Chapter Two

4.3K 93 2
                                    

-Cess-

Sa Sta. Ana, iisa lang yung private school doon at iyon ang Ace Academy. Ang mga nag-aaral doon ay tinatawag na Aceans. Hindi ako anak mayaman pero dahil matalino ako nabigyan ako ng scholarship from elementary until high school.

Ngayon taon ay nasa fourth year na kami ni JC at nasa star section pa. Si JC ay ang MVP at hearthrob ng school. Of course kasi 5'6" siya, moreno, with killer dimples pa! Matalino, mabait and magaling sa basketball. The only downside lang is playboy siya. Every month ata may dinedate na babae at lahat pinapaasa niya! Most of the girls at school medyo naiinis sa akin dahil we are best of friends.

Iba naman umaasa na maging kami kasi we look like a perfect couple dahil ako ang Acean's Songbird. Ako ang representative ng school lagi sa singing contests. Let me describe myself, 5'4" ako, maputi at super straight ang buhok at sabi pa nila kamukha ko daw si Donna Cruz. Yan ata ang pamana ng nanay ko sa akin at inaalagaan ko talaga ang pagiging Diyosa ko.

Kidding aside, never ako maiinlove sa best friend ko kasi ayoko sa mga playboy! Iisa tao lang talaga ang nagpatibok ng puso at iyon ay si...

"Joaquin!"

Napatakbo ako sa labas ng classroom ng marinig ang pangalan ng pinakagwapong lalaki sa balat ng Sta. Ana. The Elusive Bachelor Joaquin Da Silva.

Iba talaga ang lakas ng dating ni Joaquin. Tall, dark and super duper handsome pa! He has an air of mystery and arrogance kasi hindi siya palasalita and never smiles. To describe him in detail, he has very dark eyes that can consume you with one look, he has kissable lips, sun kissed skin na not too fair and not too dark, super talino, mayaman and most of all with super hunky body. I know I may sound like a perv pero nakita ko kasi siya topless sa harap ng pool nila. Babae ako and I am vulnerable! I practically drooled when I saw it na kailangan pa akong kurutin ni JC sa pisngi para matauhan.

Okay going back...

Nasa break kasi kami kaya halos lahat ng estudyante nasa labas ng classrooms. Ang babae na tumawag pla kay Joaquin ay si Steph. Yes remember the mini mean girl before? She's all grown up and mean as ever! She is in fact the high school cheerleader! Unbeatable kasi ang Aceans sa cheerdance competitions. Oo maganda at sexy siya na lagi siyang nagfflirt kay Joaquin!

"Joaquin, nasa clinic pala si Mitch kasi nahulog siya sa pyramid kaninang practice" maarteng sabi ni Steph with matching hawak sa biceps niya.

"I know." Tipid na sagot ni Joaquin at kinalas ang kamay ni Mitch tapos umalis patungong clinic.

Did I forgot to mention na nadisgrasya si Mitch kanina sa PE? Second in command siya ng cheer squad. Magkapatid sina Joaquin at Mitch sa ama dahil nagpakasal ulit yung father ni Joaquin ng mamatay ang ina ito sa breast cancer. In short, half sister niya si Mitch at kahit ganoon nga super spoiled si Mitch sa kuya niya.

Ang only balakid sa upcoming romance namin ni Joaquin ay ang super spoiled and mean girl no. 1 na si Mitch. 😒

Kiss by kiss (Completed)Where stories live. Discover now