Chapter Ten

3K 72 1
                                    

-JC-

"You're home drunk again, Juan Carlos." Galit na bungad sa akin ni Mama.

"Sorry. Napadami ata ang inom ko and no worries kasi Cess drove me here." I explained.

"Ayon nga ang problema iho kasi si Cess lagi ang naghahatid sa iyo. Can't you be more responsible? Ano sasabihin ko kay Mang Kiko niyan? Every friday night na gagabihin si Cess?" Litanya ni mama at napansin ko na nalimutan ko ang cellphone ko sa sasakyan.

"I forgot something sa sasakyan. Can we have this conversation in the morning?" Nagmadali na akong lumabas sa garahe.

"Where's that damned phone?" I blurted out load.Hinanap ko sa backseat wala kaya binuksan ko yung passenger seat may nakita akong jacket.

Hindi ito akin ah and I don't remember any male classmate riding with me ever. Hinanap ko baka may pangalan at meron nga. Embroidered were the initials J.D. S.

"Joaquin Da Silva"

I will ask Cess about this tomorrow. Iniwan ko ang jacket sa loob passenger seat at pumasok na sa bahay.

-Cess-

"Anak, gising na at tayo'y mag-aalmusal na. Hatinggabi ka na naman umuwi." Sabi ni tatay habang kumakatok sa kwarto ko.

"Lalabas na po. Sensya at na-late ako ng gising." Binuksan ko ang pinto at dumiretso sa sa hapagkainan. Nakita ko pandesal, peanut butter at kape ang nasa mesa.

"Eto na muna yung almusal natin kasi hindi pa ako nababayaran."

"Ay wait lang po tay." Dali-dali akong pumasok sa kwarto at binuksan ang sobre kagabi. Laman noon ay 1000pesos. Kinuha ko lahat at inabot kay tatay.

"Saan ito galing anak?"

"Sorry po if lagi kaming late umuwi ni JC kasi kumakanta po ako sa mga parties."

"Anak, pasensya na at pati ikaw ay na abala ko pa." Malungkot na tugon ni tatay.

"Naku huwag kayo pong mag-alala. At least nagkaka-pera po tayo dahil sa boses ko na ito." Pagmamayabang ko.

"Kung hindi sana namatay ang nanay mo..."

"Ayan na naman po kayo. Tama na drama po tay kasi aahon din po tayo. Nasa langit na si nanay at binabantayan tayo."

"Ah tama ka. Sige kumain na tayo. Dadaan ako sa palengke mamaya."

Nang matapos si tatay kumain ay umalis na ito para magtrabaho. Nagpasya na din akong maligo para puntahan si JC. For sure may hangover na naman yun dahil kagabi at may basketball practice pa siya. Ako na naman magmamaneho dahil part time tutor din ako. Naalala ko bigla yung jacket ni Joaquin at nagmadali na ako para kunin iyon.

Pagkadating ko sa bahay nila JC ay nasalubong ko si Tita Stella.

"Good morning iha. Dali gisingin mo si JC at tayo'y mag-almusal na." Bungad niya sa akin at nagbeso pa. Close kami ni tita kasi halos naging pangalawang ina ko na siya. Gusto niya na lagi kong bantayan si JC.

"Good morning din po tita. Sorry late na naman kami. Nakapag-almusal na po ako. Daan muna ako sa garage kasi may nakalimutan ako tapos gigisingin ko na si JC."

"Thank you nga kasi hindi mo pinabayaan yang batang yan. Oh siya mauna na ako."

Dali-dali akong pumunta sa garahe at kinuha sa passenger seat ang jacket ni Joaquin. Inamoy ko muna at nilagay sa bag ko. Ang kiri! Hahaha!

Pumanhik na ako sa taas para gisingin si JC.

"JC, gising na. May basketball practice pa kayo at may tutorials pa ako."

"Ah sh*t! Patay na naman ako kay coach nito. What time is it?"

"Quarter to 8 na po. Here gamot para hangover mo."

"Ligo muna ako Cess and then we'll eat .Bahala na mamaya sa praktis."

Inayos ko ang higaan niya after 5 minutes lumabas na siya na may takip lang ng towel sa ibaba. O.M.G. Saan nanggaling ang abs na yan? Napatakip ako ng mata. Gone was the payat JC and in with the hunky version.

"Uhmm.. JC magbihis ka nga!" Nagblush ako at itinapon ang tshirt sa kanya.

"Ay may nagbublush! Do you like what you see?!" Bigla akong kiniliti ni JC sa kama. Sigaw ako ng sigaw sa sobrang kiliti.

"Tama na! Tama na! Hahaha!"

"Anong nangyayari diyan?" Narinig kong sabi ni Tita Stella sa may doorway.

Patay! Medyo ackward ang position namin ni JC sa kama. Naka-boxers lang siya at ako sa higaan nakalabas na ang tiyan.

"Ehem... Iha baba na tayo at antayin na lang natin si JC sa baba."

"Ah... Cge po tita." Nahihiyang sagot ko at inayos damit ko. Nauna na ako bumaba kasi feeling ko pagsasabihan si JC.

"It's not what you think, Ma."

Narinig kong sabi ni JC.

"Hindi na kayo bata, Juan Carlos. What if Mang Kiko saw that?"

"Sorry okay? You know how I feel about her, Ma. Bihis na ako."

Oo nga pala. We're not kids anymore and a lot has changed. Feel about me? Ano kaya yun?

Kiss by kiss (Completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora