Chapter 11

547 17 0
                                    

Lex's PoV

Nilalaro ni Clane ang butones ng kanyang polo, samantalang ako naman ay may kausap sa phone. Tinawagan ko ang head ng security ng mall para i-check ang mga CCTV para malaman kung sino-sino ang kasama ni Clane bago sya mapahiwalay sa mga ito. Sabi kasi ni Clane katatapos lang daw nilang manuod ng sine kaya sa labas ng theater sya nawala. Bumaba daw sya ng ground floor para maabutan ang mga kuya nya pero nagkamali daw sya ng nasundan. Nakatitig sakin si Clane habang may kausap ako.

"Don't worry Young Mistress, kami na po ang bahala. Tatawagan na lang po namin kayo kapag nahanap na namin."

"Thanks, aasahan ko yan." Ibinaba ko na ang tawag at ginulo ang buhok ng katabi ko.

"Gusto mo bang maglaro muna bago habang nag-iintay tayo."

"Sige po!" Tumalon naman sya pababa dahil nakatayo sya sa bench. Tumayo na rin ako habang napapailing. Ang hyper ng batong 'to. Sumakay kaming elevator papuntang 4th floor. Nandun kasi ang Game Zoned. I've never been here since sa States nga ako lumaki sinabi lang sakin ni Papa na may ganito dito. Kaya pupuntahan ko ngayon.

"Clane? Wag mong bibitawan kamay ko ah? Baka sa akin ka naman mawala. Mas maraming tao dito kaysa sa baba okay?"

"Okay Ate Lex!"

Pagkalabas namin ng elevator hindi masyadong marami ang tao. Pumunta kami sa Game Zoned katabi ng tindahan ng mga stuff toy. At biglang may nagpa-cute sakin. ::>_<::

Stitch!!!

Lex kalma lang mabibili mo yan mamaya sa ngayon ay pasayahin mo muna ang batang kasama mo.

"Ate Lex! Let's go na!" Hinigit ni Clane ang kamay ko. Sumalubong samin ang mga bata at mga feeling bata habang naglalaro. Naaninag ko naman na may basketball ring as hindi kalayuan kaya pumunta kami don.

"Ate do you know how to play this?" Tanong sakin ng bulilit na ito. Pumunta sya sa basketball na para sa mga bata lang. Tumango ako sa kanya. Naglagay ako ng token para makapaglaro sya. Nagsimula syang mag-shoot ng bola. Wow, for a five years old his very good. But there are times na hindi pumapasok ang bola. Dahil sa paglalaro ng cutie pie na ito ay naka-attract sya ng atensyon. Sino ba naman ang hindi, eh may isang cute na bata ang naglalaro ng basketball. Nang matapos ang oras nya at nakakuha sya ng 200 tickets kaya lumingon sya sakin ng nakasimangot. Oh?

"Bakit Baby?" I crouch down to pinch his cheeks forming a smile. Napa-awe naman yung mga manunuod. Problema nila? -_-


"Ate, my tickets wasn't enough to buy that stuff toy." He said while pointing at my back. Lumingon naman ako at nakita ang isang teddy bear na kasing-laki nya. Ah... If I remember correctly it cost 2000 tickets. Kaya ko naman sigurong palanunin yun pero mas madali kung bibilhin na lang, pero what's the point of coming here kung hindi naman mage-enjoy?

He's In love With A TomboyWhere stories live. Discover now