Chapter 39

447 11 3
                                    

Lex's PoV

Tatlong araw na ang nakakalipas matapos ang aksidente sa cafeteria. Fortunately I didn't get any scratch, thanks to Crisha.

And it's official, there's a new bunch of hooligans. Very hostile if you ask me, like those two groups. Ugh! Men, parang parami ng parami ang grupong nakakaaway ko ah.

Katatapos lang ng practice namin at pupunta sana akong storage room. Kukuha kasi ako ng spare ring. Nasira ko kasi. Sila naman kasi ang may kasalanan. Pinilit nila akong mag dunk, kapag pa naman nagda-dunk ako hindi ko ma-control katawan ko. Tinawanan pa nga ako ni Couch Ellize eh.

Ako daw si Captain Gori ng Shohoku. Asa naman. Mas gusto ko si Mitsuwi noh! O kaya si Kaede Rukawa. Hahaha... Tama na Lex napaghahalataan kang adik sa Anime.

Pagliko ko sa bandang dulo ng hallway ay may humawak sa collar ng t shirt ko at hinampas ako sa pader. Sa sobrang laki nya ay nagawa nya akong maiangat sa sahig. "Ano Lex? Akala mo ba tapos na yung pagtutuos natin? Or should I call you Shinma?" Nanggagalaiting tanong nya.

"Release me Mister. I couldn't recall any encounters with you." I calmly uttered. Nangunot ang noo nya. "What the f*ck b*tch?! Hindi mo natatandaan yung mga tauhan kong binugbog mo sa eskinita?!"

"Oh~ those morons is your men? Their were a bunch of wimps. Sometimes, hire someone brawny." I smirked. I really love to tease my enemies. Nagdilim ang mukha nya. Inihagis nya ako at tumama ang likod ko sa sahig.

Ayoko ng magka-injury! Malapit na ang Athletic Meet. Baka sabihin ni Kuya Eron na napaka basag ulo ko. Well, its kinda true.

Mabilis akong tumayo dahil sinugod nya ako. Tinakbuhan ko na lang sya, sa laki mong yan ewan ko na lang kung makahabol ka. Bigla akong napa-preno ng may humarang sakin.

SCREEEECH!!!

Lumikha ng matinis na tunog ang aking rubber shoes. Sh*t! I'm trap. Pagtingin ko sa likod ko ay malapit na si taba, pagtingin ko sa unahan ko at nandun yung isa nyang kasamahan. Napalingon ako sa kaliwa ko.

Ugh! I have no choice!

Tumakbo ako papunta rito at tumalon sa bakod. Geez, I'm doomed. Nabagsakan ko ang mga bulaklak!

"Andun sya!"

"Gago! Sundan mo!"

Hindi ko na nilingon ang mga ito at tumakbo sa kung saan. Tsk! Bahala na basta malayo sa mga gunggong na yun.

"Aray!!! Pwede bang tumingin ka sa dinadaanan mo?!- Lex?"

"I don't have time Clytard."

Tatakbo na sana ako ng hilahin nya ang pulsuhan ko. Ano ba 'tong lalaking 'to? Kainis ah. Magpilit kong inaalis ang kamay nya pero ang tigas talaga ng ulo ng isang 'to. Kung pwede lang na ibalibag ko ang isang 'to ginawa ko na. "May tinatakbuhan ka no?" Nakataas ang kanang kilay nya habang nakatingin sakin. "Ano naman sayo? Tsaka pwede ba bitawan mo ako."  Mas lalo nyang hinigpitan ang hawak sakin.

He's In love With A TomboyWhere stories live. Discover now