Chapter Twenty Four

2.2K 50 0
                                    

-Cess-

(Nokia ringtone)

Napagising ako ng narinig ko na tumutunog ang cellphone. Nakita ko 3 AM pa lang at tumatawag si JC.

"Hoy JC! Alam mo ba anong oras pa lang?"

"Cess si Leo pala ito. Si JC wasted na at walang maghahatid sa kanya pauwi. Pwede mo ba siyang puntahan dito sa Tipsy's?"

"Nasa Tipsy siya? Dala ba niya sasakyan niya?" Dali dali akong lumabas para mag-ayos.

"Pasensya na kasi ayaw namin madistorbo si Tita Stella at saka out of way kami eh."

"Sige sige hahanap na lang ako ng taxi para makapunta diyan."

Kumuha ako ng jacket at lumabas ng bahay. Ang hirap pa naman mag-abang ng taxi dito sa ganitong oras Pupuntahan ko na lang si Tita Stella para hiramin ang sasakyan nila. Naglalakad ako patungong bahay ni JC nang may tumawag sa akin.

"Cess is that you? Why are you out walking alone at 3am?" Medyo galit si Joaquin.

"Joaquin. Bakit andito ka?"

"I usually jog around from Phase I to III. Where are you going?"

"Pupunta ako kina JC para humiram ng sasakyan para sunduin siya sa Tipsy's."

"Why didn't you call me instead? It's dangerous! Come and we'll grab a cab."

Naglakad kami palabas ng Richesville at nagpatawag siya sa guardhouse ng taxi. Nakasakay kami agad agad at tumungo na sa Tipsy's.

"Never ever do that again okay? What kind of best friend he is asking for you to come and get him?"

"Huwag mo namang husgaan si JC. May sakit kasi si Tita kaya walang susundo sa kanya kundi ako. Sorry na."

Nakarating kami sa Tipsy's at hinanap si JC. Nakita ko kumakaway si Leo at Nick sa akin at tila nagulat na kasama ko si Joaquin.

"Buti dumating ka Cess. Ayaw paawat sa inom ayan nagpass out na. Sorry sa abala." Sabi ni Leo sabay abot ng susi ni JC.

"Kanina pa ba kayo dito? Paano kayo uuwi niyan?" Tanong ko.

"Sasakay kami ng taxi ni Nick tutal magkalapit kami ng bahay. Sige ingat kayo." Dali daling umalis yung dalawa halatang takot kay Joaquin.

Hinila ni Joaquin si JC at inalalayan paalabas ng pub. Binuksan ko ang passenger door para makahiga si JC at si Joaquin na ang nagmaneho.

"Cess... Cess... Cess..."

Naririnig naming nagsasalita si JC habang tulog.

"Did you tell him about us?" Tanong ni Joaquin habang nakatingin kay JC sa mirror.

"Oo. Bakit mo naitanong?"

"No wonder he got himself drunk."

"What do you mean?"

"Don't you see? He's in love with you, Cess."

"Ano?! Hindi noh! Wag mong bigyan kulay ang pagiging alcoholic ni JC." Naiiritang sagot ko. Si JC in love sa akin? Malabo yun kasi playboy iyon at tinuturing ko siyang kapatid.

Hindi ko pinansin si Joaquin hanggang nakarating kami sa bahay nila JC.

Dinala ng guard sa loob ng kwarto si JC at umalis na kami.

"Cess, wait up. I'm sorry that I said that please."

Hindi ko siya pinansin at dali dali pa din akong naglakad palabas ng Richesville. Hinila niya ang kamay ko at niyakap.

Kiss by kiss (Completed)Where stories live. Discover now