Chapter Fifty Four

2.3K 33 0
                                    

A day before the Ace Academy High School Reunion....

-Cess-

I know dapat malaman ni tatay na nagbalik na ang aking memorya kaya kinausap ko siya.

"Tay, may sasabihin po ako sa inyo."

"Ano iyon anak?" Tanong ni tatay habang nagtitrim ng mga golden rosary sa garden namin.

"Bumalik na po ang aking alaala." Pagkasabi ko ay humarap si tatay sa akin at napangiti.

"Mabuti naman at wala ka ng amnesia. Naalala mo ba bakit kayo naaksidente ni JC?" Nagulat ako sa tanong dahil hindi ko inakala na nagtataka pa din sila tungkol sa totoong nangyari sa aksidente.

"Nasira po yung break ng sasakyan." It wasn't a lie and it was one of the reasons. Some things are better left unsaid as it is all in the past.

"Alam mo hindi ko alam kung anong gagawin ko kung naano ka ng araw na iyon..." Maluha-luhang sabi ni tatay.

"Tay,tapos na po yun. Buhay po ako. Hindi ko po kayo iiwan. Alam ko binantayan ako ni nanay noon."

"Oo pero ingatan mo ang sarili mo. Hindi pa ako nagkaka-apo."

"Malapit na po." I smiled mischievoulsy.

"Ha? Buntis ka?" Sabi ko na ba ito sasabihin niya.

"Hindi po! Ano ba yan tay! Handa na ako magpakasal."

"Kay JC or kay Joaquin?"

"Siyempre sa first love ko po. Si Joaquin."

"Mabuti naman at nagkabalikan na kayo. Nagkausap na ba kayo ni Tital Stella mo?"

"Mamaya po. Magkikita po kami."

Nang hapon na iyon ay nagkita kami sa isang restaurant ni Tita Stella. Alam ko na sabik siya na magkatuluyan kami ni JC pero nasabihan na daw siya. Excited na daw siya dahil makikilala niya si Priscilla sa upcoming welcome home party sa pagdating ng father ni JC.

Naisipan kong bumisita sa pungtod ni nanay before going home. Habang iniilaw ko yung kandila ay laging namamatay at naubos yung posporo ko.

"Ano ba yan, nay. Ayaw mo ba ng kandila?"

"Want to use my lighter?" Narinig kong sabi ni Priscilla sa likod ko.

"Anong ginagawa mo dito?"

"Just like you. I'm visiting someone too." She pointed a mausoleum nearby and handed me the lighter. I handed it back to her when I was able to light the candles.

"You know what we haven't been introduced properly by JC. I am Priscilla Guevarra." She extended her well manicured hands and inabot ko din.

"I am Francesca Morales. Call me Cess. Sino pala binisita mo dito?"

Bago pa siya nakasagot ay may batang babae tumakbo palapit sa amin.

"Tita Prissy, hindi mo ako inantay! Gusto ko din bisitahin si Mamu."

"You were asleep and I don't want to wake you up. You were dreaming of him again." Nagblush ang bata and to think she is like 8-9 years old only.

"Tita! Nakakahiya sa friend ninyo po. Hi ako po si Kace Guevarra!" Nagwave siya sa akin at napangiti ako.

"Hi I am Cess. Nice to meet you."

"Tita Cess, samahan ninyo kami at bibisitahin namin ni Mamu. Siya ang nanay ng lola ko."

Sabay kaming pumasok sa mausoleum nila. Nakita ko na 2 years ago lang namatay ang lola nila. Tapos naupo ako sa may marble bench at tumabi sa akin si Priscilla.

Kiss by kiss (Completed)Where stories live. Discover now