Season 2: Chapter 33

2.3K 45 1
                                    

Welcome to College where coffee and alcohol are your favorite drinks, terror professors exist, sleepless nights due to studying or partying, and endless exams or projects.

The field of nursing is becoming popular as it is your ticket to greener pastures abroad. Cess wanted to be a nurse because her mother was a nurse herself before she died.

-Cess-

Grabe ang hirap naman pala magpalipat-lipat ng classrooms. Sobrang laki pala ng college department compared sa high school. Nagbabasa ng schedule and room assignment si Cess nang may mabangga siya.

"Aray! Ano ba yan!" Iritang sabi ng babae na nabangga niya.

"Ay sorry po." Tapos biglang napatinging ang babae sa ID ko.

"So BSN ka din pala. Anong section mo?" Tanong ng babae na chinita at maiksi ang buhok.

"Ay oo. Section A ako. Siya nga pala ako si Francesca Morales, Cess for short." Sagot ko sa kanya.

"Talaga? So classmate pala tayo. Ako naman si Samantha Cheng or Sam na lang." Nakangiting sagot niya at nakipagkamay sa akin.

"Sabay na tayo maghanap ng classrooms natin. Mamayang hapon ang orientation."

Dahil iibang course na sina JC at Joaquin ay nagkaroon ako ng bagong kaibigan sa katauhan ni Sam.

Sobrang dami ng vacant periods namin kaya naghanap kami ng tambayan ni Sam. Naisipan naming tumambay sa gazeebo area malapit sa football field.

Habang umiinom kami ay namilog ang mata ni Sam na nakatitig sa likod ko.

"Now college life will not be a bore anymore. Hey beautiful." Narinig kong sabi ni Joaquin sa likod ko. Kaya pala. Lumingon ako at nakita ko na naman ang killer smile niya.

"Hi Joaquin. Care to join us? She's Sam and he's Joaquin. Mamaya pa class namin sa Psych 101."

"Too bad I can't gotta run, babe." Hinalikan niya pisngi ako at umalis na.

"Oh my! Ang super hot naman niya in person! Grabe makalaglag pa..."

"Sam!"

"Makalaglag panga, Cess. Jaw dropping! So green minded!" Sabi niya sabay hagikhik.

Ilang minuto pa lang ay dumating din sina JC, Leo at Nick. Yes, classmates pa din ang tatlo.

"Hi my princess. Wala ka bang pasok?"

"Hi JC. Wala pa eh. Siya nga pala guys, meet Sam and these are JC, Leo and Nick." Pakilala ko kay Sam na namimulog na naman ang mata.

"Kayo wala bang pasok?" Tanong ko sa kanila.

"Magkikita kami ng bagong coach sa basketball ngayon. See ya later princess." Paalam niya sabay kiss sa noo ko.

"Alam mo, Cess... Ikaw na! Babe na nga princess pa! Dalawang hotties na ang humalik sa iyo! Sino ba sa kanila bf mo?"

Natawa lang ako kay Sam dahil weird nga naman may dalawang lalaki na sobrang malapit sa akin.

"Wala pa akong nasasagot sa dalawa eh."

"Talaga? Sorry pero dapat mamili kana para hindi aasa yun isa." Sabi ni Sam.

Tama naman siya at kailangan ko nang mamili pero hindi pa ako handa. Alam ko may masasaktan pero sa ngayon wag muna.

-JC-

Hindi ako sanay na hindi nakikita si Cess palagi. Noong high school magkasama kami sa iisang classroom ngayon nadadaanan ko na lang siya sa campus. No cellphones allowed kaya hindi rin ako makapagtext lagi and iisang department kami ni Joaquin. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nakakapili sa aming dalawa si Cess which I find better kasi may chances pa ako pero dahil sa sobrang hectic ng schedule ay hindi kami magkita palagi.

Kiss by kiss (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon