Chapter 88

332 10 2
                                    

Clyde's PoV

Malaon na kaming natapos sa paglalaro ng UNO cards at kasalukuyan kaming nanunuod ng movie sa HBO. Kanina lang ay nakausap ko yung tatlong kambal. And guess what? I found something about my m'lady. Though she really dislikes that color. But maybe she'll accept my gift. And beside, she really love that alien.

"Ang tagal naman ng tatlong yun. Nine pm na. Saan pa kaya nagsu-suot ang mga yun?" Pabulong na wika ni Angelia na syang nakaupo sa bean bag. Ang layo nya nga sa amin eh. Lol kung alam ko lang iniiwasan ng isang yan si Kioji. Ito namang si Kioji panay ang papansin at pang aasar kaya na iinis yung isa. Mga abnormal din eh.

Maya maya ay dumating na yung tatlo. Hindi na nga sila magkandaugaga sa mga dala nila. Well except for m'lady dahil parang wala lang sa kanya yung mga dala nya.

"Ugh! Excuse me! Coming through!" Humawi sa daan ang Star Section at dumaan sa pagitan nila si Seath na hindi magkadaugaga sa dala. Dumating ang Star Section kanina lang. Supposed to be kasi ay kasama namin sila kanina kaso ay may mga ginagawa pa sila kaya ngayon lang sila nakarating.

"M'lady, do you need help?"

"No."

Nilampasan nya lang ako at dumeretso sa kusina kaya napasimangot ako. Ang hard talaga sa akin ng tomboy na yun. Wala namang imik si Crisha ng tulungan sya ni Rav sa pagbitbit ng mga dala nya. She really looks bothered at mukhang malalim ang iniisip. Napansin kong nagsikuhan yung tatlong kambal ng makita si Crisha. Ano naman kaya ang problema ng tatlong 'to?

|•|•|•|•|•|

Nakailang araw na din kami dito sa bahay bakasyunan ni m'lady. Ang dami ngang ginawa eh. Nagpunta din kami sa kalapit na mga isla na pagmamay ari din pala ng mga Castillejo para mamasyal.

And this past few days, m'lady started acting weird. She's more quiet than usual. Yung bored expression nya napalitan ng emotionless.  I don't know pero mukhang may kinalaman ito sa pinag usapan nilang dalawa ng personal butler nya na si Talios. And this past few days, my mother keeps telling me that I always receive packages to an unknown sender. Sabi ko nga sa kanila na ayokong tumanggap ng kahit anong bagay na galing sa taong hindi ko naman kilala. Sinabi ko din sa kanila na wag ng tatanggapin lahat ng package na pinapadala sa akin. It might me dangerous lalo na at nang galing sa taong hindi ko naman kilala.

Right now, m'lady is beside me while we're watching everyone as they play at the beach. Mukha silang mga batang kalsada promise. Ang kukulit. It's a total mayhem out there. Niyaya nga ako ni Gyliard kaso tumanggi ako dahil kasama ko si m'lady at mag isa lang sya kung iiwan ko. And I won't let it happen

I was leaning on may chair ng may maalala ako. "M'lady." Tawag ko sa tomboy na katabi ko. Her eyes were close as if she's asleep but I know better. I lean forward to her. "M'lady." Tawag ko ulit. "Tsk. What?" Nakapikit pa rin sya and she didn't even bother to look at me. Napangiti na lang ako ng wala sa oras. It takes two days calling her m'lady without her sending deadly glares at me.  Lagi nya kasi akong sinasamaan ng tingin kapag tinatawag ko syang ganun. But yesterday, nung tinawag ko syang ganun hindi nya na ako sinamaan ng tingin. Pfft... mukhang nasanay si m'lady.

"I want to give you something." I said. Tinanggal nya ang braso nya na nakapatong sa kanyang mata at pinaningkitan ako ng mata. Saglit akong pumasok sa loob at nakita ang isang dark blue na box na nakapatong sa coffee table at kinuha ito. Pagkalabas ko naabutan ko syang umiinom ng juice habang nakatingin sa tanawin sa di kalayuan. Mukhang naramdaman nya ang presensya ko at tumingin sya sa direksyon ko. I saw a hint of curiosity plays on her eyes but immediately disappear when I saw it.

He's In love With A TomboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon