Chapter 15

542 21 0
                                    

Lex's PoV

I already had two walk in closet. One is my clothes and the new one was full of uniform. I had the feeling na mapupuruhan ata ang mga uniform ko. Para ready na ako sa ano man ang mangyari. Naglalakad ako papuntang school. Dagdag exercise na din ito. Ayaw ko namang sumabay sa kuya ko at baka maulit na naman ang nangyari. Tsaka ayokong makuyog ng mga babae nya.

Hindi nagtagal ay pumasok na ako, chineck muna nung guard and mga gamit ko at ID tapos pinapasok na ako. Habang naglalakad ako sa hallway ay pinagbubulungan ako ng mga estudyante habang dumadaan ako sa harapan nila.

'Dude sya yung nangbuhos ng lunch kay Clyde kahapon.'

'Ang tapang ah. Kinakalaban ang Black D.'

'Sya din yung kumakalaban sa Queens.'

'Transferee tapos kinakalaban na niya ang dalawang sikat na grupo.'

'Poor her. Siguradong pagtutulungan yan.'

'Hay... Siguradong lilipat ulit sya dahil sa kanyang ginawa.'

'She's digging her own grave.'

Hindi ko alam kung matatawa o magagalit ako sa mga pinagsasabi nila. Ako? Magta-transfer dahil sa takot na baka kung anong gawin nila sa akin? Psh. Wag na silang umasa. Wala ng epekto sakin yan.

Dumeretso na ako sa third floor para makapunta sa aking klase. At nasa pinto pa lang ako ay nakikita ko na si President na nakaabang. Naka-cross arms at nakasandal sa may pintuan. Hindi ligtas sa akin ang kanyang ekspresyon. Tumigil ako sa harapan ng pintuan dahil nakaharang sya. Dadaan na sana ako sa konting space ng pigilan nya ako.

"Ano bang magandang paraan para malayo ka sa gulo?" Tanong nya. Aba! Malay ko. Sila yung nangunguna, binabawian ko lang. Tinitigan ko lang sya. Nakakunot ang kanyang noo at halatang nag-iisip na naiinis. Tinanggal ko ang kamay nya na nakahawak sa aking braso at pumasok ng room. Pagkapasok ko ay nakatitig sakin ang mga kaklase ko.

Problema nila? -_-

Mayamaya pa ay bigla silang sumigaw.

'Woooh! Ang astig mo Lex!'

'Idol na kita Lex!'

'Waaah! Lex! Ikaw na!'

'Lex the Amazon!'

Kung kanina puro negative feedbacks ang nakukuha ko ngayon naman ay mga complement. Ang labo nila promise. Nginitian ko sila at umupo sa aking upuan. Tuluyan ng pumasok si President na nakakunot ang noo. Lagi naman eh. Sarap plantsahin ng kanyang noo para tumuwid. Tumikhim sya na naging dahilan upang tumahimik ang aking mga kaklase. Pumunta sya sa unahan at tinukod ang kanyang kamay sa teacher's desk.

He's In love With A TomboyWhere stories live. Discover now