnan ko at may isang coupon ng isang mamahaling boutique.

"You are entitled to shop worth 1000 pesos of item at our boutique."

May nakita akong sulat ulit sa likod.

"Wear something nice. It's a date. " JDS

Kiss by kiss (Completed)Where stories live. Discover now