Chapter Forty Seven

1.9K 39 0
                                    

-JC-

Kakauwi ko lang galing sa paghatid kay Cess. Always wrong timing itong si Joaquin. Did he come back to steal Cess from me? I felt guilty that day and the memory haunts me like it was just yesterday.

Four years ago...

Magtatanan sila Cess at Joaquin kaya hindi ako makakapayag na gagawin nila iyon. It was my chance to stop her kaya hiniram ko ang cellphone ni Cess. She was so trusting and I felt like a jerk but I need to do this. I scrolled the phone and looked for Joaquin's name, sent him a message then turned it off.

To: Aquin

I am not coming with you. Goodbye.

Then everything was a blur... Nag-agawan kami sa manibela tapos may truck pala nasa harap namin. Tinapakan ko ang break pero huli na kaya niyakap ko siya.

"I'm sorry, Cess. I just love you too much."

Iyon ang huling nasabi ko tapos dumilim ang buong paligid. Paggising ko ay masakit ang buong katawan ko.

"Cess!" Napasigaw ako at nakita na nasa ospital ako. Nakita kong pumasok si Mama at niyakap ako.

"Mabuti at gising ka na anak! Talagang natakot ako nang mabalitaan ko ang nangyari. Mabuti at konting galos lang ang natamo mo."

"Ma, asan si Cess. Gusto kong makita si Cess."

"Iho, pasensya na ha? Nasa ICU siya dahil hindi pa siya gumigising. Medyo conscious ka pa kanina at nakatulog lang."

"ICU? Bakit? Anong nangyari sa kanya?"

"May head injury si Cess. Sabi nila nauntog sa may window banda. Okay siya dahil galos lang naman pero hindi siya magising mula kanina pa."

"Kasalanan ko tong lahat!" Napaiyak ako sa sobrang galit.

"JC, aksidente lang ang lahat. Huwag mong sisihin ang sarili mo."

"Sabi ko aalagaan ko siya. Poprotektahan pero ano nangyari?"

"Sssssshhhh...tahan na anak. Magpahinga ka na. Bukas makikiusap ako sa doctor ni Cess na payagan kang puntahan siya."

Kinabukasan ay napayagan akong pumasok sa ICU kasi okay naman ako. Kinausap ko si Mang Kiko at humingi ng pasensya at katulad ng sabi ni Mama, aksidente lang ang lahat. Nang nakita ko si Cess at parang nadurog ang puso ko. She was so pale and lifeless with all the contraptions around her.

"Princess, I'm sorry. I love you. Please wake up." Hinawakan ko ang kamay niya at hinalikan.

Bumisita din sina Sam, Leo at Nick na hindi makapaniwala sa nangyari. Ang mga grandparents ni Cess ay pumunta para makita ang apo nila. Araw-araw kami nananalangin na sana gumising na siya at sa awa ng Diyos ay sinagot Niya.

Ako muna ang tumambay sa labas ng ICU. Kumuha ng room si Mama para may tulugan kami ni Mang Kiko at andon siya ngayon natutulog dahil salitan kami sa labas ng ICU. Umidlip ako ng konti nang may gumising sa akin.

"Sir, yung girlfriend ninyo po ay gising na." Sabi ng nurse kaya dali dali akong pumasok sa ICU. Nakita ko nakadilat ang mata niya at tila naguguluhan.

"Princess, thank God that you're awake. I'm sorry... Mahal lang talaga kita kaya ko nagawa yun. Sana mapatawad mo ako." Napaiyak ako sa sobrang tuwa.

Nang kinuha na yung Endotracheal tube sa kanya ay nagmadali siyang nagsalita.

"Anong nangyari? Bakit ako nandito?" Medyo paos yung boses niya.

Kiss by kiss (Completed)Where stories live. Discover now