Chapter 97

289 8 0
                                    

Lex's PoV

I took a deep breath before looking outside the window. Kasalukuyang nasa parking lot kami ng Telian Mental Hospital kung saan dinadala ang mga taong may sakit sa pag iisip. Hindi muna ako lumabas ng kotse at pinagmasdan ang kabuuan ng hospital.

"Kaya mo bang pumasok?" Napalingon ako kay Crisha at syang hinawakan ang aking kamay. Muling bumaling ang aking paningin sa entrance ng building at pinagmasdan ito.

"Kahit naman kung ano ang gawin ko o magpilit ko man syang iwasan. Kailangan ko pa rin syang harapin. Avoiding him nor forgetting him will not solve my problems. The reason why I decided to talk to him was to end everything about us." I muttered.

"Kung ganoon naman pala." Bigla nya akong hinila palabas nang kotse at pinulupot ang braso nya sa braso ko tsaka ako hinila papasok ng building. "Tara na. Alam ko namang papasok ka pa din kahit na nagdadalawang isip ka."

Napasimangot ako sa sinabi nya. But she's right though.

*^*^*^*^*

"What are you doing here?"

Nakaharap ako kay Daruuz at pinagmasdan ang itsura nya. Magulo ang kanyang dirty blonde na buhok at malalim ang eyebags sa ilalim ng kanyang mga mata.

"Seems you aren't have enough sleep."

Umiwas sya ng tingin sa akin habang nakakunot ang noo.

"Why do you care?"

Ako naman ngayon ang napaiwas ng tingin.

We are currently on a white room. Ang tanging gamit lang sa puting kwarto na kinaroroonan namin ay dalawang upuan at stainless steel table sa pagitan namin.

"I'm here to know your condition."

"Lie!"

Tiningnan ko lang sya at hindi natinag sa kanyang pag sigaw.

"You have that De Castro guy right? Then why are you wasting your time at me when you have a new man to toy with?" Nakangising sambit nya. Sumandal ako sa aking upuan at nag de quatro. Pinatong ko rin ang aking kamay sa armrest at tiningnan sya.

"Since when did I toy with you?"

Nakita kong nag twitch ang kanyang kilay at mukhang nainis sa sinabi ko.

"Can't find any answer? Well, that's because your the one who's toying me? Am I right?" Natigilan sya sa sinabi ko at hindi makatingin ng diretso sakin. Akala nya siguro hindi ko malalaman ang tungkol dun.

Mula noong nagkaroon kami ng relasyon ay alam kong madami na syang babae. Hindi ko na ikinagulat iyon dahil kilala siya sa paaralan namin. Oo at maraming nag kakagusto sa kanya. Ito na namang si gago, patol lang ng patol. Marami na syang napag laruan at nalokong babae. Kahit na noong  sinagot ko sya may mga pag kakataon na nahuhuli ko sya ng mga babae nya sa ilang sulok ng paaralan. Making out with different girls and dating them. Lahat binalewala ko at umaktong wala akong nakita. Kung tutuusin pala ay mas malala pa ako kay Crisha. Nakikita ko na, binabalewala ko na lang. Nasaktan ako syempre, pero nawawala din pag kalipas ng ilang oras.

"I have seen you with different woman. Did you hear anything from me?  -Of course not. Did we argue? -Not even once.  Did I complain for your lack of time with me? -I don't." Pinanuod ko lang syang lumubog sa kinauupuan nya. Nakita ko kung paano nanginig ang kanyang braso kahit may suot syang strap jacket.

"Daruuz."

Napatingin sya sakin ng banggitin ko ang kanyang pangalan.

"Our relationship isn't form by love. It is to benefit your image."

He's In love With A TomboyWhere stories live. Discover now