Chapter 2

953 24 0
                                    

Lex's PoV

Kuya drove the car. Tumingin na lang ako sa dinadaanan namin para maging pamilyar ako para sa susunod magba-bike na lang ako. Alam kong mayaman kami but I want a normal life. Masyado kasi akong iniis-spoiled ni Papa at nina Kuya.

"You do know na bawal ang sombrero dun." Sabi ni kuya. They hate the fact na hindi daw ako mukhang babae kumilos pero ayos lang daw sa kanila dahil hindi ako marunong magsuot ng maiikling damit.

As if magsusuot ako nun.

Mayamaya pa ay bumungad sakin ang isang malaking gate. Mukhang hindi ako makakapag-cutting dito ah. Merong ding dalawang security ang nagbabantay sa gate.

Kaya pala dito ako naisipang ipasok ni Papa. Alam nya kasi ang mga kalokohang ginagawa ko sa States. Walang pag asa. Nagpunta si kuya sa pinaka dulong parking lot. Dun nya pinarada ang kotse. Lumabas na ako dahil ayaw ko talaga na pinagbubuksan ng pinto.

"Baby una na ako. Baka magkaroon ng tsunami kapag may nakakita sakin. Mas ligtas ka kapag di mo ako kasama. Hintayin na lang kita dito kapag uwian na." Kahit hindi ko alam kung bakit, tumango na lang ako sa kanya. Nasa entrance pa lang ako ng parking lot ng may nakita akong isang lupong ng kababaihan. Wait, parang.... Tsunami ng mga kababaihan!!

Tumingin ako sa kaliwa't kanan para maghanap ng pagtataguan. Sigurado akong mababangga ako ng mga 'to.

"Aaah!!"

"Nandito na si Eron!!!"

"Eron darling!!!"

"Eron asawa ko!!"

"Eron!!"

Shit!! Papalapit sila ng papalapit!! Masasagasa ako!! Bago pa ako makapag react biglang may humigit sa braso ko at hinila patago sa likod ng isang kotse. Napatingin na lang ako sa kinatatayuan ko kanina. Maraming tumatakbo kung nandun pa ako para akong kutong tiniris.

Napalingon naman ako sa taong humigit sakin.

o∩_∩o -sya

_(._.)_ -ako

"Lex!!!" Sigaw nito at niyakap ako. Nararamdaman kong umiiyak sya kaya hinagod ko ang likod nya. "Waaah!!! Na-miss kita! Sinabi lang sakin ni Tito na papasok kana kaya inintay kita dito!" Napabuntong hininga na lang ako at napangiti.

"Pfft.. Stop crying. Samahan mo ako sa principal office." Tumahan naman sya at nginitian ako. Hila-hila nya ako papunta sa office maraming nakatingin sakin  kaya binaba ko ng konti yung sombrero para hindi nila makita ng buo yung mukha ko.

"She looks... Lesbian."

"Yeah."

He's In love With A TomboyWhere stories live. Discover now